Chapter 1

27 3 0
                                        

Chapter 1

Fulfillment of my dreams! Sa wakas makikita ko na rin ang taong pinakamamahal ko! Natagpuan na siya! Mahigit isang dekada rin kaming nawalay ngunit hindi pa rin siya maalis sa isip ko. Oo, mahal ko siya pero alam kong mahal niya rin ako. Pero ‘di ko sure kase mga bata pa kami ‘nun hehe. Sya mga katorse, ako naman mga kinse. Napakasuplada niya at diring diri sa ‘kin pero sigurado akong ‘pag nakita niya ako ngayon baka maglaway siya at mahubaran ng panty. Ang gwapo ‘ko kaya! Aminado naman ako ‘dun. Bawat babaeng nakakasalamuha ko e nagkakandarapa sa kagwapuhan at kakisigan ko. All in One kase ako, Handsome and Rich! Saan ka pa diba? Pero sa dinami dami ng babaeng na-link sa ‘kin, isang babae lang talaga ang sobrang nakapagpatibok ng puso ko. Siya na e! Ikaw na talaga Jade! Ikaw talaga ang pinakamagandang pulubi na nakilala ko! Kahit gusgusin ka mas maganda ka pa rin sa babaeng nakilala at nai-kama ‘ko.

“Boss nakita na namin sya. Sya na ho talaga.” Tumawag sa akin ang aking bodyguard upang ipaabot ang napakagandang balita. Hindi ako sisidlan sa saya ng mga panahong iyon. ‘Tila lulutang ako sa ulap dahil sa sorpresang hindi ko inaasahang magaganap. “Salamat!” at bigla ‘kong ibinaba ang telepono na walang pakundangan dahil sa sobrang excitement.

Nasa resthouse ako ngayon upang magpahinga. Paborito ko itong puntahan lalo na kapag nasa ulo ko na ang pagkastress. Makita ko palang ito ay nawawala ang init ng ulo ko dala ng sobrang daming ginagawa sa mga negosyo ko. Nandito rin ako upang salubungin ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Ilang taon ‘din bago sya matunton. Ano kaya ang mga ginawa niya ng mga nakalipas na taon? Bakit hindi niya man lang niya ako hinanap? May asawa na ba siya? Anak? O mas mayaman na ba siya ‘sakin? Ito ang mga tumatakbo sa utak ko habang hinihintay ang kanyang pagbabalik......

In Love with a BeggarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon