Chapter 8(First Aid)

3K 50 1
                                    

Vince POV

Ilang minuto akong naka yakap kay yhassie

At muka namang nahimasmasan na ito kaya ako na ang kumalas sa yakap na ito

Naka tungo ito kaya hindi ko alam kung anong reaksyon ang meron sya ngayon

Ngayon pa nahiya

"T-teka may dugo ka"-utal na sabi nito at tinuro yung nasa tagiliran ko

Tumingin ako dito at may punit iyon at marami rami naring dugo ang nasa uniform ko

"Dadalhin na kita sa clinic" sabi nito at tumingin sa akin

"Wag na"-sabi ko dito at aalis na sana ng hawakan nito yung braso ko

"Teka...paano yang sugat mo"-sabi nito na mukang nag aalala

"Wala lang to"-sabi ko dito at aalis na ng higitin ulit nito ang braso ko

"Ano nanaman"-iritang sabi ko dito

"Baka mapano ka at baka ma infection yang sugat mo"-sabi nito

"Eh ano naman sayo"-sabi ko dito

"Nakokonsensya kasi ako sa pinag gagagawa ko kanina"-sabi nito habang pinaglaruan ang daliri

Palihim naman akong napangiti dahil kahit na marami akong ginawang hindi maganda sa kanya ay nagagawa nya parin ma concern sa iba

Kaya hinigit ko sya paalis sa rooftop pupunta kami sa hide out para gamutin nya yung sugat ko tutal mapilit naman sya at hindi naman sya pumalag

Yhassie POV

Tumigil kami sa tapat ng isang pinto at inilagay nya yung hintuturo nya sa gilid ng pinto at nag bukas na yung pinto

Hindi pala basta bastang pinto ito dahil gawa ito sa matigas na metal

Hinigit nya naman ako papasok sa loob

Namangha naman ako sa lawak ng loob at magandang them color na Black and White at maraming naka display na mga picture

Binitiwan naman ni vince ang kamay ko at pumasok sa isang kwarto

Kaya nilibot ko ang paningin ko nakita ko ang mga picture kaya tinignan ko ito nakita ko si Liam,ken,zyrus,vince at si Joshua ata yung nasa huli masaya silang naglalaro

Napangiti ako ng makita ko ito

Napatingin naman ako sa katabing picture kinuha ko ito at tinignang mabuti

Nakita kong nakangiti si Vince

Marunong palang ngumiti ang bakulaw na ito

Pero napatingin ako sa kasama nitong babae na naka kiss sa pisngi ni vince

Nawala ang ngiti ko ng makita ko ito

Bakit parang nasasaktan ako ng makita ko sila na sweet parang naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko
Hindi....hindi pwede to

"Yhassie"-rinig ko mula sa likod ko kaya agad ko namang ibinalik yung picture

" Ahm bakit"-sabi ko dito na parang walang nang yari

Nakita ko naman na tumingin sya sa gilid ko at nakita yung hawak ko kanina

Mukang hindi nya ata naguatuhan ang ginawa ko dahil wala akong nakikitang emosyon sa mga mata nya

Well!!! Always naman na ganon

Pero bakit parang iba yung pag ka cold nya ngayon

Naglakad na ako papunta sa sofa at umupo

Sumunod naman sya sakin at umupo sa tabi ko at inabot yung first aid

Kinuha ko naman ito at kinuha yung bulak at alcohol para linisin ang sugat nya

Walang nag sasalita sa aming dalawa
Alam kong galit sya dahil pinaki elaman ko yung litrato pero na curious lang naman ako sa ngiti nya

"Ahm V-vince yung d-damit mo"-utal kong sagot

Hinubad nya naman ito ng walang pag aalinlangan

Oh my pandesal (OoO)

Napanganga ako dahil 6 pack mga bess

Napatungo nalang ako dahil sa hiya

Pakiramdam ko ang pula na ng muka ko

Sinimulan ko ng linisin yung sugat nya habang nakatungo parin ako

"Ganan kaba gumamot"-cold na tanong nito

Kaya napatingin ako sa kanya

"A-ano?"-wala sa wisyo kong tanong

"Never mind"-sabi nito at umiwas ng tingin

Kaya nag focus nalang ako sa sugat nya

Medyo mahaba ito at wakwak
Kaya siguro ang daming dugo sa uniform nya

Nang natapos ko nang linisan yung sugat nya ay kumuha ako ng band aid at nilagyan ito

Ng matapos ay tumayo na ako

"Tapos na"-sabi ko dito at nagbihis naman sya ng bagong uniform at hinila nanaman nya ako at lumabas kami

Hawak parin nito ang kamay ko

Ngayon ay nandito na kami sa garden

Naka upo ako habang sya ay nakahiga sa damo at naka pikit

*Fast Forward*

Natapos ang mag hapon ko na nasa garden lang ako

Hindi narin ako nakakain kanina at hindi narin ako pumasok

Pinanood ko lang ang paglubog ng araw at ngayon ay nandito na ako sa bahay

" kamusta school mo baby"-bungad sa akin ni kuya

"Ok lang naman nakaka boring"-sabi ko kay kuya at humiga sa sofa

"Ikaw huh meron ba akong hindi alam sa baby sister ko"-nakangite nito at nag taas baba pa ang kilay

"Alin kuya"-maang na tanong ko

"May nanliligaw na ba sayo?"-natigilan naman ako sa sinabi ni kuya dahil na alala ko nanaman ang nagyari kanina na nakuha ni vince ang first kiss ko

"Bakit mo naman natanong yan kuya"-nagtatakang sabi ko dito

"Kasi nakita ko na may nag hatid na sayo dito"-sabi nito at tumabi sa akin

"Ahh school mate ko lang yun kuya"-sabi ko dito

Tumawa naman ito ng mahina

" sige mag pahinga kana at maaga kapa bukas"- sabi ni kuya

Kaya tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko para magpahinga

Humiga na ako sa kama ko

*Block out*

The King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon