Chapter 09: Two Boyfriends
•~•~•
Umupo kaming lahat sa salas at lumayo ako sakanilang dalawa at ayokong maipit muli. Para kasi akong sardinas na napapalibutan ng lata. Hay nako, ano ba kasing ginawa ko para maranasan 'to?
"So una muna, buksan natin 'tong cellphone na pag-aari ng totoo mong owner para makahanap tayo ng ilang information at para ma-contact na agad." Sabi ko sabay pakita ng cellphone sakanila na napulot ko. Tumango naman sila parehas sa akin at tahimik akong pinapanood.
Binuksan ko ang cellphone at bumungad sa akin ang lockscreen at may larawan ng bulaklak. Tiningnan ko kung may password ba pero wala kaya maswerte ko itong binuksan at bumungad sa akin ang wallpaper naman na mukha ni Jungkook na may yakap na babae. Pero ang problema lang ay, cropped picture kaya si Jungkook lang kita sa wallpaper. Para bang couple wallpaper? Gano'n?
Binuksan ko ang contacts pero gulat ko ay ni'isa walang nakalagay. Pati na rin ang inbox at call log ay chineck ko pero wala rin.
Is this even possible?
"Ang hirap naman nito," bulong ko tapos kamot sa ulo. Binuksan ko ang ibang apps kung may Facebook, Messenger ba o kahit anong social apps pero wala rin. Ang tanging downloaded lang na app ay ang My Virtual Boyfriend. Chineck ko rin ang gallery pero tanging cropped picture lang talaga ni Jungkook na wallpaper pa ang laman.
Ano bang klaseng phone 'to?
Wala kahit ano? Na-format ba 'to o ano?
"So, did you find my owner?" Tanong bigla ni Jungkook at pabalik balik ang tingin niya sa cellphone at sa akin.
"Unfortunately, no." Sabi ko sabay buntong hinga. I guess, he had to stay with us at the meantime. Pero paano ba namin mahahanap owner nito kung wala namang ka-clue clue kung sino 'to? O saan 'to makikita?
Nagulat kami ni Jungkook nang biglang tumalon si Jimin paikot, "No! No! This guy can't stay here for so long!" Sabi niya sabay pout. Napatawa na lang ako at nilapitan siya. Pinat ko ang ulo niya at tsaka niyakap.
Jimin is having his tantrums at ang cute lang. Para siyang bata na hindi pinasyal sa park.
Akmang yayakap rin si Jungkook ay kumalas na agad ako ng yakap kay Jimin at tinitigan siya ng masama.
"B-but.. but.. I want a hug too!" Sabay pacute sa akin. Inirapan ko siya at humarap sa kabilang side ko pero hindi ko mapigilang tumingin sakaniya. Para siyang kuneho, ang cute niya rin. Napabuntong hinga na lang ako at binuka ang dalawa kong kamay.
Naalala ko rin kasi na baka mamatay sila pag wala silang naramdaman na affection. Konsensya ko pa.
"Ah!" Sigaw ko nang magtaob kami ni Jungkook dahil sa pagkakayakap niya sa akin nang may pwersa.
"Huhu, di mo naman kailangan yakapin ako ng ganiyan," pagrereklamo ko at medyo hinampas ng kaunti ang likod niya.
"Sorry, pero ginawa akong ganito ng original owner ko," sabi niya sabay halik sa pisngi ko dahilan para manigas ako sa pwesto ko at hindi alam ang gagawin ko.
B-bakit?!
"Hey! That's my girl!" Sigaw ni Jimin sabay higit sa akin patayo at hinalikan rin ako sa kabilang pisngi. Tumayo naman si Jungkook at hinawakan naman ang braso ko sa kabilang banda.
Oh boy.
"It's also my girl!" Sabi nito at hinihila ako papunta sakaniya.
Omg, hindi ako lubid para gawin niyong laro na tug of war!
Sisigaw na sana ako nang unahan ako ng pagtunog ng doorbell. Parehas nila akong binitawan at nagsamaan na naman sila ng tingin.
Sino naman ang pupunta dito?
"Cut it out, okay?" Suway ko dalawa bago tumungo at binuksan ang pinto.
Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin si Taehyung sa labas ng apartment ko. I mean, this is really unusual and surprising. Bakit kasi bubungad siya dito 'di ba?
"W-what are you doing here?" Gulat na tanong ko sakaniya.
"Crystal, we need to talk."
Talk? Anong pag-uusapan pa namin?
"About what?"
"Who's that?!" Napalunok ako nang maramdaman ko ang presensya ng dalawang lalaki sa likod ko. Shocks, bakit para namang bantay na bantay ako? Geez.
"Who's the new guy? Ginagawa mo bang dorm 'tong apartment mo?"
"A-ah hindi, si Jungkook pala 'to. H-he's my.. my.."
"I'm your what?" Sabay kapit ni Jungkook sa balikat ko at hinawakan ang baba ko para iharap ang mukha ko sakaniya. Namula ang mukha ko at agad na winaksi ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.
"H-he's my.. umm.. uncle's son! Yes! Oo! Anak siya ng tito ko. So bali, pinsan ko siya."
Napataas naman ng kilay si Taehyung, halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko pero hinayaan na lang.
"And kilala mo na yung isa."
"Oh yes, nice to meet you again Jimin." Madiin na sabi sakaniya ni Taehyung.
"And it's not nice to see you again."
Napakagat ako ng labi nang maramdaman ko ang tensyon sa gitna nila kaya nagsalita na ako.
"So, ano pala ginagawa mo dito?"
"Sinabi ko na sayo. Gusto kita makausap."
"Oh sure, pasok ka—"
"No, I want to talk to you in private. Baka pag pumasok ako dyan, maging pakain ako sa mga tigre." Sabi niya sabay tingin sa dalawang lalaki na katabi ko na ngayon. Napatingin na rin ako sakanila parehas, hindi naman sila mukhang tigre ah! Para kayang kuneho si Jungkook tapos tuta si Jimin! Yaaaaay, ang cute cute kaya nila!
"What are you giggling for?"
Bumalik ako wisyo nang magtanong si Taehyung. Tumawa na lang ako ng peke para hindi naman ako ganoon kahiya-hiya.
"So, saan mo ba gusto mag-usap? Do you have any places in mind?"
"I'll meet you at the mall at two o'clock pm. I'll see you later." Sabay lakad na palayo na parang sobrang casual na inimbita niya na lang ako para makipag-usap.
Bakit ba kasi gusto niyang makipag-usap?
Pumasok na muli ako at sinara ang pinto.
"So, where are we?" Tanong ko sakanila.
Hinigit uli nila parehas ang magkabila kong braso at wala na akong nagawa.
These dorks. Ugh.
•~•~•
BINABASA MO ANG
My Virtual Boyfriend
Ficção AdolescenteSTARTED: December 2018 FINISHED: January 2019 STATUS: COMPLETED AND UNDER REVISION AND EDITING [TAGLISH] Choi Crystal was broken with the fact that her long time crush became her bestfriend's boyfriend. She was devastated and so hurt that she downlo...