CHAPTER 1

55 2 1
                                    

Chapter 1: New School, New Life!

TARA POV

Hay! Nasa tapat na ako ng gate...

...ng Great High School.

'MY NEW SCHOOL, MY NEW LIFE!.'

Papasok ba ako o Hindi?... ito kasi yung school ng kuya ko. My Goodless. Napakasama ng mga estudyante dito. Si mama naman kasi eh!. Pinilit talaga akong mag-aral dito ng Senior High. Dahil matalino 'daw' ako. Wehhh! Di nga!. Ako nga ang pinakabobo na nerd sa dati kong school. Wala naman din akong magagawa kasi, kasi ano daw... kung hindi ako papasok sa school na'to. Kukunin ako ng salbahe kong Papa. Nah! Ayaw kong sumama sa kanya... napakademonyo niya. Napakarami niyang babae... hanggang ngayon, palagi parin siyang nambababae. Sa tingin niyo, paano ko siya mapapatawad?! Aber!. Wala akong pakialam kung siya ang pinakamayaman na tao sa balat ng lupa. At never ko siyang kinilalang ama sa buong buhay ko. Pati nga si kuya eh! Naging cold ang pakikipag-halubilo niya sa ibang tao dahil sa papa ko... este ang kinamumuhian kong ama. Ayaw ko sa mga taong napakademonyo ng ugali. Nung bata pa ako, palaging masaya si kuya... palagi niya akong nilalaro... at palagi niya akong pinapapansin... pero simula nung naghiwalay si mama at ang magaling kong ama... nagbago na ang ugali niya. Tapos, hindi pa kami laging nagkikita kasi nasa puder siya ni papa... wala naman kaming magagawa kasi may karapatan naman ang ama ko na makapiling ang isa sa amin. Kaya hanggang ngayun, salbahe na si kuya. At naging nerd din ako ng dahil sa papa ko... siya ang puno't dulo ng lahat ng problema ko at ng buong pamilya ko ngayon. At naging dukha kami ni mama sa mga panahon na yun!. Nakatira lang kami sa isang napakaliit na bahay. Kung dadating man ang panahon na tutulungan niya kami... never namin yung tatanggapin. As in 'NEVER'.

Makapasok na nga sa gate!... pagpasok ko, may nahagip naman tong mata ko...isang babae na lumuluhod sa isang napakaangas na lalaki... naiiyak na siya at parang kinakabahan. Habang yung lalaki na nasa harap niya ay parang demonyong tawa lang ng tawa. Nakakaawa naman yung babae... first day na first day sa school eh! May nangbubully na. At hindi ko namalayan na papalapit na pala ako sa kanila... at rinig na rinig ko na ang mga boses nila... kaya nagtago ako sa malaking kahoy.

"PLEASE!!!. JAEDEN! WAG MO AKONG SAKTAN... PANGAKO!, DI NA AKO UULIT PANG MAGBIBIGAY NG TSOKOLATE AT BULAKLAK SA IYO... PAKAWALAN MO LANG AKO!."
Pakiusap nung babae na nakaluhod... WOW! Ano to show!. Patuloy pa rin ako sa pakikinig... ano kayang gagawin ng lalaking yan sa babaeng nakakaawa. Di ko makita ang buong mukha nung lalaki kasi naka... nakashades ng itim...

"DI MO BA ALAM NA MAY RULES AKO?!... KUNG SINO MAN ANG MAGTATANGKANG LUMAPIT AT MAG-AALIGID SA AKIN AY MAY KAPARUSAHAN. DI MO BA YUN ALAM?! HUH?!..."
Sigaw naman nung lalaki... Wow! Ano siya, Prinsipe!... grabeh! Di ko inexpect na may ganun pala dito... ang alam ko lang kasi eh!... mga bully lang ang nandito... may nagpipiling piling hari pala dito... ang saklap nun ah! Pero! Naaawa na talaga ako sa babae...

Kinuha nung lalaki ang tiktak na sapatos niya at...

"GUSTO MO NG KAPATAWARAN?! DIBA?!... PWES, KAININ MO ANG SAPATOS KO!"
Utos nung lalaking demonyo... nakatulala lang ang babae. Parang mamamatay na siya sa kaiiyak... naku! Di pwede to!.

"P-PO?!..."
Nauutal na babae sa takot ng nararamdaman niya...

"SINABI NG KAININ MO!!!..."
Para ng demonyo ang lalaking yun sa inasal niya...

"*SOB* P-PO!...*SOB*!"
Iyak ng iyak pa rin ang babae... wala man lang tumulong sa kanya... napakawalang kwenta naman ng mga tao dito...

"ISA?!!!..."

.

.

.

"...DALAWA?!!!..."

I WAS TRAPPED BY THE SEVEN FUCKING BAD BOYSWhere stories live. Discover now