Habang naglalakad pauwi si Seraphina nakaramdam siya na may sumusunod sa kanya. Matagal na niya itong nararamdaman noong siya pa'y labing-walong taon palang siya hanggang sa nag dalawampu't-lima na siya nararamdaman niya parin ito.

Pag lingon niya sa kanyang likuran wala siyang nakitang tao na sumusunod sa kanya. Kung meron man ay isang bulto ng lalaking  anino.

Nang nasa bahay na siya dumiritso siya sa kanyang kwarto upang maligo ulit. Hindi niya namalayan na trenta minutos na siyang naka babad sa tub kaya umahon na siya. Pagkatapos niyang magbihis pumunta siya sa hapag kainan upang kumain ng panghapunan.

Nagtaka siya kung bakit wala pa ang kanyang mga magulang. Nag tanong siya sa isang kasambahay at ang sabi ng kasambahay ay may business trip daw silang pupuntahan.

Kumain nalang mag-isa si Serraphina. Pagkatapos niyang kumain pumunta na siya sa kanyang kwarto upang matulog.
Ala una na ng madaling araw pero hindi parin makatulog si Serraphina.

Bumangon siya sa kanyang kama at luminga-linga sa paligid ng kanyang kwarto. Sa may bintana ng kanyang kwarto may isang upuan don at naka upo doon ang isang anino ng lalaki .

"Kung sino ka man, magpakita kana!" Sabi ni Serraphina. "Gustohin ko man Serraphina. Pero hanggang anino lang ako" sabi ng lalaki. Nagulat si Serraphina sa boses ng lalaki. Nakakapanindig balahibo ito dahil sa baritonong boses nito.

"Ano ang maaari kong gawin para makita ang iyong pagkatao?" Tanong ni Serraphina. Hindi alam ni Serraphina kung bakit naging interesado siya sa lalaki. "Sumama ka sa akin para makita mo ang aking pagkatao" sabi ng lalaki.

Nag-alinlangan pa si Serraphina pero kalaunan pumayag siyang sumama sa anino.

Nagtaka si Serraphina kung bakit patungo sila sa kanyang aparador. Magtatanong pa sana siya pero biglang bumukas ang kanyang aparador, imbis mga damit niya ang makita ay isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanya.

Pumasok doon ang lalaki kaya pumasok na rin siya. Pagbukas ni Serraphina sa kanyang mga mata nasa ibang lugar na siya. "Maligayang pagdating sa aking kaharian, Serraphina" sabi ng isang baritonong boses sa kanyang likuran.

Paglingon niya isang napakagwapong lalaki ang kanyang nakita. Natulala si Serraphina sa lalaki dahil sa taglay nitong kagwapohan. Ngumisi ang lalaki, "Alam kong gwapo ako pero baka matunaw ako dahil sa paraan ng iyong pagtitig sa akin" sabi ng lalaki at lumabas sa pintuan.

Doon lang napagtanto ni Serraphina na nasa isang kwarto pala siya at nasa veranda siya nitong kwarto. Pagtingin niya sa baba nakita niya ang mga kababahayan at ibang mga establishimento.

S

inundan niya ang lalaki, mabuti nga't naabutan pa niya ito. Tinanong ni Serraphina kung anong ang pangalan nito pero isang malungkot na ngiti lang ang tinugod nito.

-----

Isang buwan na ang nakalipas pero nasa kaharian parin ng lalaki si Serraphina. Isang araw habang nasa hapag kainan sila ng lalaki biglang lumitaw ang isang babae at lalaki. Napakaganda nito at gwapo suot nila ang napakagarang damit na karaniwang sinusuot ng diyos at diyosa.

Nagulat si Serraphina ng biglang umangat ang silyang inuupuan niya at nahihirapan siyang huminga. Tumingin siya sa bagong dating na lalaki at nakita niyang nanliliksik nitong pulang mata. Bago pa siya makahingi ng tulong sa lalaki bigla nalang siyang nawalan ng malay.

Pag gising ni Serraphina nasa ibang lugar na siya. Bumangon siya at tumingin sa bintana. Nakita niya ang isang napaka habang tore na ito ay tinatawag na Eiffel Tower. Narinig niyang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang lalaki.

"Mabuti at gising kana" sabi ng lalaki.
"Ano palang nangyari kanina?" Tanong ni Serraphina. Bumakas ang galit sa mukha ng lalaki. "Yung lalaki kanina kapatid ko yon. Ginamitan ka niya ng kanyang kapangyarihan dahil galit siya sa akin. Kasi naunahan ko siyang makita ka sa iyong mundo. Ako naman talaga ang naunang makita ka. Kaya sa inggit niya ginamitan ka niya ng kanyang kapangyarihan." Kinuha nito ang kamay ni Serraphina at hinalikan ito. "Akin ka lang, Serraphina. Akin ka. Kung meron mang aagaw sa iyo gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin."

Tumango si Serraphina. Inaya niya ang lalaki na pumunta doon sa Eiffel Tower. Pumayag naman ang lalaki. Pagdating  nila doon hindi napigilang mamangha ni Serraphina sa ganda sa paligid ng tore. Pinapalibutan kasi ito ng iba't- ibang klase ng bulaklak.

Lumingon siya sa lalaki at tinanong ulit kung ano ulit ang pangalan nito. "Ipangako mo sa akin na pagsinabi ko ang pangalan ko wag mo akong tawagin sa pangalan ko" sabi ng lalaki. Tumango si Serraphina.

"Aurevoir"

Tumungo si Serraphina pero para sa kanyang pamilyar ang pangalan ng lalaki. Parang isang lengguwahe na ginagamit sa ibang bansa.

-----

Isang taon na ang nakalipas nasa kaharian parin si Serraphina. Gusto nang umuwi ni Serraphina baka hinahanap na siya ng kanyang magulang pero babalik naman siya kaagad. Hinanap niya ng hinanap si Aurevoir hanggang nakalabas nalang niya sa kanilang tinutuluyan hindi niya parin makita ang lalaki.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Serraphina.
Gusto niyang tawagin sa pangalan nito ang lalaki pero naalala niya nag pangako niya kay Aurevoir. Pero dahil desperada na siyang makita ang lalaki sinigaw nito ang kaniyang pangalan, sumigaw siya ng sumigaw hanggang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya sa kanyang likuran nakita ni si Aurevoir na tumatakbo patungo sa kanya.

Nang ilang metro nalang ang layo nila hinagilap niya ito at hinagkan ng mahigpit.
"Kahit anong mangyari Serraphina palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para magkita tayong muli. Kahit gaano pa ito katagal wag na wag mo akong kalilimutan" sabi ni Aurevoir na umiiyak. Tutugon na sana si Serraphina pero nararamdaman niya na parang may humihila sa kanya hanggang sa dumilin ang paligid.

-----

Nagising si Serraphina dahil sa ingay ng alarm clock niya. Pinatay niya ang ingay ng alarm clock at bumangon sa kama. Napahilamos siya sa kanyang mukha pero nagtaka siya kung bakit basa ito. Tumingin siya sa salamin at ang mga luha pala niya ang dahilan kung bakit basa ang kanyang mukha.

Doon niya lang naalala ang nangyari. Hindi iyong panaginip kung totoong nangyari talaga iyon. Naalala niya ang pangalan ni Aurevoir, dali-dali niya kinuha ang kanyang laptop at si-nearch kung ano ang ibig sabihin ng pangalan ni Aurevior.

Nang makita ang resulta nito napahagulhol nalang siya. Ni hindi man lang siya nakapagsabi sa totoong nararamdaman niya ni hindi siya nakapagsabi sabi na mahal na mahal niya si Aurevoir.

-----

Lumipas ang mga nagdaang taon hanggang sa nalalapit ng lagutan ng hininga si Serraphina hindi parin nagpakita si Aurevior. Ipipikit na sana ni Serraphina ang kanyang mata nang marinig nito ang baritonong boses.

Nakita niya si Aurevior ganon parin ang mukha nito kung gaano ito ka gwapo nung una silang magkita hanggang ngayon gwapo parin ito.

"Patawarin mo ako Serraphina kung natagalan ako. Ginawa ko ang lahat pero hindi ko inakala na matatagalan ako. Pasensya na talaga" umiiyak na sabi ni Aurevior.

Ngumiti si Serraphina, "Ang importante umabot ka. Kahit malapit na oras ko. Masaya na akong makita." Hinaplos nito ang mukha ni Aurevior. Hinawakan naman ni Aurevior ang kamay ni Serraphina. Suminghot ito "Hanggang dito nalang ba ang kaya mo, Serraphina?" Tanong ni Aurevior.

Tumango si Serraphina. Ngumiti ng malungkot si Aurevior. "Sige magpahinga kana. Basta tandaan mo palagi na mahal na mahal kita. Hahanapin kita sa susunod mong buhay. Sige na magpahinga kana." Umiiyak parin si Aurevior.

Ngumiti ng may luha sa mata si Serraphina. Bago ipikit ni Serraphina ang kanyang mata sinabi niya ang gusto niyang sabihin kay Aurevior.

"Mahal na mahal kita. Au revior"

-----

Dahil sa kanyang anino ako ay nakatagpo ng isang tunay na pag-ibig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shadow Of Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon