One. I'm sorry

4K 82 13
                                    

 Rico

Natigilan ako nung nakita kong parang nagkakagulo sa dugout ng team nila Gab. Tinapik ko si Mico na nasa labas, sa sobrang dami ng tao halos hindi na rin siya makapasok sa loob. “Huy, anong meron?”

Nanlalaki yung mga mata niya sa akin. Iika-ika pa akong lumakad mula clinic. Hindi na ganon kasakit yung tama hindi katulad kanina sa game. Si Tanya naman hindi ko makita. Nangako-ngako pa siyang to love and to cherish, e ni sa ganitong pagkakataon nga ni hindi man lang ako sinamahan sa clinic kanina! I fumed mad just to think of it. Napapailing na nakikitingin na din ako. “Ano ba dude! Anong meron?”

“Ahh… ano… ano kasi, Rico…” Nauutal na tinitigan ako ni Mico, “si ano, si Gab.”

“Ano? Anong nangyari kay Gab? Don’t tell me nag-suicide na si Gab?” Pabiro kong sabi. Tapos napangiwi si Mico.

“Okay ka na pre?” Tanong ni Mico. Maalala ko lang yung nangyari sa game kanina, hindi ako okay! Natuhuran lang naman ako ni Gab habang naglalaro. Magkaiba na kasi kami ng team. Tinrade in ba naman ako ni coach sa kabila. Bwiset. Oo nga hindi sinasadya e pano naman si junior? Buti hindi umurong. Kawawa naman si Tanya niyan pagnagkataon. Tsk.

Nabigla na lang ako ng may narinig kaming nagkagulo sa loob. “Ano yun?” tanong ko. Nakita ko si Joed na humahangos palabas. “Joed!”

“Rico! Patay na.”

“Sinong patay na?”

“Si Gab!”

“Si Gab? Patay na?!”

“Gago! Si Gab, papatayin na ng asawa mo.”

Matagal bago magregister sa utak ko yung sinabi ni Joed. Si Gab? Papatayin ni—Where the fuck is Tanya?!

“Holy Shit.”

Tanguan yung mga players na katabi ko sa labas. At bigla akong napaungol. “Bakit hindi man lang kayo umaawat?” Napasigaw ako sa mga higante sa harapan ko. Sabay-sabay silang umiling at nagturuan. Oh no, shit na malagkit. Mabilis akong napatakbo sa loob. Nanlalaki yung mga mata ko sa nakita. Si Gab, sapo-sapo niya yung gitna niya. He was wincing. Habang si Tanya, oo yung asawa ko, nakatapat sa kanya at galit na galit.

“You bastard! Next time you do that to Rico I’ll do worse than that! E pano kung hindi na makabuntis si Rico ulit, ha? Isusumbong kita Flimsy Gab! Hindi porket kaibigan ko si Flimsy I’ll let this go! If I know—Ano ba!” Hiyaw niya kay Nina na pilit siyang hinihila.

A Flimsy Love (Ang Player at Ang Attorney)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon