~ Kei's POV ~
** Kuya...**
Kagabi ko pa naririnig ang malungkot na tinig ng boses na iyon. Hindi matanggal sa utak ko ang iyak ng babaeng iyon. Oo, alam ko na.
Siya pala.
Yung babaeng nakita ko sa camera at yung babaeng nakita ko sa bahay nila Sir Kurt, ay iisa lang.
"Kathalyn Chung." pagbibigkas ko sa pangalan niya habang nakatingin sa kawalan. Nandito ako ngayon sa bedroom ko at nagmumukhang baliw na ewan na hindi maintindihan kung bakit. Iniiisip ko lang. Kung ako, nakikita ko si Kathalyn, pero bakit kuya niya hindi siya makita?
"Hay nako!" Iyon na lamang ang nasabi ko at humiga na ulit sa kama ko. Nakatigin naman ako ngayon sa kisame ng kwarto ko. Pagkapikit ko ng mga mata ko, parang bumalik lahat ng mga ala-ala sakin. Ala-ala namin.
Hindi naman talaga ako masungit eh, pero sabi nila, natural na raw saken yun. Pero pag kasama ko dati si Seana, nawawala ang pagkacold ng attitude ko, matatalo ko pa ang clown sa pag ngiti.
Pero simula nung mawala siya, nawala narin yung ngiti ko. Alam kong hindi sinasadyang mabangga siya at tanggap ko nang wala na siya, pero bakit? Bakit siya pa?
Ngayon, iniisip ko nalang yung kung ano yung naramdaman ni Sir Kurt sa pagkawala ng pamilya nila, pati narin ng pagka coma ng kapatid niya. Masakit.
Maya-maya nalang, nakarinig ako ng malakas na tunog na nanggaling sa labas. Bigla akong napaupo at napaisip. Wala ngayon sa bahay sila Mama, Bree at Kim.Sinong--
Nanlaki nalang ang mata ko nang marealize ko kung sino man ang may pakana nun. Agad-agad akong napatayo sa kama at dumeretso sa pinto.
huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto...
Kaso...
Daga lang pala.
Napabuntonghininga nalang ako at tumalikod na upanag isirado ang pinto anang may marinig nanaman ako...
"Yan! Kasi! Sabi sayo, di ka dapat naglalaro dito eh!" mahinang siaw ng isang pamilyar na boses ng babae.
"Kathalyn?" tinawag ko ang pangalan niya at agad na tumalikod.
O.O
Nanlalaki ang mga mata namin nang makita namin ang isa't isa. At mas lalong napalaki ang mata ko nung makita kong yung kinakausa[p pala niyang daga ay nakatingin din sakin.
"Aaaaaaah!" Napasigaw na lamang ako makalipas ng ilang segundo ng pagtitigan namin sa isa't isa. GRABE.
"Aaaaah!" rinig ko ring sigaw niya, at akmang mawawala ulit, pero...
"Sandali!" pinigilan ko siya. At agad namang bumalik siya sa dati at parang normal lang. Nakatitig parin ako sa kanya nang kumurap ang mata niya at lumunok na lamang ako ng laway bago ko siya nilapitan ng dahan-dahan.
BINABASA MO ANG
Fantasy.
RomanceThe reality of two worlds which cease to exist from the two of them. A Filipino-English Story~ Enjoy! :P