Chapter Sixteen

234 6 0
                                    

Ahrirang

  Niluwa kami ng kotse sa tapat ng malaki at lumang bahay . Kinakain na ng lumot ang bahay na iyon at parang tinitirhan na ng multo . Agad akong iginaya nito sa loob. Bukas ang bahay at animo napagiwanan na ng panahon.

"Ito ang bahay niyo Vi." Tumango ako dito at sa pagbukas ng pinto ay ang malawak na sala at mataas na hagdan wala ni anumang gamit dito . Hinawakan ko ang pinto ng bahay at pamilyar sa akin ang tekstura nito.
Sa aking pagpasok ay may nakita akong isang bracelet , bracelet na pamilyar sa akin. 

"Vi , di ko alam kung anong nangyari sayo at kung anong ginawa ng daddy mo sayo at nakalimutan mo ang lahat ." Patuloy lamang ito sa pagsasalita ng di nito namamalayan na dahan-dahan na akong umaakyat sa hagdan at nakita ang madilim at nakakasulasok nitong  hallway . Sa dulo ng hallway ay may nakasiwang na pinto ito ang nag bibigay ng liwanag sa taas na bahagi ng bahay kaya naman dahan-dahan ko iyon binuksan at nakita ang walang laman na kwarto at tanging isang lumang aparador lamang ang natitira . Agad kong binuksan ito at nakita ang walang laman  na cabinet .

"Mama?"  Luha ako at nanlabo ang aking paningin kasabay noon ay ang pag dilim ng paligid isang batang babaeng nasa labing dalawang taong gulang ang naririnig ko sa loob ng cabinet patuloy lamang itong umiiyak at tinatawag ang mama nito.

"Virginia lumabas ka jan uminom ka na ng gamot mo. " takot na takot itong sinara ang cabinet at di na umimik.

Bumukas ang pinto ng kwartong iyon at doon ko lamang napansin na napuno na ng kasangkapan ang buong paligid . Isang lalaking may edad ang pumasok. Lulugo lugo ito at nakakatakot ang itsura .

"Pa-papa?" Napatakip ako ng bibig ng biglang binuksan nito ang cabinet at hinila nito ang batang babae sa loob.

"Wala ka ng kinatatandaan diba sabi ko uminom ka ng gamot mo."

"Papa ayuko , ayuko po , tama na pa ." Hagulgul ng bata . Binuhat ng lalaki ang bata at dinala ito papalabas ng kwarto . Sinundan ko ang mga ito hanggang sa makarating kami sa basement .

"Computer , puro ka computer di ka na nag aaral nakakalimutan mo pa na inumin ang gamot mo."

"Pa ibigay mo na ako kay mama . "

"Iniwan na niya tayo , iniwan na tayo ng mama mo. "

"Ikaw lang ang iniwan niya hindi ako. " isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisngi patuloy lamang ang panunuod ko sa mga ito . Ako ba ang batang iyon ?

"Patuloy mo ba akong babaliwin papa , please ibigay muna ako kay mama ." Iyak ng bata dito . Napapikit ako ng makitang ipinupulot ng lalaki ang wire sa bata at katapat nito ang isang lumang computer .

Sa pagpikit ko ay naramdaman ko na nabasa ang aking mga paa at ang nakakatakot pa ay nakatali ako sa bangko kaharap ang lumang computer .

"Pakawalan niyo ko ." Iyak ko ngunit walang nakakarinig . Nakita kong binuksan ni papa ang lahat ng gripo sa basement at isinara ang mga butas sa loob.

"Papa ."

"Ayan ng tumino ka , isama mo na rin ang computer mo kung ano ano ang natututunan mo jan ." Umalis itong tumatawa at isinara ang pinto .

"Tulong - tulongan nyu ako. "

Pinilit kong makawala ngunit mahigpit ang pagkakatali ng wire sa kamay at mga paa ko .

"Papa , tulong ." Isang matulis na bakal ang nakita ko sa di kalayuan at kahit mahirap gumalaw sa position ko ay agad akong tumalon talon papalapit sa matulis na bagay at ikiniskis doon ang wire . Nakita kong lumulubog na ang computer ko kaya naman ng tuluyan na akong makawala ay hinintay ko muna na wala si papa sa salas . Ngunit naroroon siya at natutulog kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto at takbo takbong umalis .

My One Night Stand SRP Experience <RPG>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon