Girlfriend? Wife? Ano ba pinapatagal pa niya. Oo rin naman yung sagot ko eh. Pero syempre dapat magpakipot muna, duh dalagang pilipina ata 'to.
"C-Can you be my" tumikhim pa ito. Sheez excited na me. This is it pansit! "my best friend?" ano daw?
"huh? again?" nakakagulat namang tanong yon. Baka may mali lang. Oo nga baka meron.
Ngumiti ito at sinabing-"Can you be my best friend for real?" halatang kabado ito dahil panaka-nakang bumubuntong hininga. Pero gago, ano ba yan.
wait, what?! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa tanong niya. Seryoso ba 'to? Dapat bang tinatanong ang ganun? Dapat ba akong matuwa? Ano ba ang dami kong tanong. Pero myghad umasa ako. Yung pakiramdam na nandoon na sa langit ang kaluluwa ko at naririnig ko nang umaawit ang mga anghel tapos biglang may humila sa'kin papuntang impyerno. Parang nagulat din yung mga taong nakasaksi sa ginawa niya. May pa flowers pa siya at paluhod-luhod sa gitna ng mall tapos ganun din para ang mangyayari. Nanatiling walang ingay. Walang nagtangkang sumira sa nakakabinging ingay. Siguro pag nahulog ang karayom dito eh dinig na dinig namin.
Tapos parang may imaginary na bumbilyang umilaw sa taas ng ulo ko. Ah, alam ko na. Baka nahihiya lang siya kaya best friends muna kami. Tama, tama. Ngingisi-ngisi pa ako. Masyado naman kasing mabilis kung magiging kami agad eh hindi pa siya nanliligaw. Friends muna tapos doon din naman mauuwi. Hihihi bakit ko ba 'yon hindi naisip?
"Uyy, bakit ka ganyan amg reaksyon mo?" tanong nito na may bahid ng kaba at pagtataka.
Tiningnan ko it at ngumisi "Don't worry cutie patotie with cherry on top hindi kita e rereject, alam ko naman ang plano mo eh." Syempre sa isip ko lang yan sinabi para hindi naman mabulilyaso ang plano niya para sa future namin. Napakafuturistic talaga niya kaya nahuhulog ako. Waahhhh
"I do" sagot ko sa tanong niya. Myghad feel ko nasa altar na kami. Sakto pa namang nakaputing dress ako ngayon, tapos may hawak pa akong bulaklak.
Ngumiti ito at dinamba ako ng yakap. Nagsimula nang nag ingay yung mga tao sa paligid namin, yung iba naman ay umalis na lang.
Magiging kami din. Hinigpitan ko pa yung yakap, ang bango-bango. Pero wait! what if hindi ganun ang plano niya? what if gusto niya akong kaibiganin, t-tapos gagawin niya akong muchacha? Eh bahala na nga.
Itatapon ko ba ang bulaklak? Ganun naman kasi sa mga palabas. Hindi pa kasi ako nakapunta sa totoong kasal. Kaya ganun ang ginawa ko. Tinapon ko ang bulaklak at walang sumalo kahit isa.
" Ayaw kong ma friendzone"
"Omg guys 'wag niyong saluhin yan"Umiiwas sila na para bang may nakakahawang sakit ang bulaklak. I will make sure na magiging kami at ipapalaklak ko sa kanila ang bulaklak ng buo.
••••••••••¤••••••••••
Votes and comments are highly appreciated. Thank you.
BINABASA MO ANG
TOTGA
Teen FictionAllieandra Grace Del Ardo is always up for thrill. She always go for something that might leaves her broken and shattered. Devon Faith Villera is her childhood friend who happens to be a kind of man that one should avoid at all cost. Dangerous. In s...