The "Could Have Been"

64 4 0
                                    

“The COULD’VE BEEN”

 

Cause you could’ve been the right guy for me…

 

Dear Julian*,

 

        I decided to call you Julian in this letter and I do hope you won’t get mad. Mas maganda kung i-private mo na lang ang buhay mo.

          I just want to thank you for being a good friend to me. Minsan nga nahihiya na ako sayo dahil parang wala naman akong nagawa as a friend. Feeling ko, ang nagawa ko lang ay yung saktan ka in some way. Sorry nga pala.

         

Naalala ko tuloy nung nakilala kita ng first year ng high school. Graduate ka ng Ateneo samantalang public lang ang pinanggalingan ko. When I saw you for the first time Julian, alam kong gwapo ka. Oo, gwapo ka naman talaga. Sorry kung lagi kitang sinasabihang panget. Ayoko lang na lumaki yang ulo mo.

          Ikaw na ata yung mga nababasa ko sa libro na too good to be true. You are no Prince Charming Julian, but you’re like the one I’ve always been dreaming of. A dashing guy who’ll sweep my feet off the ground.

          Na sa’yo lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki. Actually, saktong-sakto ka na sa standard ko to the point na pwedeng ikaw na lang yung maging standard ko for real. Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi tayo ngayon. We went on separate ways, right? Alam ko pinagtataka mo din yan ngayon.

          Naalala ko tuloy nung maging friends tayo. Madalas tayong mapagkamalang mag-girlfriend boyfriend kahit hindi naman. Minsan inaaway pa ako ng fangirls mo dahil inaagaw na daw kita. Talk about high school clichés lang. Well, I will always be thankful na naging kaibigan kita. Na andyan ka kapag kailangan kita.

          Pero nung inamin mong may gusto ka sakin nung third year na tayo, nawindang ako. My first instinct was to be flattered dahil siyempre, sa lahat naman ng babaeng pwedeng magustuhan mo ay ako. My second instinct was to be doubtful. Nagbibiro ka lang ba? Kahit maganda siyang pakinggan, parang ang hirap paniwalaan. Halo-halo ata yung naisip ko. hundreds of things rushed to my mind but I followed my last instinct which is to reject you.

          Pinahahalagahan ko yung friendship natin, Julian. Kahit madalas ay parang wala namang patutunguhan yung friendship na yun.

          Minsan iisipin ko na kung iba ba yung naging sagot ko sayo noon, may magbabago kaya? Would it make any difference? Kung binigyan ba kita ng chance ay tayo kaya?

          Hindi ko alam kung saan ba nagkaroon ng problema. Pero Julian, ayoko ng sagutin yung mga tanong na yun.

          Cause you could’ve been the right guy for me…

 

 

        Alam ko naman yan. We could’ve been perfect for each other, Julian pero as of now na inaalala ko lahat ng nangyari noon, wala akong pinagsisihan. Actually, wala naman akong dapat pagsisihan.

         

I think I made the right choice for us, Julian. Tama na pinili kong maging friend na lang kita. Look at where it brought us, hanggang ngayon ay friend pa din naman kita. Hindi ko to nasabi sayo ng personal dahil parang hindi yun yung tamang oras. We were too young for love, too fragile to risk our own hearts.

          Ngayon ko lang narealize kung bakit hindi nga tayo. Naniniwala kasi ako na may mga taong meant to be pero hindi sila ang nagkakatuluyan.

         

We are meant to be, Julian. We’re meant to be friends. Hanggang dun lang tayo. We’re meant to teach other a lesson, which says that some things just don’t         work out kahit anong hila at tulak mo dito.

I’m still glad we’re able to keep our friendship intact. Yung iba kasi naglalaho kapag nabawasan ng oras at sinamahan ng distance.

And here’s the thing Julian:

When I first saw you, for some reason, I know you’re not the right guy for me. And you deserve someone better out there, a girl who’ll choose you and is willing to give up everything to be with you. Hindi lang ako ang babae na yun. Hindi ko ata kayang i-give up ang prinsipyo ko sa buhay for young love.

Minsan kasi, out of this crowded world, may makikilala ka at bigla mong mararamdaman na siya na. Soulmates daw kayo kapag ganun. Hindi siya manggagaling sa bibig mo. Bigla mo na lang siyang mararamdaman. I guess we’re not soulmates then.

Pero kung nasa geometry tayo, we’re a pair of intersecting lines dahil kahit anong iwas natin ay magmemeet tayo at some point pero we won’t have the right angle.

You’re a big “could’ve been” in my life pero hindi na ako babalik sa nakaraan para ibahin yun. Siguro hanggang dun na lang dapat. Bakit ba kailangang balikan yung nakaraan? Dahil may naiwan kang “could’ve been”?

Hanggang chance lang ang could’ve been. At depende na lang sa tao yun kung bibigyan mo nga ba siya ng chance or hindi.

And just as Augustus Waters said, I like my choices. I hope you like yours.

 

 

 

 

Yours truly,

The Girl Who Dreamt of her Prince Charming

DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon