Maingat akong pumili ng damit na susuotin ko para mamaya. Nagyaya kasi ang kababata kong pumunta sa mall. Ewan ko nga kung anong naisipan niya. Basta ang mahalaga masaya ako.
I always view everything in a positive way. Sabi nga nila ang kulay daw ng mundo ko. Parang kapag pumasok ako sa isang room ay nabibigyan ko ito ng liwanag. Palakaibigan kasi ako. Madali akong makipagpalagayan ng loob sa mga tao kaya siguro magaan din ang loob nila sa'kin. Mabait naman ako, just don't ever mess with my bad side. I won't do harm, but I won't take shit.
Alin kaya dito ang pipiliin ko? Pants or dress? Hmm I guess dress na lang. Isa itong strapless dress na abot hanggang sa tuhod. Ombre ito, puti sa taas tapos sa baba ay nagiging itim na. Pinaresan ko ng itim na stilleto, tapos yung kulay ng takong niya ay silver. Nilugay ko ang kulot kong buhok at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha, pinagmasdan ko ang itsura ko.
Sabi nila ang swerte daw ng magiging asawa ko. Kumbaga complete package na daw. Beauty and brains daw kasi, tapos talented pa. Wala pang attitude problem at galing sa mabuting pamilya. Kaya palagi akong confident sa mga bagay-bagay dahil almost everyone likes me. Hindi rin naman kasi mawawala ang mga bashers, and insecure na tao sa mundo.
That's reality, kahit gaano ka pa kabait may makikita pa rin silang mali sa'yo. Kahit gaano ka pa kabait makakalimutan din nila 'yon kung may nagawa kang kahit isang pagkakamali. Hays humans.
Nabalik lang ako sa wisyo nang may narinig akong bumusina. Nandyan na ata ang sundo ko. Ilang beses ko pang tiningnan sa salamin ang itsura ko hanggang sa makontento na ako bago ko napagdesisyunang bumaba.
Ewan ko ba, kahit siguro may tiwala ako sa sarili nawawala ito kapag nandyan na siya. This is not good.
Mabilis akong bumaba sa hagdan kahit pa ang taas ng suot kong sapatos. Nasalubong ko pa si mama.
"Nandoon na si Faith sa labas, ayaw na ngang pumasok at hihintayin ka na lang niya sa labas" sabi ni mama habang inaayos ang nagulo kong buhok dahil sa pagmamadali.
"Yes ma, pupunta na po ako" hinalikan ko lang siya sa pisngi bago tumuloy sa labas.
Naabutan ko siyang nakaupo sa hood ng sasakyan niya at nakatingala. The walking danger. Meet my childhood friend, Devon Faith Villero. Everyone was expecting na magiging babae siya at napagpasiyahang Faith ang pangalan but it turns out na lalaki pala siya, hindi lang lalaki, kundi gagong lalaki. Ayaw alisin ng mama niya ang Faith dahil gustong gusto niya ito. Almost everyone calls him Devon or Dev, but others calls him DeVil. Piling tao lang ang pinapayagan niyang tumawag sa kanya ng Faith dahil it sounds gay sabi niya. Ako lang sa mga kaibigan niyang babae ang hinahayaan niyang tumawag sa kanya ng Faith kaya feeling ko espesyal ako, chos. It's not like may iba pa siyang kaibigan na babae, masyado kasing mapili. But deep inside thankful na din ako hihi.
"Earth to Grace" sabi nito habang winawagayway ang kamay sa mukha ko.
Masyado ko yata siyang tinitigan at hindi ko namalayang nasa harapan ko na siya. Nakakahiya!
"Nandyan ka na pala" sabi ko na lang.
"You still have a long time to stare, but before that punta na tayo sa mall" sagot nito at ngumisi. Gago talaga.
"Heh! you're such a prick!" pumasok na ako sa sasakyan niya at pabagsak na sinara ang pinto. Tatawa-tawa pa ito nung pumasok.
Inis ko itong tiningnan. Nakakairita. Bakit ko nga ba ito naging kaibigan? Hindi ko na matandaan.
"Hey, chill Gracy baby. Inaasar lang kita" sabi nito at ginulo ang buhok ko. "Ang taba ng pisngi mo o, ang pangit mo na" hindi pa rin ito tumigil at hinahawakan na yung pisngi ko. Hindi naman ako pikunin pero pagdating sa kanya tumitiklop ako. Nakakainis tuloy. Inis kong hinampas ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
TOTGA
Teen FictionAllieandra Grace Del Ardo is always up for thrill. She always go for something that might leaves her broken and shattered. Devon Faith Villera is her childhood friend who happens to be a kind of man that one should avoid at all cost. Dangerous. In s...