Four. No us

1.9K 50 3
                                    

Four. No us

Nginuya ko yung slice ng carrot cake. At napangiwi ako dahil muntik ko ng iluwa yung nakagat ko. Napakunot-noo ako at nakita ko si Nina na nagko-concentrate din sa pagkain ng carrot cake.

Bigla akong siniko ni Joed. “What happened the other day?”

“Anong what happened the other day?” Sabi ko sa pagitan ng pagnguya dun pa rin sa isang slice na nasa bibig ko. Napapangiwi ako at binaba yung platito. “Bat di ka kumakain ng cake?” Tanong ko kay Rico.

Ilang beses siyang umiling tapos ngumisi. “Yung sexy na chicks na naghanap sayo sabi ni Joed.”

Sinamaan ko ng tingin si Joed. Ang daldal talaga. “Alam mo ba Nina nung isang araw si Joed nakatingin sa legs ng—”

“O eto pa carrot cake!” Sabay sumpak sa bibig ko ng kutsara niya. Nagkalat yung icing sa gilid ng bibig ko. “Tado!” Sigaw ko. “Sorry Nina.” Tumawa naman si Nina.

“Oy Nina, I wasn’t looking I swear! I mean, she’s sexy. But you’re ten times sexier than—”

Tawa lang ng tawa si Nina sa kaka-explain ni Joed. Tumabi yung gago sa girlfriend niya at inakbayan ito. May binulong na ikinakurot ni Nina dito. Napailing ako. “Ano bang kailangan sayo nung babae?” Tanong ni Nina.

Napaubo ako at nailuwa ko yung kapiranggot na carrot na pilit kong kinakagat sa tigas. Nagkatinginan kami ni Rico. “Carrot cake ba talaga yan?” Tanong ni Joed. “E bakit buo-buo?!”

“Masarap ba?”

Nagkatinginan kaming lahat kay Tanya. She smiled prettily. Napangiwi si Rico. Nagkatinginan kaming dalawa ni Nina na binaba din ng unti-unti yung hawak niyang platito ng carrot cake na hindi nabawasan.

“Uy…” Lumabi si Tanya. “Masarap naman diba?”

Para kaming humihingi ng saklolo na napatingin kay Rico. Umiling siya sa akin ng unti-unti. Napaubo naman si Joed.

“Ahhh…”

“Bakit? Hindi ba masarap?” Nataranta kami nung parang maiiyak na si Tanya. Mabilis na napatayo si Rico. “B-babe! Diba sabi ng doctor wag kang iiyak? Masama sayo naiistress?” Sabi nito at mula sa likod ni Tanya ay pinanlalakihan niya kami ng mata. HInimas himas niya yung likod ng asawa. Napahikbi si Tanya. Nataranta kami ni Joed. “Ah, oo masarap! Ang sarap kaya. Sobra!” Exaggerated na sabi ni Joed. “Diba hon?” Baling niya kay Nina na ngumiti. “Of course, si Tanya pa e sobrang sarap gumawa ng cake niyan. Naalala ko pa nga dati hindi ko maubos-ubos yung cake sa sobrang tamis at sobrang sarap. Ano nga ba ulit na cake yun Tanya?”

A Flimsy Love (Ang Player at Ang Attorney)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon