Prologue

3 0 0
                                    


"O sige pre, sabihan ka na lang namin kapag may bago tayong raket! Lamats sa palibre, sa susunod ulit!" Ngumisi ako at binitbit ang isang supot ng plastik na naglalaman ng tinapay at umalis na palayo sa kabigan kong si Herald na kakakuha lang ng sweldo sa bagong raket na sinuhestyon ko sa kanya.

Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ng tumunog ang cellphone kong di keypad. Huminga ako ng malalim at di na tiningnan ang caller.

"Hello?"

Humikbi ang nasa linya dahilan upang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kang.

"Anong nangyari bat ka umiiyak?"

"Si keya kuya! Hindi siya makahinga kuya diko alam gagawin ko kuya naglal-" di ko na pinatapos ang sasabihin pa ng kapatid ko ng ng marining ko pa lang ang pangalan ng bunso naming kapatid. Sumakay ako ng jeep at hindi mapakaling naupo. Jusko po, tulungan nyo ko.

Simula ng namatay ang mga magulang namin dahil sa isang trahedya naging ulilang lubos na kame. Ako ang panganay at ako na rin ang tumatayong Tatay at nanay ng mga kapatid ko. Ginagawa ko ang lahat para buhayin sila. Na kahit mismong sarili ko di ko na napapansin para lang matustusan ko ang mga pangangailangan nila.

Nasa Grade four na si Maria Kanari o kang samantalang yung bunso naming kapatid na si Onesa Keya ay Grade one pa lang. Sa hirap ng buhay di parin ako nakakapagtapos. Third year high school pa lang ako ng mangyari ang trahedyang nangyari sa mga magulang ko't tumigil na rin ako sa pag-aaral.

"Manong dito lang po! Bayad paki abot po salamat."

Tumakbo ako papunta sa inuupahang bahay namin ng makita ako ni Aling Betty. Ang may-ari ng bahay na inuupahan namin. Mabait ito. Minsan kapag busy ako sa mga raket at di na makauwi, Kay aling betty ko pinapaiwan para magbantay muna. Wala namang kaso dito.

"Iho! Sinugod na sa ospital si Keya ni Dado!" Hingal niyang sabi. Tinanong ko kay aling betty kung saang ospital dinala ang kapatid ko at dali daling pumara ng tricycle.

Pucha dis! Pumunta ako sa emergency room at dinatnan ang kapatid kong walang malay na nakahiga at may nakakabit na dextrose. Huminga ako ng malalim at nilapitan si Kang.

"Kuya!" Iyak niya't sumubsob siya sa dibdib ko. "Kuya, sorry di ko nabantayan ng mabuti si Keya."

"Shh.. wag na umiyak di mo naman kasalanan yun" hinawi ko ang buhok niya na natatakpan na ang mukha nya dahil sa pag-iyak.

"Kuya, wala tayong pambayad dito sa ospital kuya, gusto mo mag titinda ako ng sampaguita para may maitulong ako sayo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi. Ako na ang bahala, maghahanap ulit ako ng mga raket para may ipambayad tayo sa mga gastos dito sa ospital. Wag mo na isipin yun ang bata mo pa para pag-isipan yun. Si kuya na gagawa ng paraan basta bantayan mo lang si keya." Tumango naman siya at nagpunas ng luha.

San ako kukuha ng pera? Tangina namang buhay! Kinapa ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang taong tutulong sa problema ko. Wala na kong choice. Ilang ring palang sinagot niya ito.

"Napatawag ka? Don't tell me tinanggap mo na yung trabahong inaalok ko sayo?"

"Oo. Yun parin ba ang halaga ng makukuha kong pera?"

"Uh-huh. Itetext ko sayo yung address, pumunta ka na lang dito bukas para sa magiging trabaho mo."

Tumango ako kahit hindi niya ko nakikita.

"Okay." Ibaba ko na yung cellphone ko ng magsalita ulit yung nasa kabilang linya.

"Siguraduhin mo lang na susulpot ka dito bukas, kung hindi ipapalaplap kita sa mga k-9 kong aso Kaius."

-

L.E

La Isla Ignacia series 1: CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon