Chapter 19: Closure

276 18 2
                                    

Chapter 19: Closure

•~•~•

"Valentine's Day is near. So who gets the date with Crystal?" Tanong ni Jungkook kay Jimin. Tinapunan naman ng masamang tingin ni Jimin si Jungkook,"Of course, it is me! I'm the original boyfriend here." Maktol ni Jimin.

"Shut up you two. Walang date na magaganap, okay?" Inis kong sabi sakanilang dalawa.

"Why? It's the day of hearts! Of love! How can you say na walang date?" Bagot naman na tanong sa akin ni Jungkook na parang bata. Napairap na lang ako at kinuha ang invitation sa coffee table.

"We are attending Taehyung and Yui's engagement party." Sabi ko habang pinapakita ang invitation.

"Isn't that gonna hurt you?" Tanong ni Jimin habang subo subo ang isang lollipop.

"Bakit? Minahal ko si Taehyung but it doesn't mean na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako sakaniya. Siguro kaunti pero I assure you, hindi na ganoon ka-strong ang feelings ko sakaniya." Sabi ko sabay baba ng invitation.

"I already let them go. Masaya na ako para sakanilang dalawa." Dagdag ko pa.

Napatingin ako sa kalendaryo na nakadigkit sa pader,"Oh shit. Grocery day nga pala ngayon." Sabi ko sa sarili ko at dali daling kinuha ang jacket ko at nagsuot ng sapatos.

"Hindi mo ba uli kami isasama?"

"No! The last time we went to the grocery store ay nagkalat lang kayong dalawa! So stay here and behave yourselves!" Aangal pa sana silang dalawa nang lumabas na ako sa pintuan.

•~•~•

"Cup noodles, check. Some snacks, check—" napatigil ako sa pagtingin ko sa check list ko nang may makabangga ng cart ko. Pagkatingin ko kung sino ang nakabangga ng cart ko ay si Yui. Oh, I forgot, we used to do grocery shopping together back then. Schedule nga rin pala niya ngayon.

"S-sorry." Naiilang kong sabi sakaniya at akmang aalis na nang itinigil niya ang cart ko.

"Do you have some spare time?" Tanong niya sa akin.

"I guess so. Pagkatapos ko siguro mamili. Why?"

"I need to talk to you."

"Okay?" Patanong na sagot. Wow, ngayon lang uli kami nakapagusap.

"Great! Let's meet later. 3pm at Starbucks." Sabi niya sabay tulak na ng cart niya palayo. Bakit kaya gusto niya kong makausap?

Mamaya maya pa'y nakauwi na rin ako bitbit ang mga pinamili ko. Masyado akong okyupado sa pagkikita namin ni Yui at di ko napansin na nakaabang pala yung dalawa sa may pintuan.

"She just ignored us?" Rinig kong parinig ni Jungkook. Napailing na lang ako at humarap sakanila.

"I'm so sorry. May iniisip lang ako." Sabi ko sakanila at tinanggal ang suot kong sapatos.

"Are you thinking of me, honeypie?" Sabay pout ni Jimin. Napatawa ako dahil ang cute niya tignan. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan siya. Sakto namang nagpose rin si Jungkook kaya nakasama siya sa picture.

Ah, these dorks.

"I'm gonna cook lunch at kayo na uli bahala sa bahay mamaya."

"Are you going somewhere again? May nakalimutan ka bang bilihin?" Takhang tanong ni Jungkook sa akin. Umiling ako,"I'm gonna meet someone." Sagot ko.

"Is it Taehyung again?" Inis na tanong naman ni Jimin sa akin.

"If it's him again. I won't let you go alone."

"Nah, it is his fiancée. I mean soon to be fiancée." Sabi ko sakanila.

Napaisip naman sila parehas.

"Is it Yui?" Tanong ni Jimin kaya tumango ako. Hindi nagsasalita si Jungkook at tila nagiisip pa rin. Pfft, hindi nga pala niya kilala si Yui.

•~•~•

Umorder na agad ako ng kape ko at nakaupo sa medyo dulong parte habang hinihintay si Yui. Argh, parehas talaga sila ng jowa niya. Pahulihin. Tsk.

Narinig kong nagbell ang bell sa may pintuan kaya napatingin ako dito. Napangiti naman ako nang makita ko si Yui at hinahanap ako.

"Psst, here!" Tawag ko sakaniya at kumaway. Ngumiti siya pabalik at umupo sa harap ko.

"I'm so sorry if I'm late. Nagsukat pa kasi ako ng susuotin ko sa party. Speaking of party, may invitation ka na ba—" pinutol ko ang sasabihin niya at tumango.

"Your boyfriend gave it. He invited me personally." Sabi ko sakaniya. Napangiti na lang siya ng tipid, siguro naiilang pa rin sa akin. Ganun rin naman ako sakaniya.

"So, ano pala sasabihin mo?"

"Pfft, what's the rush, Crystal? Let's talk something else first. Excuse, oorder lang ako." Sabi niya at tsaka tumayo para umorder. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung bakit niya ako kinita at kung ano ba sasabihin niya.

Pagka-order niya ay umupo agad siya. Napansin kong naka-halter dress siya na puti at naka-braid ang mga buhok niya. She is not the same Yui that I know, sobra pala talaga siyang nagbago. Para kasing lalaki siya manamit dati kaya mas ka-vibes niya si Taehyung. Is this the real her?

"Sorry, alam kong naninibago ka sa pananamit ko. Don't worry, ako rin naman." Sabay tumawa siya.

Napataas ang isa kong kilay,"What do you mean?" Takha kong tanong sakaniya.

"I want to wear pants and sweat shirts. Tapos naka-sneakers. I badly want to wear those. Kaso, my parents forced me to change. Kaya heto, babaeng babae."

Napatawa na lang ako. I feel guilty tuloy kasi pinagiisipan ko siya ng masama. Na dahil naging girly siya in an instant para magpapansin kay Taehyung.

"Wala bang sinasabi si Taehyung sayo about our party?"

Napaisip naman ako. Umiling ako bago nagsalita,"Nah, wala naman masyado. Pati hindi naging maganda pag uusap namin nung nakaraan." Sabi ko sakaniya.

"Ah, I thought sasabihin niya sayo."

"Ang alin?"

"Tsaka ko na sasabihin pati malalaman mo rin naman sa party yun kung aattend ka."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Humigop ako ng kape ko at namuo ang katahimikan sa aming dalawa.

"Remember those days Crystal? Sabay tayong naggrogrocery shopping at inggit na inggit si Steph kasi di natin kasama." Pambabasag niya sa katahimikan.

Napatawa ako,"Ah yes! I remember that! Sunod sunod nga tweet niya sa twitter niya dahil dun. Kahit rin sa group chat natin, nagrarant siya kaya ang ginawa ni Taehyung kinick out siya." Kwento ko.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin tungkol sa nakaraan hanggang sa umabot sa naging sila ni Taehyung.

"Crystal, I'm so sorry for what I have done. Alam kong mahal mo si Taehyung back then pero wala rin kasi akong choice." Sabi ni Yui at hinawakan ang kamay ko. Naalala ko tuloy nung hinawakan rin ni Taehyung ang kamay ko at biglang hinalikan.

"Wala kang choice kasi mahal mo rin siya diba?" Tanong ko sakaniya. Umiling siya sa akin at ngumiti.

Hindi ko siya maintindihan at bago pa ako makapag salita ay tumayo siya para yakapin ako. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. Pero mamaya maya pa'y nakita ko na ang sarili ko na niyayakap ko rin siya.

"Let's be friends again, Crystal. Let's start over."

•~•~•

My Virtual BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon