Chapter 5: Picture frame.

124 7 4
                                    

= Kei's POV =

Saturday. Saturday ang schedule kung kelan namin imemeet ang fomer fiance ng iyaking demonyita sa tabi ko ngayon.

And guess what?

Saturday ngayon.

"Ano? Ready ka na bang makita siya ulet?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan niya ang luha niya. Tch. Iyakin talaga.

"*sniff* Oo... Para malaman ko kung gaano siya kasaya sa sitwasyon niya ngayon na alam niyang nagaagaw-buhay nako." sa sagot niyang iyon, napatingin ako sa kamao niyang madiin niyang ikinukuyom dahil siguro sa inis na nararamdaman niya.

"Haaay..." 'yan na lamang masasabi ko. "...sabi mo yan ah."

*click* Bumukas na yung pintuan ng kotse.

"Sir, andito na po tayo." sabi ni Harley at bumaba nako sa kotse. Tumingin-tingin ako sa paligid at kitang-kita ang pagkagradiyoso ng headquarters ng mga Hoon.

Oo, dito kami sa Headquarters nila magkikita, bakit? Kasi kami ang nagrequest para siya ang makuha naming model. Tumingin naman ako sa may gilid ko at kitang-kita ko na may lungkot parin sa mga mata niya kahit blanko ang ipinapakita niyang expression sakin.

"Hindi 'to tulad nung dati... May mali..." bulong niya, na alam ko namang ako lang ang makakarinig. I just shrugged at her thought as we went up the elevator and walked sa hallway papuntang office nitong si Clark.

Bulong rin nang bulong 'tong si Kath na may mali raw. Hindi raw ganito yun dati.

= Kath's POV =

Mali...

May mali...

Bakit ganito pakiramdam ko...

Bakit kakaiba 'tong mood sa HQ ng mga Hoon mula nung dating nandito ako...

Sa lahat na madadaanan namin ni Kei na hallway ay puro nakasimangot na lahat...

Lalo na rito na papalapit na kami sa Office ni Clark.

"Leave us--- ah este, Me pala, dito. Ako lang kakausap kay Mr. Hoon." sabi ni Kei at napakamot nalang yung assistant niyang bakla na si... Harvey? Havey? Hershey?

Ah basta! Alam niyo na yun!

*creak*

Binuksan na ni Kei ang pinto sa Office ni Clark.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Bakit? Bakit ako kinakabahan? Hindi ba dapat galit ako?

Oo, galit ako.

Galit ako kasi duwag siya.

Galit ako kasi iniwan niya ako.

Oo, GALIT ako.

"Ehem..." sabi ni Kei na para bang naghihintay ng sagot. Ah oo nga pala! Hinihintay niya akong makapasok sa pintuan bago niya isara 'yon.

Sumingut agad ako sa gitna niya at ng pintuan para makapasok sa loob ng office.

Hindi ko alam kung bakit pero iba ang nararamdaman kong aura ng office niya.

Napaka...

Napakalamig!

Naglalakad na kami ngayon ni Kei sa may hallway papunta sa deak niya.

Tanda ko pa dati dito na...

Dati naming tambayan ni Clark...

Yung mga times na wala kaming pinoproblema at masaya kami...

Ngayon napapaisip ako kung masaya ba talaga siya nung oras na yun o nagpapanggap lang siya...

Napakagat ako sa labi ko nang maisip ko yun.

"Mr. Clark?" Tawag ni Kei. Ah nasa tapat na pala kami ng desk niya.

Pero...

Wala siya.

"Huy, Kei! Wala naman pala eh! Niloloko ata tayo nung assistant mong beki!" Bulong ko sa kanya habang nakatingin sa desk ni Clark.

"Maghintay ka baka nagCR lang." bulong nito pabalik sakin.

"Sinong nagCR?" Sabi ng boses na nanggaling sa likod namin.

Malalim ito na may pagkamatinis. Boses to ni...

"Ah, Mr. Clark. Nice to meet you" sabi ni Kei at tumalikod na agad para igreet si Clark.

Ayoko muna tumingin...

Naiinis ako sa kanya...

Dapat pala di nako sumama...

Pero kailangan kong gawin to...

This is the only way I'll move on...

Unti unti akong umikot para tumingin sa kanya...

At nagulat ako nang makita kong nakatingin din siya sakin! Kita ko rin ang gulat sa mga mata ni Kei nang malaman niyang nakatingin sakin si Clark.

Onti onting lumalapit sakin si Clark at kahit alam kong multo ako, naririnig ko ang pagpintig ng puso ko.

Sobrang lapit na niya.

Sobrang sobrang lapit na niya.

Inilahad niya ang isang kamay niya na para bang hahawakan ang braso ko...

Ipinikit ko na ang dalawang mata ko dahil mararamdaman ko nanaman ang hawak niya; ang kamay niya.

= Kei's POV =

Grabe.

Nagulat ako nang pagkatapos kong makipaghandshake kay Clark... bigla siyang tumingin sa direksyon ni Kath.

Ang alam ko lang kasi, ako lang ang nakakakita kay Kath.

Mas ikinagulat ko nang lumalapit na siya sa direksyon ni Kath.

Kahit alam kong multo siya, kitang kita ko parin ang mga luhang umaagis sa mga mata niya kahit ipinikit na niya ito...

Mahal niya talaga si Clark.

Pero gusto niyang makapaghiganti dito.

Natauhan ako nang dumampi na ang daliri ni Clark kay Kath.

Pero ang pinakamasakit siguro para kay Kath, eh yung kamay ni Clark lumagpas lang sa kanya at may inabot sa likod niya.

Tama nga ako.

Ako lang nakakakita sa kanya.

Ibinukas na ni Kath ang mga mata niya at Nasa harap niya ngayon si Clark na may hawak na picture frame.

Picture frame nilang dalawa.

Si Kath at Si Clark.

Ang saya nila tignan sa picture na yun.

I think that was the day of their engagement. Masayang ipinapakita ni Kath ang singsing na nakalagay sa daliri niya habang nakayakap kay Clark sa litrato.

Pero bakit ganun...

May nararamdaman akong kakaiba sa dibdib ko...

Bakit ang sakit?

==========================

AUTHOR'S POV

ayo guyth! Grabe antagal ko nang di nakakabalik dito hahahah! Nakakaloka naman po pala! Hahahah

Medyo mabilis ang mga pangyayari sa buhay ni Kei at Kath. At ngayong andiyan na si Clark... may aaminin na kaya si Kei?

ABANGAN! HAHAHHA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fantasy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon