REALITY VS. EXPECTATION

22 1 0
                                    

Nakaka-adik naman talaga yung mga nauusong chatroom sa social media ngayon. Yung ilalagay mo lang yung interests mo, may lalabas ng kapareho mo ng interes. Tambayan ng mga walang makausap, walang boyfriend o girlfriend, minsan tambayan din ng mga mapanlinlang na nilalang.

Isa din ako sa mga tambay sa chatrooms na ito. At dito ko nakilala si Ken, isang criminology student sa Unibersidad ng Maynila.

Stranger: Hi

Me: Hello

Stranger: NASL mo po

Me: Aby, 20, F, Bulacan ikaw po?

Stranger: Ken, 21, M, Manila
nag aaral ka pa po?

Me: Yup, Accountancy

Stranger: FEU ka ba?

Me: Nope, State Univ dito samin. Ikaw, studying? o working?

Stranger: Sa UM, crim. student, graduating na.

Nag-usap kami for a while sa chatroom, at dahil nga mahina ang internet connection ko, binigay niya sa akin ang phone number niya at ako din in return.

We talked sa viber, mas madali kaming nakakapag-usap. We have these late night convos, na kahit nag-rereview ako for the exams sa accounting, kausap ko pa din siya.

Ang gaan ng loob ko sa kanya. Sobrang smooth niya lang kausap. Everyday na nangyayari sa kanya sa training niya sa loob ng kampo, nag-uupdate siya. Ang daming bagay na napag-usapan, isang araw sabi ko ano ang facebook account niya. And then he refuse to give it to me. Why? Di na daw niya kasi ma-open yun. And also, hinala niya ginagamit ng ex niya. But then, dahil maparaan ako, I searched for it pa din, I have sources. Nasa akin kaya ang phone number niya, at sinabi naman niya pangalan niya, madali na lang hanapin dahil di naman siya sort of nagsinungaling sa identity niya. Then, after a few minutes nahanap ko din, mabuti na lang kahit full name gamit niya nahanap ko pa din. Hindi ko sinabi sa kanya, I stalked his account. Kaya lang ang hirap naman, medyo naka-private.

We talked for a month, na-fall na ako
sa kanya. Ginawa ko ng wallpaper ang photo niya na nakuha ko sa facebook niya. Kaya naman ng sinabi niyang manliligaw siya, ultimate kilig ang naramdaman ko. Grabe naman kasi, it's really too good to be true. Ang gwapo niya tapos ako isang simpleng nilalang lang. Kahit pa ang sabi niya cute ako. Sobramg nakaka-overwhelm yung pangyayari. Kaya naman sabi ko sa kanya, payag ako na ligawan niya.

My friends as well, knows about him being my suitor.

"Naks! Gwapo nyang wallpaper mo ah." sabi ni Ali.

"Thanks."

"Boyfriend mo?" tanong niya sa akin.

"Not yet. Sasagutin ko pa lang sana. Hehe."

"Nice nice. From where?"

"Crim. student sa Manila."

"Woaah. Long distance yan ah."

"Yep. Gano'n na nga."

Gusto ko na talaga siyang makita. Ganoon din naman siya sa akin. At nagkataon naman na we have these same activity na pupuntahan. Sabi niya duty siya doon as trainee, ako naman attendee. Pero hindi sigurado kung pagtatagpuin nga kami ng tadhana, sabi niya gagawa siya ng paraan. At naniwala ako, di ako masyado sa activity dahil iniisip ko kung saan ba siya nandun sa oras na yun. Pero nakauwi na lang ako at lahat, ni ha ni ho wala mula sa kanya. I sent messages na nakauwi na ako at nasaan na siya.

Me: Babe, san ka na?
Me: Goodnight, take care sana nakauwi ka na po.

Still no response. Tumagal yun ng halos isang linggo. Then, naisipan ko na magcheck ng facebook.

Reality vs. Expectation #MakeITSafePhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon