I never experienced being 'nervous' while talking, may it be my crush, my teachers or the whole crowd I am talking with. I never hated the noise of crowd, whispering while I am talking... I actually loved it.
Simula pagkabata, lagi akong nagsusulat ng tula para kay papa,araw-araw, ginaya ko si mama, sa bawat tula...bumubuhos ang damdamin.
Elementary. Lagi na akong may naiuuwi na premyo mula sa mga paligsahan..spoken poetry, debate, tula at kung anu-ano pa, sali mo na ang pag-awit. Sabi sakin ni mama nung nabubuhay pa s'ya, kay papa ko raw nakuha ang lakas ng loob, kapal ng mukha at tapang sa pagharap sa maraming tao. I conclude that mama is shy and papa is the confident one.
Highschool. English and Filipino projects are the best. Spoken poetry at mga tula. Unti-unti akong nakikilala bilang isang batang makata. Speech is just a piece of cupcake for me.
College. Wala na ko masyadong naisusulat para kay papa. Pero di naman n'ya alam ang mga tulang ginawa ko, at close naman kami. Ako lang kasi ang natirang ala-ala ni mama kaya dapat close kami at alagaan namin ang isa't- isa.
Hindi ako takot sa pagharap sa madaming tao. Patunay ang mga sertipiko at medalya ko na hindi ako takot o ninenerbyos o nahihiya pagdating sa pagsasalita sa harap ng madla. Ni hindi ako nakatungtong sa entablado o forum na nanghihina at umiiyak...ngayon lang, sa harap ng madaming taong nagsumikap na pumunta.
I am fucking speechless.
'Hey, stupid. Open your mouth and speak.' Pagsita ko sa sarili.
I am wearing my white dress at the moment. Inayos ko ang pagkakatindig at pinalis ang mga luha sa mga mata. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid at peke.
'I never wanted this.'
Pinikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha. Dumilat ako at tumingin sa kanya. Hawak ang mikropono, sinimulan ko ang speech ko.
"You was my friend. My best friend" panimula ko.
"Ayaw mo kong nakikitang umiiyak kaya sorry. Sorry. Sorry kasi may mga oras na kailangan mo ko, wala ako." Humikbi ako. "Thank you sa lahat. Thank you sa suporta. Sa pagmamahal mo. Sa oras mo. For always cheering me up." Punas luha, " I loved you. I love you. And will always love you...Papa." Humagulgol na 'ko. "I...uhm.." Kumalma muna ako bago ngumiti ng mapait. "Here's the...uhm," dinukot ko lahat ng nakatuping papel mula sa bulsa ng dress ko tsaka nagpatuloy. "Gumawa ako ng tula para sa'yo,'pa. Sayang hindi ko napabasa. 4745 poems for you, Papa." Umiiyak na ko ng umiyak kaya inalalayan na ko ng kapit-bahay namin na umupo.'I love you,'pa. Sorry and Thank you for everything.'
____________________________________
A/N: R A N D O M ♥
\(°^°√) ♪♪
YOU ARE READING
The Speech
RandomI love debating, fighting whoever for whatever my stand is. Speech is my second name. Standing in front of many people, knocking some sense into their souls. But, why am I being speechless... infront of him and of all these people? Why now?!