Chapter Eleven

222 5 0
                                    

Ahrirang

Umaga noon ng salubungin ako ni Sachu at Sarah papasok na kasi kami sa school . Namumulang ngumiti sa akin si Sachu samantalang hanggang tenga naman ang ngiti ni Sarah .

"Vi yung mutual friend mo na si Paul Francisco ghad ! Ang sweet niya." Ngumiti lang ako dito ng impit at yumuko.

"Okay ka lang ba Vi?" Tanong ni Sachu sa akin tumango lamang ako at tumingin kay Sarah .

"Wag ka agad magtiwala sa di mo kilala Sarah baka mapahamak ka ." Saad ko dito . Ngumiti lamang ito sa akin at tumango tango .

"Kuya invite mo na siya. " napakunot ang noo ko sa sabi nito.

" Ah eh Vi gusto ko sana invite ka sa birthday ko bukas."

"Si-sige." Maikli kong sabi dito at ngumiti ng impit . Nag bago ang mood ko ng malaman ko na magkachat si Sarah at Paul kaya ba ang tagal nitong mag reply sa akin kasi kachat niya si Sarah? Naiinis ako ,nagagalit ngunit walang kami ni Paul kaya mananahimik nalang ako . Nangtanghalian na ay sumabay sa akin si Sarah ,napansin siguro nito na iniiwasan ko siya .

"Vi , kayo ba ni Paul ,since sinabi ko kasi na chinachat niya ko di mo na ako pinapansin. "

"Nako hindi may iniisip lang ako ."

"Ganun ba ? Okay lang naman sa akin crush ko lang naman iyon." Ngiti nitong sabi sa akin. Naiinis ako sa pagiging inosente nito at mabait ,ewan ko ba kung bakit inis ako ng ganito dito .

Binuksan ko ang aking phone at nakita ang message ni Paul .

Paul Francisco: Galit ka ba mahal?
Me: Di ah, bakit naman ako magagalit?
Paul Francisco: Selos ka .
Me: Assuming huh?
Paul Franciaco: Sayo lang ako.

Napangiti ako dito ng makita ko si Sarah na nakangiti din.

"Sino ka chat mo?"

"Si Paul , Ghad kinikilig ako."

"Ah okay." Nag chat muli sa akin si Paul ngunit di ko na ito nireplayan .

"Mag ccr lang ako. "

"Sige." Agad agad akong umalis sa lugar na iyon at pumasok sa cr , kinuha ang blade sa wallet ko at ginilitan ang aking wrist. Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa . Ngunit ang sakit ng nararamdaman ko .

Paul Francisco: Vi naman .
Me: Hayaan muna ako.
Paul Francisco: Gusto mo ba na mawala na siya?
Me: Oo , Ewan ayuko sa kanya . Ayukong chinachat mo siya akin ka lang .
Paul Francisco: Sige mahal .

Napayuko ako at nabitawan ang aking phone .

Nagsuot ako ng black Filipiniana dress at black shoes , habang nakalugay ang buhok ko at napalalamutian ng black rose .

"Ang ganda mo anak. " di ako umimik at umalis na dala ang maliit ko na bag .

Paul Francisco: Ingat mahal.
Me: Tsk .
Paul Francisco: Hayst !

Nakarating ako sa party ni Sachu sakay ng kotse nila . Special pa ako dahil pinasundo pa nila ako.

"Vi ang ganda mo." Yakap sa akin ni Sarah .

"Salamat ." Ngiti ko naman dito

"Kanina pa kita hinihintay ah este si kuya ." Nakita ko naman na papalapit sa akin si Sachu na nakablack toxido .

"Ang ganda mo ."

"Salamat , happy birthday ." Nagbeso ako dito at binigay ang regalo ko .

"Kuya ,ate este Vi intindihin ko lang yung iba pang bisita jan muna kayo. " tumango lamang kami ni Sachu dito at naiwan na .

"Halika na ." Agad niyang iginaya ako sa party.

Maraming tao medyo nasosofocate ako sa patay sindi na ilaw .

"Vi try mo iminom ." Saad ng kaklase ko na invited din sa party , umiling ako ngunit napilit pa din nila ako .

"Sige I'll try ." Sabay kuha ko ng tequilla . Mga nakakatatlong shot palang ako ng nakarandam ako ng hilo.

"Wait *hiks* I'll go to *hiks* comfort room."

Papasok palang ako sa confort room ng nakita ko si Sarah na nahihirapan huminga .

"Hey! Are you alright *hiks* " tumango lamang ito at sumabay na sa akin na pumasok sa lady's room .

Nakalimutan ko palang may hawak pa akong baso ng tequilla .

"Sarah ." Tumingin ako sa kanya at ngumiti .

"Drink this *hiks* last shot." Ngumiti ito at ininom ang nasa baso ng bigla itong humawak sa tyan at sumuka ng dugo.

"Sarah? Help!" Naiiyak kong sigaw at lumabas ng cr .

"Sachu !" Sigaw ko sa lalaki ng natanaw ko ito ngunit ang nakakapagtaka ay makita si Darrus nakausap ni Sachu .

"Sachu si Sarah ." Kahit nahihilo ako ay tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan sa braso si Sachu ngunit biglang nagdilim ang paningin ko at di ko na alam ang mga sunod na nangyari .

Nagising ako sa isa sa pasilidad ng hospital , lasing lang daw ako sabi ng doctor kaya naman nagpahulas lang ako. Tatayo palamang ako ng bigla pumasok si Darrus sa kwarto ko at ngumiti ng impit sa akin.

"D-Darrus? A-anong ginagawa mo dito asan si Sarah at Sachu?" Umupo ito sa tabi ko at pinagmasdan ako.

"Kritikal ang lagay ni Sarah dahil sa lason na inilagay sa baso niya ."

"Baso na ibinigay ko sa kanya?" Napahinga lang ako ng malalim at dali daling tumayo upang puntahan si Sarah ngunit pinigilan ako ni Darrus .

"Please Vi wag ka muna magpakita kay Sachu , galit iyon sayo dahil ikaw ang huli nitong kasama at nakita ng mga imbestigador ang finger print mo sa baso." Pagpapaliwanag nito .

"Ngunit wala akong kasalanan ." Yumuko lang si Darrus sa akin .

"Di ko alam Vi."

"Si Paul , si Paul ." Kumunot ang noo ni Darrus sa sinabi ko at tumingin sa akin ng masama .

"Sinong Paul?"

"Yung kachat ko siya , siya ang may kasalanan ."

"Nagbibiro ka ?"

"Hindi totoo siya , kachat namin siya ni Sarah." Tumango tango lang sa akin si Darrus at tumingin sa malayo.

"Pahinga ka nalang muna Vi."

" Di ka naniniwala? Di ka naniniwala sa akin ?"

"V-Vi ."

"Maniwala ka , maniwala ka dahil ito ang nagbanta sa buhay ni Sarah ." Isang malakas na sampal ang tumama sa aking mga pisngi .

" Vi just stop Paul is'nt real ." Seryuso nitong sabi at tuluyan ng umalis .

Dahil sa kagustuhan ko mapatunayan ang mga nangyari agad kong hinanap ang phone ko subalit di ko iyon makita siguro ay naiwan ko ito sa bahay nina Sachu .

"Totoo si Paul , totoo siya ." Sabunot ko sa sarili na sabi at sa pamamagitan ng blade hiniwa ko ang aking pulso at umiyak .

My One Night Stand SRP Experience <RPG>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon