Paano ba mag-move on

2K 17 4
                                    

"Love is a temporary madness. It erupts like an earthquake and then subsides. And when it subsides you have to make a decision. You have to work out whether your roots have become so entwined together that it is inconceivable that you should ever part. Because this is what love is. Love is not breathlessness, it is not excitement, it is not the promulgation of promises of eternal passion. That is just being "in love" which any of us can convince ourselves we are. Love itself is what is left over when being in love has burned away, and this is both an art and a fortunate accident. Your mother and I had it, we had roots that grew towards each other underground, and when all the pretty blossoms had fallen from our branches we found that we were one tree and not two." 
-St. Augustine


Okay. Ano daw konek nung quote sa taas sa story na to?
Sa totoo lang wala. Natuwa lang ako kaya yan, ipinost ko. Unang-una, maliwanag pa sa sikat ng araw ang title nito. Tanong,


Pano ba mag-move on?

Ang kabaliwan kong ito, ay hindi magtuturo sa inyo kung pano. Hindi ito thread na magbibigay sa inyo ng tips kung pano ba mag-move on. Ito ay isang karanasan..


Karanasan na nagturo sa akin..


At ang teacher ko?

Si mareng life.

Joke. Ang kempet nung Mareng Life kainis haha. 

Name: Katalina Teresa Chavez
Nickname: Kate
Birthday: July 13
Birthplace: SPC
Zodiac Sign: 
Age: 15
Sex: Female
Location: SPC
School: LC

FAVORITES
Food: sinigang na bangus, ginataang langka ni mama
Dessert: ice cream
Actor: 
Actress: 
Male Singer: 
Female Singer: Taylor Swift
Hobbies: 
Sports: 
Music: 
Movie: A walk to remember
TV Shows: 
Book: 
Author: 
Cartoon/Anime Character: Doraemon, Uchiha Sasuke
Crush: -----
Love: God, Family
Dreams and Aspirations: Yumaman
Motto in Life: Time is gold


Natawa akong mag-isa sa kwarto habang binabasa ang mga sagot ko sa slambook ng kaklase ko. Lalo na yung motto. Benta! Gasgas na yun e. Haha. Hindi naman kasi ako ganun kaseryoso sa pagsasagot ng mga ganan. Kaya yung mga gusto ko lang sagutan ang nilalagyan ko ng sagot. Malamang. Tapos nahiya pa kong ilagay talaga kung sinong crush ko no?. Syempre, baka kumalat pa. Alam mo naman yung ibang nagsasagot sa slam note, kapag walang maisagot, tumitingin sa sagot ng iba, tapos gagayahin. E pano kapag nakita nila kung sinong crush ko diba? Malaking problema yun. Nakakahiya pati no. Tulad ngayon, dinekwat ko lang to sa kwarto ng bestfriend ko. Laugh trip lang magbasa ng mga sagot ng iba kong kaklase. May trivia nga ako e, 62% ng nagsagot dito e katulad ko ng motto. Galing diba? Tapos 76% naman yung katulad ko ng sagot sa love.

Ano kaya kung ilagay ko na dito kung sinong crush ko?


Wala namang masama diba? Ako nalang naman ang makakakita at makakaalam. Tapos college na naman ako ngayon, at isang taon narin ang nakakalipas nung sinulat ko to. Malamang yung iba kong kaklase nakalimutan na rin to. 


Kebs nalang din ano?

Paano ba mag-move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon