Sa bawat luhang pumapatak mula sa mata kumikislap
Sa bawat pag patak sa sahig kumikislap
Nangingibabaw na sakit
Hindi maipahiwatig hindi alam kung bakitMga katanungang hindi masagot
Mga hinnanakit na hindi alam kung saan nahugot
Sa bawat pag gising balot ng takot
Sa mga pangyayari muling masasakotGabi gabi luhaang natutulog
Kahit na balot na balot para paring nahuhulog
Sa kailaliman ng kadiliman
Puno ng takot aking nararamdamanMaraming beses sinubukang tapusin
Pag hihirap na sarili na hindi na kayang ayusin
Nakakasawang mag isa pero anong magagawa
Ganun kalupit ang mundo walang magawa kundi ngumawaNakakapagod na lagi nalamang nababalot ng kadilim
Aking isipan di na malaman
Kung ano ba talaga ang katotohanan
Akoy puno ng takot sa bawat pagtingin parang hinahamonAking kaluluwa parang hinihila kung saan
Pagkatapos palitan itoy lalagyan ng kalungkutan
Hindi na alam kung saan huhugot ng lakas
O kung dapat pabang ibuhos ang natitirang lakasNakakapagod na
Hindi ko na kaya
Gusto ko ng mamaalam pero hindi ko din kaya
Pero nakakapagod na.
BINABASA MO ANG
Book of Poetries
PoetrySelf created poems. Ps. Sorry if some poems is not understandable, this book is only to express random feelings. Pps. Puro unedited to kaya expect typos and wrong grammar.