Kabanata 32: Forgiveness
[Unedited]
Lykah's POV
Napabuntong-hininga ako matapos kong maiputok ang aking armas. I saw a little smoke formed at the edge of my sniper despite of the rain. Napatumba ang babaeng nakatalikod na tinira ko kani-kanina lang. With three bullets on her, I'm sure she can't survive it. Tamang-tama at hindi ako nahuli sa pagdating.
Nang matumba ang babae ay nagkaroon na ako ng tsansang makita si Gab. She's lying on the ground like a helpless kid. Agad dumalo sa kanya ang mga gagong kambal. They're treating her like a damsel in distress. Pero ang totoo, kaya naman niya ang sarili niya. That's one of a million reasons of why I idolize her.
Bumaling siya sa akin dahilan kung bakit napaiwas ako ng tingin. I am ashamed of what I've done. Muntik ko na siyang mapatay dahil lamang sa maling akala. I want to kill Rios because of what he'd done to me. Ginawa niya akong tanga. Tangina niya!
I turned my back against them. Tapos na ang laban ko at wala akong karapatang harapin ang taong nagawan ko ng kasalanan. I know I should at least say sorry to her but I just can't do it right now. Sa tingin ko hindi ko kakayanin dahil sa sobrang kahihiyan.
"Wait!" dinig kong sigaw ni Gab.
Napahinto ako sa paglalakad. Naglalaban ang isip ko kung ano ang aking gagawin. Is this the best time to say sorry? Maybe not. Sa huli, umalis na lamang ako roon. Hihingi ako ng tawad pero hindi pa siguro sa puntong ito.
Tumulak na ako patungo sa dorm upang makapagpahinga na. I'm so exhausted already. Tila nawala ang lahat ng lakas ko. Curse this academy and all of its hellish games!
Nang tuluyan ko ng naaninag ang dorm ay mas lalong kumulo ang aking dugo. Hindi ko mapigilan ang pag-igting ng aking panga kasabay ng pagkunot ng aking noo nang makita ko kung sino ang taong nasa harap ng aking dorm. Rios was standing there probably waiting for me.
Akmang aalis na sana ako dahil ayaw kong makita ang kanyang pagmumukha nang makita niya ako. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Isang hakbang paatras palayo sa kanya at tumalikod na ako. Binilisan ko ang lakad ko. My eyes started to water until I can't help them to fall.
"Kahlia, wait!" malakas niyang sigaw.
Binawala ko ang sigaw niya na parang bingi. Gamit ang likod ng aking kamay, marahas kong pinahid ang mga rumaragasang luhang patuloy na umaagos mula sa aking mga mata.
I am about to take a step again but someone stopped me. Napahinto ako nang maramdaman ang kamay ni Rios sa aking balikat na tila pinapahinto ako. His silence makes me want to hate him more.
Buong lakas niya akong iniharap sa kanya. Nang tuluyan niya akong naiharap sa kanya ay walang pag-aatubiling ginawaran ko siya ng isang malutong na sampal. Bahagyang tumagilid ang mukha niya dahil sa lakas ng sampal ko.
"How could you do this to me, Rios? Bakit? Bakit mo ako ginawang tanga? Laruan ba ang tingin mo sa'kin? Ganoon ba? Muntik ko ng mapatay ang babaeng iyon! You witness how my w-wrath grows. Umabot ng taon, Rios. Years of s-seeking for justice and vengeance. Ando'n ka sa mga panahong iyon pero ano? You didn't even utter a word. Ginawa mo akong tanga at higit sa lahat, pinatay mo...p-pinatay m-mo...ang p-pinakamamahal k-ko.'' Hindi ko na mapigilan ang pagpiyok ng boses ko sa huling sinabi.
Hindi siya nagsalita. Nakayuko lamang siya at ni ang pagtingin sa aking mga mata ay hindi niya magawa. Mas lalong nanuot sa aking mga ugat ang galit. Galit sa kanya at galit para sa katangahan ko.
"Tangina mo!"
Muli ko siyang sinampal hanggang sa 'di pa ako nakuntento at sinusuntok ko na siya habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Luciell Academy
Mystery / ThrillerA certain dormitory school where your worst nightmares begin. Brace yourself, you may not be able to wake up anymore. A school where there is lots more to it than meets the eye. Cowardice will lead you in the depths of hell. A school where enrollin...