Chapter 33(13 years)

2.2K 35 0
                                    

Yhassie POV

Nagulat ako kung saan ako dinala ni vince

"E-eto yung l-lugar"-utal utal kong saad

At lumapit ako sa isang malaking puno kung saan kami madalas maglaro noong bata pa ako

Kinuha ko yung kapiraso ng kahoy sa gilid at sinimulang hukayin yung lupa

Alam ko binaon ko dito yung isang ala-ala na binigay sa akin

Habang hinuhukay ko yung lupa ay may nakita na akong isang lalagyang metal kaya nagmadali akong hukayin ito

Nang matapos kong mahukay ay kinuha ko yung isang pahabang lalagyang metal

Pumunta ako sa isang upuang kabute at binuksan ang pahabang metal na hawak ko

Pagka bukas ko ay bumungad sa akin ang isang pahabang kahon at isang maliit na album

Kaya agad ko binuksan ang pahabang kahon at tumambad sa akin ang kwintas na gold at may pendant na susi

Napangite naman ako ng makita ko ang pendant na susi

"Ikaw si France?"-sabi nang lalaki sa harapan ko kaya napatingin ako dito

Nakita ko si vince na gulat na gulat

Nakalimutan ko na kasama ko pala sya

"So ikaw pala yung batang kalaro namin ng kuya ko 13 years ago"-sabi ko dito at tumayo

"Ako nga"-sabi nito at may kinuha sa bulsa

Ipinakita nya sa akin ang hawak nyang isang maliit na box at binuksan ito

Nakita ko ang isang kwintas na may pendant na Lock

"Alam mo ba matagal na kitang hinahanap"-sabi ni vince na seryosong naka tingin sa akin

"Talaga?"-pamimilosopo ko dito

Tumango lang ito

"Anong pakiramdam mo na ang girlfriend mo yung batang inaasar mong baboy"-pang aasar ko dito

"Masaya haha ikaw pala si baboy"-sabi nito at tumawa

"Anong baboy ako tignan mo nga ang sexy ko kaya"-sabi ko sa kanya at tinignan lang ako nito

"Sexy saan?"-sabi nito at sumeryoso ang tingin

Kaya nainis naman ako at may naisip

Lumapit ako kay vince at bumulong sa tenga nya

"Cinderella"-bulong ko sa kanya

Nagulat naman ito sa sinabi ko kaya bago pa sya mag salita ay tumakbo na ako palabas ng gubat papuntang Mansion na dala dala ang pinaglagyan ng kwintas at maliit na album

Gusto ko na kumain 1:00 PM na pala

Kaya tumigil na ako sa pag takbo at umupo muna sa malapit na bench at inintay si vince binuksan ko naman yung maliit na album at napangite ako sa nakita ko

Ako at si Vince na nagpapahiran ng putik habang umuulan
Nilipat ko naman at nakita ko yung sinabunutan ko sya dahil kinuha nya yung isang krayola
Nilipat ko naman ito at nakita ko na masaya kaming naka ngite nila kuya at sa huling picture ay yung naglalaro kami ng fairytale na nak suot si vince ng gown ni Cinderella at ako naman ay yung kay snowhite habang naghihigitan kami kay kuya kung kaninong prince ito

Maya maya ay nakita ko na si vince na palapit sa akin

"Gutom na ako"-sabi ko kay vince nang makarating ito sa tapat ko

"1:12 PM na tara gutom na rin ako"-sabi nito at nauna nang maglakad

Kaya tumayo na ako at sumunod na sa kanya papasok sa Mansion

Pumunta kami sa Kitchen at umupo meron na palang pagkain sa lamesa

Kaya kumuha kami ng mga utensils at sumandok na ng pagkain

Afritada at lumiang pinirito ang ulam

Mukang masarap ang kain ko nito

The King of Badboy(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon