Chapter 35(The Game)

2.3K 33 0
                                    

Yhassie POV

Gabi na ngayon at lahat ng gising pa ay nag tipon sa labas ng Mansion malapit sa dagat at mga naka upo kami ngayon sa buhangin na pinapalibutan ang apoy sa gitna

Narito kami dahil May naisip na pakulo ang mga tropa ni Vince
Katabi ko si Vince at Ken

"So ganito ang laro papaikutin namin ang boteng ito kung sino ang tapatan ng nguso ng bote ay sasagutin o gagawin nito ang sasabihin ng taong huling tinapatan ng nguso ng bote bawal ang Kj dito lahat ng consequence ay sasabihin o gagawin okay"-mahinahong sabi ni Liam na katabi naman ni ken

Napa tango naman kami sa sinabi ni Liam

Sinimulan ng paikutin ni Liam ang hawak nyang bote sa isang malapad na kahoy

Tumapat naman yung nguso ng bote sa isang babae

"Ako ang mag tatanong....Kung papipiliin ka kung sino magiging Bf mo for 1 week si Ken ba o si Liam"-pagtatanong ni zyrus at bahagyang tumawa sa reaksyon ni ken at liam

"Bakit kami"-sabay na sabi ni ken at liam

"Si liam"-sabi ng babae

Maganda naman ito at maputi

"So kayo na Liam haha good luck"-pang aasar pa ni zyrus kay liam at mukang kinilig naman yung babae

Pinaikot na nung babae ang bote at tumapat ito sa isang lalaki na medyo gwapo

"Sino ang crush mo dito"-tanong nito sa lalaki

"Ahm si Ms,Yhassie Tolentino"-nahihiyang sabi nito at tumingin sa akin
nailang naman ako sa titig nilang lahat

Doon ko lang napagtanto na sya pala yung lalaking binully ni vince nung 2nd day of school yung nerd na duguan na iniligtas ko

Gwapo naman pala sya kapag nag ayos

Kinuha na nito yung bote at pinaikot at tumapat kay liam

"Okay sino ang naging first crush mo"-tanong nito kay liam

"Hindi ko alam kung narito sya o kung nasaan man sya ang kauna unahan kong naging crush ay yung batang isang beses ko lang naka usap dito sa Boracay at huli kong nakita sa Secret Heaven"-mahabang sabi nito

Napatingin naman sa akin si Vince kaya tumingin naman ako dito na nag tataka

Pinaikot na ni liam yung bote at tumapat kay zyrus napa smirk naman si liam

"Haha my turned *evil smirk*"-sabi ni liam

Bahagya namang napa lunok si zyrus kaya kami naman ay nag tawanan

"1 month mong gf si Jean"-sabi nito

Napatingin naman kami sa babaing kinikilig

"Sobra naman yan bro"-pag aangal pa ni zyrus

"Ayaw mo gusto mo kay tekla"-natatwang sabi nito kay zyrus

"Gago"-sabi ni zyrus at kumamot sa ulo at pinaikot na yung bote

Tumapat naman ito kay Joshua

"Sino ang taong gusto mo dito"-sabi ni zyrus

Tumingin naman kami kay Joshua na iniintay na mag salita

"Si Cassandra"-walang emosyon na sabi nito

Napatingin naman ako kay Cassandra seriously si Cassandra
Napansin ko na parang wala lang sa kanya yung sinabi ni joshua

Pinaikot na ni joshua yung bote at tumapat kay Marco

"Kung may pagkakataon na balikan ang nakaraan babalikan mo paba?"-tanong ni joshua

"Oo naman dahil gusto kong itama ang mga pagkakamaling desisyon na ginawa ko noon"-sabi ni Marco habang naka tingin sa akin kaya napa yuko nalang ako

Pinaikot naman ni marco ang bote at tumapat kay ken

Hayy buti akala ko ako na

"Kung bibigyan ka ng ticket papuntang paris sino gusto mong kasama?"-tanong ni Marco

"Ahm sino ba hmmmm ahh alam kona si Yhassie nalang"-sabi nito at tumingin sa akin saka ngumiti

Ngumiti lang ako dito at pina ikot na nito yung bote at tumapat ito kay Vince

"Halikan mo sa noo ang taong mahal mo"-sabi ni ken dito

Napatingin naman ako dito at unti unting nilapit ni vince muka nya palapit sa akin

*Tsup*

Hinalikan ako nito sa Noo

Tumili naman yung iba sa ginawa ni Vince sa akin

Pina ikot naman agad ni vince ang bote at tumapat ito kay Cassandra

"Halikan mo ang taong gusto mo"-walang ganang sabi ni vince

Tumayo naman ito at dahan dahang lumapit sa pwesto namin ni vince

O_O Nanlaki naman ang mata ko nang halikan nito si Vince sa l-labi

Mukang nagulat din ang lahat sa ginawa ni Cassandra kay vince

At mukang ganun din si vince

Bumalik na si Cassandra sa upuan nya

At eto ako naka busangot ang muka

Hmpp edi mag sama sila bwisit

Pinaikot na nito ang bote at tumapat sa akin

"Sino ang taong mahal mo?"-tanong nito sa akin

Dahil sa inis ko ay kung ano pumapasok sa isip ko

"Si Marco ang Mahal ko"-sabi ko ng wala sa wisyo mukang nagulat naman ang lahat sa sinabi ko

Lumingon ako sa pwesto ni Vince na naka kunot ang noo

Tumayo na ako at umalis doon dahil ayoko na makita ang pag mumuka nila
Umakyat na ako gusto kona mag pahinga

Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama pakiramdam ko pagod na pagod ako

*Block out*

The King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon