[11]

0 0 0
                                    


Mahal ano ba talaga ako sayo
Ano ba tong tayo? Isang loko?
Mahal ano ba talaga gusto mo?
Yung maging masaya tayo o mamulubi ako?

Mamulubi sa sakit na pinadama mo
Sakin ika'y sobrang lupit
Biglaang dahas ang ginamit
Akala ko ba mahal mo ako?

Ano to salita na pwede mong bawiin pag gusto mo?
Mahal nag bitaw ka ng pangako,
Ano ginawa mo? Syempre pinako
Sinabihan mo pa ako noon wag magloko, tignan mo ngayon gago

Nauna kapa sakin
Ako tong walang balak na ika'y lokohin
Pinaramdam mo dahas ng pag mamahal
Para kang umaagos sa maruming kanal

Puro kalokohan nasa isip
Di na masustansya sa tao iyong pang tritrip
Sayang minahal pamandin kita ng todo
Pero ito ang binigay mo hinagpit sa dulo.

Book of PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon