Yesterday..... Hmmm. Parang ang lungkot ng salita noh? Kasing lungkot ng buhay ko. Kasi naman, iyan ang nakalagay sa birth certificate ko. 'Yesterday Abuela Gomez'. At first, gusto kong palitan ang pangalan ko dahil inis na inis talaga ako sa t'wing sinusulat ko yung kataga sa papel ko. 'Nung bata pa ako pinagyayabang ko yun dahil nakikita sa dictionary pero nung tumanda na ako ng kaunti, saka ko na realize. Sabi ni mama, mahal daw at marami pa akong dapat aabalahin kapag desidido talaga ako magpalit ng pangalan. Tsaka, 'yun daw ang gustong pangalan sa akin ni papa bago siya mamatay.
Pero hindi naman ako ganoon ka O.A. Dahil nung tumanda na naman ako ng kaunti, na realize ko na parang....ang unique ko. 'Yesterday'...napaka nostalgic at peaceful pakinggan. Namamangha nga lahat ang mga tao sa t'wing nagtatanong sila na 'Anong pangalan mo?' at mas tumatatak sa mga kokote nila ang pangalan ko, hindi nila malilimutan. Especially kapag first day of school, naku. Yung iba, nagtatawanan, yung hindi makapaniwala, yung iba, manghang mangha at yung iba naman natutuwa.
Napaka normal lang ng buhay ko. Hindi ganun ka garbo at ka espesyal na dapat mo talagang tutukan na parang telenovela o drama. Normal lang....
Not until.....lumipat na kami ni mama sa siyudad. Syempre hindi ako ganung kasanay sa mataong lugar dahil lumaki ako sa rural pagkatapos at pagkatapos mamatay si papa nung kapapanganak lang sa akin ni mama. Galing sa napakamayamang pamilya si papa. Hindi boto yung pamilya ni papa kay mama at isa na ang estado ni mama sa buhay ang naging batayan. Pero tinuloy pa rin nila ang kanilang 'forever'. Pero saklap si Destiny eh. Madamot. Hanggang dun na lang ang 'forever' nilang dalawa.
May kapatid si papa na kasing edad lang ni mama na naninirahan sa labas ng bansa. Sa pagkakaalam ko, wala pa siyang asawa at anak at ito pa! Napakabigtime niya at sikat siya bilang isa sa mga "Most Successful Business Woman" sa buong mundo. Kaya dahil dun....siya ang dahilan sa paglipat namin sa siyudad. Sabi ni mama, pintayuan niya talaga kami ng sarili naming bahay. At ang mas nakakatuwa pa sa lahat ay yung nagsabi siya na siya na lang raw ang mag papaaral sa akin. Siyempre nung una, ayaw na ayaw ni mama. Pero nag insist talaga siya kaya wala na kaming maggawa kundi habang buhay na tatanawin ang ginawa niya bilang utang na loob. Si Tita Elizabeth lang daw ang naging number one fan ng love team nila noon.
Kaya, ayon.
Gulong gulo na ang utak ko. Kasing gulo ng paligid ko. Mag a-alas otso na nasa gilid pa rin ako ng daan at pinapalibutan ako ng mararaming kotse at maiingay na tunog.
Pramis! Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Sana hindi na lang ako tumanggi na magpahatid kay mama papunta sa unibersidad na papasukan ko dito. Kasi naman! Mag lalabing pito na ako, mag papahatid pa ba ako?!
Napapakamot ako sa ulo ko habang patingin tingin sa mga direksyon. Dala na rin sa init. Paano ba naman kasi, long sleeves na naka necktie at knee skirt? Tapos knee socks? Napakinit na bansa 'tong Pilipinas naggawa pa talaga nilang gawin itong uniporme?
"A-Ah, mama', alam niyo pa kung saan ang St. Xander University?" Magalang kong tanong sa
matandang mama' na nasa gilid ng kalye. Dahan dahan niya naman akong nilingon at tinitigan. Ilang sandali pa bago siya nakasagot."Nasa itaas."
"H-Ho?" Gulat na gulat na tanong ko.
"Nasa itaas! Nasa itaas ang himala!." Sigaw nito habang tinataas pareho ang dalawang braso niya. Takte. Nataranta ako nung tumayo siya habang paulit ulit na sinisigaw 'yon. Takte. Nakatingin pa siya sa akin. Naagaw niya na rin ang atensyon ng lahat ng mga tao dito.
"Nasa itaas! Nasa itaas ang himala!----Anghel?" Mas kinabahan ako nang umiba bigla ang reaksyon ng mukha niya at ngumingiti na ito sa akin. Mama, tulong.
YOU ARE READING
I Love You Yesterday (On Going)
Fiksi Remaja"Is there a chance for us to love forever? or Destiny won't let us again and will just bring back us yesterday where we began?