Maingat kong minamasahe ang namamanhid kong kamay. Namumula na ito at sa tansa ko'y sasakit ito mamaya kung hindi ko pagpapahingahin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tinatagilid ng kaunti ang leeg. Humilig muna ako sa upuan. Bumagsak ang balikat ko nang makitang marami pang nakahilerang tambak tambak na papeles. Damn. Mahina akong napamura.
Kanina pa ako dito sa opisina. Nagulat ako nang makitang malapit nang mag-alas kwatro ng hapon.
"Hindi pa ako nakakain" sakto namang kumalam na ang sikmura ko. Kailangan ko na atang kumain. Tumayo na ako. Damn, napamura na naman ako nang maramdamang nangangalay na ang mga paa ko sa pagkakaupo mula kaninang umaga. Buti na lang ay nakakapit pa ako sa mesa kung hindi sa sahig ako pupulitin, ang taas pa naman ng kamay ko.
Inayos ko ang kalat sa lamesa. Nilagay ko kabilang tabi ang mga napirmahan na at sa kabila naman ang wala pa. Niligpit ko na rin ang mga panulat at iba pang bagay at inilagay ito sa maliliit na kalsunsilyo. Nang makitang maaliwalas na sa paningin ang loob ng opisina ay nagtungo na ako sa labas upang makakain at makalanghap ng sariwang hangin. Kung meron man.
Lumabas na ako nang opisina at nakitang nakaupo lang si Masie, ang sekretarya ko kaya inaya ko itong lumabas na magalang naman niyang tinanggihan. Tinawagan niya nga pala ako kaninang mga bandang alas dos para sumabay na sa kanyang kumain pero nakalimutan ko ito.
Hindi naman na ako babalik kaya pinauna ko na siyang umuwi. Nauna na akong bumaba dahil inaayos pa niya ang mga gamit niya para makauwi na.
Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang ground floor. May sarili naman na kasi akong elevator para kung sakaling maraming sasakay ay hindi na ako matatagalan pa.
Tiningala ko ang numero sa itaas na paiba-iba. 3, 2, GF. Mabilis ang naging lakad ko ngunit hindi ko rin nakakalimutang suklian ng ngiti at bati ang mga empleyadong bumabati sa akin dito. Pumunta na ako sa parking lot na nasa ibaba pa nitong floor. Pagkababa ko ay katahimukan ang bumungad sa akin. Pinindot ko ang susi ng kotse at narinig ang tunog nito na nangangahulugang naka-unlock na.
Pinaandar ko na ang sasakyan upang agad na makaalis dito. Masyadong tahimik. Masyadong sarado ang lugar. Hindi ako makahinga dahil parang nakakulong ako. Ayoko ng ganun. Ayokong maulit ang nangyari noon.
Agad kong iniling-iling ang ulo para iwasang maalala ang nakaraan. Nakaraan na matagal nang ibinaon sa limot. Nakaraan na parang isang panaginip lamang. Pero alam kong totoo 'yon. Totoong totoo 'yon. Isang katunayan ay ang pilat sa noo na kung hindi titingnan mabuti ang parang wala lang ito. Natatakpan din ito ng mahaba kong buhok kaya walang nakakapansin.
Wala sa sariling hinawakan ko ang noo na may sugat. Marahan ko itong hinaplos. Nararamdaman kong maliit na lamang ito kumpara noon. Ngunit hindi pa rin ito naghihilom. Nanatili ito dito at hindi nabura ng panahon. Isa itong marka, markang nagpapaalala sa akin ng nakaraan. Binitawan ko na ito at pinirmi ang kamay sa manibela. Pinikit ko ang mga mata at nilanghap ang hangin na nanggagaling sa loob ng sasakyan. Hindi man presko pero bahala na. Napamulagat ako nang may narinig na sunod-sunod na busina. Sheez, going back to the past is never a good idea. I failed to remind myself that. Iiling-iling kong kinabig ang manibela at mabilis na pinausad ito sa malapit na restawran.
Tiningnan ko ang nakasulat sa itaas. Viand. May branch na din pala dito.
Malaki naman ito at mukhang masayahin ang mga nagtatrabaho dito. Mararamdaman mo na ang gaan ng pakiramdam sa loob na para bang masaya silang tumanggap ng tao sa loob. Kulay bughaw at pilak ang nangungunang kulay na mapapansin mo sa loob. Mataas din ang kisame nito at malinis ang bawat paligid. Agad na may sumalubong sa'kin at inakay ako papunta sa bakanteng mesa na pangdalawang tao. Hindi na rin ako nagkomento dahil gutom na gutom na ako. Hindi ko na tiningnan ang menu nang tanungin ako nito kung ano ang oorderin. Swerte na lang dahil meron sila ng mga binanggit ko kanina.
BINABASA MO ANG
TOTGA
Teen FictionAllieandra Grace Del Ardo is always up for thrill. She always go for something that might leaves her broken and shattered. Devon Faith Villera is her childhood friend who happens to be a kind of man that one should avoid at all cost. Dangerous. In s...