"Yes, I'm serious Art. He freaking did that" Gabing-gabi na ako nakauwi at agad kong tinawagan si Art para sabihang mag-online siya dahil magvi-videocall kami. He's our other friend and also my second cousin sa mother side. We are inseparable pero may inaasikaso lang ito ngayon.
"I thought you two are already besties? He's probably up to something" kalmado lang ito at parang malalim ang iniisip.
Nakahiga na ito sa kama dahil kakagising lang dahil sa pagtawag ko. Magulo rin ang buhok nito at wala ring pangtaas na damit.
"You shouldn't be surprise. Kilala mo naman yon. Natural na maloko yon." dagdag pa nito habang pinagmamasdan ang itsura sa screen at inaayos ang magulong buhok na mas lalo lamang niyang ginulo. "Baka naman umasa kang magpro-propose sa'yo yung tao." tiningnan ako ni Art at tinaasan ng kilay.
"Tama diba? Haha" sinabayan niya pa ito ng nakakairitang tawa niya.
"Shut up Art, and what if I do?" tinaasan ko rin ito ng kilay at parang nanghahamon.
"Don't. Ever. Fall. For. Him. You're just breaking your own heart" diniinan nito ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya at naging seryoso.
"And who gives you the idea na gusto ko siya?"
"You. Sinabi mo lang kanina. At nararamdaman ko." sagot nito. Akala naman niya sapat nang rason 'yon. "And you're just thrilled. Baka masira din ang pinagsamahan niyo. Ilang taon na kayong magkaibigan at baka masira 'yon" mahinahon itong ngumiti. Sometimes I really hate Art for being right.
"I wanna kill you. Buti na lang pinsan kita" inis kong sambit.
"And you love me, that's why." siguradong sigurado ito at tumatango-tango pa na parang sira.
"Yeah, we both know that. I'm sleeping na. Matulog ka na ulit" hindi ko na siya hinintay pa at pinatay ko na ang tawag. Maybe, kailangan ko ngang pigilan yung namumuong pagtingin ko sa lalaking 'yon.
Nakuha ang atensyon ko ng tumutunog kong phone. Sino ba ang tatawag sa ganitong oras kung kailan mamamahinga na ako? Baka si Art lang 'to dahil binabaan ko siya kaya tumaeag na lang sa phone. Pinatagal ko pa ito bago sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Matulog ka na Art" bungad ko sa taong nasa kabilang linya.
"I just want to say good night" aniya sa mababang boses. He's my marshmallow, a softy.
"Good night" sagot ko dito.
"See you soon Alice" sabi nito. Hinayaan kong siya na ang nagbaba ng tawag. Maghahanda na sana ako para makaligo nang may tumunog na naman ang phone ko. Inis kong kinuha ito at sinagot kaagad.
"What is it again Art?" tanong ko dito. Hindi ko man lang itinago ang inis na nararamdaman ko.
"Allie" damn, isa lang ang tumatawag sa akin ng ganyan. Ang lamig ng pagkakabanggit nito sa pangalan ko, seryosong seryoso ang tono at parang nararamdaman kong tumatayo ang balahibo ko.
"Yes dad" tugon ko dito. Yes, it's my dad. We are never close. Kahit noong bata pa ako ay miminsan ko lang itong makita sa bahay dahil palaging may pinagkaka-abalahan. Kahit lumalapit ako dito ay parang ramdam kong lumalayo ito. Minsan naiisip kong ampon ako pero kamukha ko naman si dad. Mas magkamukha nga kami ni dad kaysa sila ni kuya.
"Nasa tamang edad ka na, napagdesisyunan kong ikaw na ang mamahala sa HealMed. It was yours to start with" sabi nito.
"I understand dad."
May naririnig akong nagsasalita sa kabilang linya. Sino ba 'yon? Ang ingay naman. Knowing dad ayaw niya sa mga maingay. Baka sekretarya niya lang, si tita Mitch.
"Tita Mitch is getting louder than ever" pag-iiba ko nang paksa. Kahit naman hindi kami magkasundo gusto ko pa rin siyang makausap.
"I want to have a car" dinig kong sabi nang nasa kabilang linya. I don't know pero parang hindi ito si Tita Mitch.
"Uhm I'll get going. Bye" hindi man lang ako nitong hinintay na magpaalam. Walang sigla kong binaba ang telepono at pinatitigan ito. Kahit anong gawin ko, itutulak niya pa rin ako palayo sa mundo niya. Hindi ko siya maintindihan. Nakakapagod na rin, gusto kong maging maayos ang pakukitungo namin sa isa't isa ngunit siya naman itong may ayaw sa'kin.
Pero pansin ko lang, bakit parang tensyunado ang boses nito? May tinatago ba si dad? Don't tell me may kabit ito?
No! No! I won't give my self a chance to doubt. Gawa lang ito ng malikot kong imahinasyon.
Nahigit ko ang hininga at mahinang pinukpok ang ulo. Hindi iyon gagawin ni dad. He's a one woman man. Matagal na sila ni mom at wala akong nababalitaang may kasama itong babae. Hindi ito nagloloko kaya may tiwala ako dito.Alam kong mahal nila ang isa't isa dahil saksi ako sa mga palitan nila ng titig at kung paano nila pahalagahan ang aming pamilya. Ayokong kainin ako ng pagdududa. Ayoko ring masira ng tiwala ko dito, mahirap nang ibalik ang nasirang tiwala. Sabi nga nila ang tiwala ay parang papel, kapag nalamukot na ito kahit gaano mo pang sikapin ibalik sa dati nitong maayos na itsura hindi na iyon mangyayari. I really need to stop overthinking.
Maaga akong nagising kinabukasan para pumunta sa malapit na bookstore. I am planning to buy some books and art materials. Malamang bookstore, tanga! Hindi pa naman ako magtatrabaho. Bukas pa. Kaya susulitin ko muna 'tong araw.
I love playing with colors, making the things around me vibrant and full of life. Not so much with books. Slight lang. Gusto ko lang ibaling sa iba ang atensyon ko. Pahapyaw ko lang tiningnan ang mga istante ng libro doon. Walang masyadong nakakuha ng atensyon ko. Maingat kong binaba ang hawak kong maliit na basket, luma na ito at dumidikit na sa palad ko ang kulay pulang pinta nito.
Tinahak ko ang dulong parte ng pamilihan at sinusuri ang mga nakasabit na iba't ibang klase ng pangkulay na materyales. Maingat ang naging kilos ko sa pangamba na baka makasira ako dito. Hindi naman kasi kalakihan ang lugar at baka may matisod pa akong bagay-bagay.
Pagkatapos kong pumili ng mga natipuhan ay bumalik ako sa puwestong pinaglagyan ko ng basket. Binitbit ko ito at pumunta sa kabilang bahagi ng tindahan.
Kulang lang ang tao sa loob at may makikita kang nakakulay asul na damit na nag-aayos ng mga kagamitan sa iba't ibang dako ng tindahan, yung iba naman ay nakaalalay sa mga mamimili.
Pinagmamasdan ko ang mga libro sa aking harapan. Sulat ito ng mga sikat na writer at mapapansin mong ang gagarang tignan ng bawat balat ng libro.
"Hi" sabi ng taong nakasandal sa malapit na istanteng pinagtatayuan ko, napalingon ako rito dahil nasa may likod ko ito. Tiningnan ko nga. Hindi ko kilala kaya hindi ko na lang pinansin.
"Mahilig ka pala sa libro" dagdag pa nito. Lumapit na ito sa'kin at ngingiti-ngiti pa. Palihim ko itong pinadaanan ng titig. Mukha namang pamilyar. Parang nakita ko na dati. Medyo kulot ang kulay-kapeng buhok nito at maputi, maaliwalas ang mukha nito at inosente tignan. Tansiya ko'y matangkad siya sa'kin ng mga anim na pulgada.
Dala-dala ko pa rin ang basket at papunta na ako sa kahera. Ramdam kong nakasunod pa rin siya sa'kin ngunit hindi ko na lang pinansin. Baka magmukha pa akong assumera kung papatulan ko pa at tatanungin. Mas nakakahiya ata 'yon.
Agad ko rin namang nabayaran ang mga pinamili dahil wala ring pila. Pinakiramdaman ko ang nasa likod ko at parang tama nga ang hinala kong nakasunod ito sa'kin kaya hindi na ako nag-atubiling lumabas at halos takbuhin ko na ang kotse ko na nakaparada medyo may kalayuan dito ngunit nakikita ko pa rin naman. Hangga't maari ayokong mapaaway dito.
Huwag lang siyang magkamaling gumawa ng masama dahil lalabanan ko siya. Hindi ako mahinhin at mas lalong hindi ako umaasa sa iba para protektahan ako. Kapag may gumawa ng masama sa'kin o tumatro sa'kin ng hindi mabuti ay gagawan ko rin siya ng masama. Pinapaniwalaan ko ata ng kasabihang "Don't do harm, but don't take shit" at panghahawakan ko ito.
Nang nakapasok na ako sa kotse, nakita ko pa siyang nakatayo sa labas ng bookstore. Pinaandar ko na ito at unti-unting nawawala ang imahe niya sa salamin ng sasakyan.
Who's that guy?
••••••••••¤••••••••••
Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
TOTGA
Teen FictionAllieandra Grace Del Ardo is always up for thrill. She always go for something that might leaves her broken and shattered. Devon Faith Villera is her childhood friend who happens to be a kind of man that one should avoid at all cost. Dangerous. In s...