Prologue

28 1 0
                                    


Nagdadalawang isip pa din ako kung papalampasin ko ba ang pag aaya ng mga kaibigan ko na umakyat ng bundok doon sa aming probinsya. Matagal tagal din akong nawala at hindi nakasama sa kanila simula ng maging busy na sa pag aaral sa kolehiyo. Mahirap maging working student kaya naman halos wala na din akong social life. Tanging mga aklat ang palagi kong kasama at paminsan minsan ay ang mga kaklase kong abala din sa pag raket habang nag aaral.
Sa totoo lang, tinatamad ako dahil matagal tagal na din akong walang mabigat na physical activity like hiking. Tiyak na ang pag sakit ng katawan ko nito pag nagkataon..
Saka, " juicecolored!" baka umulan  na naman katulad ng huling akyat namin na syang inakala ko na di ko malalampasan. Yeah right! Umulan ng sobrang lakas habang nasa camp site kami at nakakaloka ang mga sumunod na eksena. Lahat ng tent na dala ng grupo namin ay nabasa at meron pa nga na nilipad ng hangin paibaba. Nabasa din ang iba pa naming mga gamit pati pagkain. Ni hindi kami nakatulog lahat at kahit nga ang iba ay nag inom na ng mga dala nilang alkohol para mapaglabanan ang lamig, wala pa ding nangyari. Mahina ako sa lamig at kapag naaalala ko yun, napapaisip ako na ang galing ko pala kase hindi ako naging yelo that time. Naalala ko pa si Kirsten, ang American ex- girlfriend ng isa sa mga kaibigan ko. She' s so cool to the point that she did not mind all the chaos that night and she actually enjoyed the rain and coldness of the it. Siguro dahil galing sya sa Amerika at ganun ang klima na kinalakihan nya. Naalala ko pa nung una kaming nag meet eight years ago, I was sixteen while she was twenty eight. I did not like her way back, because she's the girlfriend of my ultimate crush Ian. Mabait si Ian kahit pa ambisyoso. Magaling din syang kumanta at mag gitara at ilan yun sa mga nagustuhan ko sa kanya. No wonder ng dumating si Kirsten dito sa lugar namin at naging kaibigan ng mga kaibigan ko, nagustuhan sya ni Ian and later on naging officially on sila. Ian was twenty four then and graduated from one of the prestigious universities in Manila. May kaya ang pamilya nila. Kahit mas matanda ng apat na taon si Kirsten sa kanya, hindi ito halata dahil natural na maganda sya at gwapo si Ian. Parehas pa silang makinis at maputi ang kutis. Bagay sila period. At ako, isang dugyut na teenager na kaka graduate lamang ng high school mula sa isang pampublikong paaralan sa lugar namin. Kung di pa sa tulong ng mga kapatid ng nanay ko, hindi pa kami makakatapos magkakapatid ng high school.
Hindi din naman nagkatuluyan si Ian at Kirsten kase kinailangan nang bumalik ni Kirsten sa Amerika after three years. Syempre hindi ako masaya nung umalis sya kase nakita namin na talagang nalungkot si Ian. Mabuti na lang nakapag move on sya after a year at sa ngayon ay masaya na sa kanyang career sa Hongkong bilang vocalist ng banda nya. Dun na sya nakabase for four years now and happily married. Nakalimutan kong sabihin na may banda din sya dito dati at talaga namang nakaka inlove ang mga composed songs nya at ang performance nila. Nagpapasalamat ako na kahit mahirap lamang ako kumpara sa mga kaibigan ko ay tanggap nila ako at nagkakasundo talaga kami. Si Ian, parte lamang ng pag reminisce ko dahil isa sya sa mga mahilig mag hiking noong mga panahon na nandito pa sya sa Pilipinas. Hay buhay...
Anyway, I still have two days to think about the hiking. Miss ko na talaga silang lahat. At dahil nga working student ako na nagtitipid sa lahat ng bagay, bihira ko silang makausap kahit sa text. Di rin uso sakin ang viber, messenger o ang paggamit ng mobile data para komonek sa social network sites kase  hellowww... nagtitipid nga si Inday hehe. Di bale, malapit naman na ko matapos sa kurso ko at talaga namang magka diploma lang ako ay gagawin ko ang lahat para umasenso. Bale sa lahat ng mga kaibigan ko, tanging si Neil lang ang nakakausap ko. Si Neil na goverment employee na sa lugar namin. Sya lang ang makulit na palagi akong pinipilit sumama sa mga gala nila. He is now twenty eight years old at binata pa rin. Ewan ko ba. Halos lahat kami nasa mid or late twenties na pero parang mga teenager pa din. May mga nagkaroon ng karelasyon pero si Neil consistent na single. Naisip ko nga baka may identity crisis ang kaibigan ko at until now naguguluhan pa din sya at his age. Or baka naman malihim lang talaga when it comes to his love life. Whatever! Basta magkakasundo kami at masaya.
May naging ex boyfriend ako na isa sa mga kaibigan ko. He was Giovanni. He was a hopeless romantic who loves music also just like Ian. Actually magkasama sila sa banda noong nandito pa si Ian. Our relationship lasts for only two months. Kung nagtataka kayo kung bakit ang bilis lang, kase hindi naman kami inlove sa isa't isa. May girlfriend talaga sya na nakakasama din namin until they broke up. Actually his ex girlfriend broke up with him. And because he was madly inlove with Meryll, he asked me to pretend to be his girlfriend para pagselosin si ex girlfriend. Since kaibigan ko sya, pumayag ako at naging kami. Syempre lahat ay di totoo at ang nakakalokang part,  inaway ako ni Meryll. After some dramas nagkabalikan din sila at ako masaya na nakatulong para maayos sila. Wala akong sama ng loob kase di ko naman gusto si Giovanni. Sa lahat ng mga nangyari, si Neil ang tanging na wierd u han sa lahat. Bakit daw ako pumayag. Sabi ko na lang na hindi naman big deal ang lahat kaya kalma lang sya. Nagalit sya kay Giovanni nung nalaman nya na inaway ako ni Meryll. Sa sobrang inis nya, nasuntok nya pa si Giovanni sa mukha at ikinaputok ng labi ni ex boyfriend. Nung nangyari yun, hinayaan ko lang sila. Masaya magkaroon ng mga kaibigang lalake lalo't mas matanda sakin kase po protektahan ka talaga nila. Well, that's my experience with my friends, lalo na si Neil. Mamaya ko na sya itetext kung sasama ba ako o hindi. Sa ngayon, magre relax muna ako kase talagang napagod ang mga neurons ko sa pagsagot sa mga exams ko. Anim ang subjects ko at lahat halos ay essay type na kailangan ng nalawakang justicfication. Kung wala kang inaral wala kang maisasagot. 
Inayos ko ang mga nilabhan kong damit saka ko inilagay sa durabox ko. Dahil kakatapos lang ng exams namin, pwede akong mag aksaya ng oras sa pagbabasa ng pocketbooks o ng ibang kwento. I love reading. Isa ito sa mga kinahihiligan kong gawin kapag may oras at kapag nagre relax.
Tiningan ko ang oras at nakita ko na pasado ala una na pala ng tanghali. Mamaya na ako kakain tutal busog pa naman ako. Twenty four years old na ako ngayon at malapit ng maging Engineer. Pangarap ko din magsulat ng libro. Sa ngayon tatapusin ko na muna ang pag aaral ko saka ako magsusulat kapag may maganda na akong trabaho. Kung nagtataka kayo kung bakit inabot ako ng seven years bago makatapos ng college, ito ay dahil masyado akong nalibang sa dati kong trabaho bilang cashier sa isang hardware sa Laguna. Kung hindi pa sinabi ng manager ko na ipo promote ako as supervisor, hindi ko pa maiisipan mag aral. Sa panahon ngayon diploma ang talagang kailangan para umunlad.
Kinuha ko ang kopya ko ng Angels and Damons na hiniram ko sa school library namin at binalikan ang page kung saan ako huminto. Kapag ganitong binabasa ko na ang mga gawa ng paborito kong novelists, namamangha talaga ako. Sana makapagsulat din ako ng mga kwentong katulad ng gawa ni Dan Brown. Nagsimula na akong magbasa hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Pangarap Lang KitaWhere stories live. Discover now