Phim Castro

113 6 1
                                    

PHIM CASTRO

Inis akong humiga sa kama ko habang kausap sya. Bruhang to! Sabi ko sumama sa outing namin, pero hindi pumunta!

"Sorry na kasi Alex. I thought bukas pa eh. Kaya hindi ako nakapunta sa bahay nyo kanina." sabi ni Kyla. Napairap ako. Psh. Excuses na naman.

"Whatever. Basta bumyahe ka na ngayon, para bukas, nandito ka na." sabi ko. Bestfriend ko si Kyla since elementary, para ko na syang kapatid.

"Okay okay. I'll pack my things now. Bye." sabi nya at in-end call na. Gumapang ako pababa para kunin yung bag ko at nilagay ko yung phone ko dun.

Matutulog na sana ako nung may kumatok sa pintuan ko. Aish! "Come in." sabi ko tsaka nagtakip ng kumot. Actually, nasa isang resort kami ngayon. Summer kase. Ayoko mag-swimming so matutulog muna ko. Mas bet ko yung night swimming. Haha.

Tinanggal nya yung kumot ko, "We went here to swim. Not to sleep, baby." bulong nya sa tenga ko. Tinignan ko si Kent. He's my baby, my boyfriend, my life.

I laughed, "Can I rest first? I'm sleepy." sabi ko. He pinched my cheeks. Tumango sya, "Alright. Dream of me baby." he then kissed my forehead.

"I always dream of you." I said bago makatulog.

**

I woke up nung may biglang umuga sakin. Jeez! Di ba nya alam na natutulog ako? Napamulat ako at tinignan si Phim.

"Storbo." sabi ko. He's my bestfriend. Tatlo kami nila Kyla ang magbe-bestfriends. He laughed at me tsaka uminom ng bubble tea nya. Jeez, his all time favorite bubble tea.

"Di ako storbo. Gabi na kaya. Di ka pa kumakain eh." sabi ni Phim. Napaupo ako. Natulog ako ng umaga, nagising ako ng gabi? Jeez. Gutom na gutom na ko!

"Gutom ka na noh?" umiling ako. Asan kaya si Kent? Dumating na kaya si Kyla?

"Where's Kent?" napairap sya sa tanong ko. Ayaw nya si Kent para sakin. Wala namang masamang ginagawa si Kent sa kanya eh! Ewan ko dito sa Phim na to.

"Nagtanong ako, nagtanong ka din. Bakit ba puro Kent na lang iniintindi mo? Di naman kayo magtatagal nyan." sabi nya tsaka umupo sa kama ko. Sinipa ko sya kaya nalaglag sya. Psh! Serves him right.

"Aray! Ang sakit shiz." sabi nya habang hinihimas himas yung likod nya. Inirapan ko sya.

"Kakain na ko." sabi ko tsaka sya iniwan sa kwarto na kulang na lang umiyak sa sakit ng pagkakasipa ko sa kanya.

"Lagot ka sakin Alex!!" Tumakbo ako agad. Baka habulin ako ni Phim haha!

**

"Alex!!!" sigaw ni Kyla. Binaba ko yung magazine na binabasa ko. Nandito ako sa lobby with Kent. Tinext na kasi ako ni Kyla na parating na sya so we wait for her.

She hugged me nung makalapit na sya, "Sorry. Hehe. Nandito naman na ko eh. Bati na tayo please?" sabi ni Kyla sabay pout. She's acting like a baby again.

Inirapan ko sya kunwari then smiled, "Alright." I hugged her. Nakaka-miss din pala si Kyla. Graduate na ko ng college. Kaming dalawa ni Phim. Si Kyla fourth year college pa lang, nag-stop sya nung elementary sya dahil sa financial problems ng family nya. Kahit summer, may pasok pa din sya. How sad.

"Hi Kyla. Long time no see." sabi ni Kent tsaka binuhat yung mga gamit ni Kyla, "Thanks Kent." sabi ni Kyla tsaka hinila ako papuntang elevator. Sinusundan lang kami ni Kent.

Nung makarating na kami sa kwarto namin, she shared a room with me. Tapos si Phim at Kent naman ang magkasama sa isang room. I want to share a room with Kent. Wala namang mangyayari samin because I know he respects me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon