Chapter 4

60 9 0
                                    

Jed's POV

Ang tagal naman ni Jane? Nag aalala na talaga ako dun sa babaeng yun. Nakita ko si Kuya Justine.

"Kuya! Andyan na ba si Jane?"

"Andyan sa Labas! Tignan mo nalang!"

Siguro galit nanaman to kay Jane. Ang sama makatingin eeh.Tinignan ko si Jane sa labas.Pagtingin ko, wala siya asan yun. Hinanap ko siya sa labas ng bahay wala talaga.Pinuntahan ko si Kuya Justine.

"Kuya! wala si Jane sa labas! Anu bang nangyari?"

Biglang nataranta si Kuya! At tumakbo palabas. Sinisigaw ang pangalan ni Jane.Lagot tong si Kuya kay Mommy!. Si Jane kasi ang bunso.

Andrew's POV

Habang nagdadrive ako may napansin akong babaeng naka pink na dress.Wow!! Kilala ko to! Si Jane, Tengene! Bakit umiiyak to? Dahil ba sa ginawa ko?. Pagtripan ko nga ulit. Hahahaha. Pinarada ko tong sasakyan ko sa gilid. Medyo maliwanag pa naman kaya kitang kita ko siya. Hindi niya nahalata dahil masyado siyang nadadala sa emosyon niya.Bumaba ako at pumunta sa likod niya.

"Miss,wag kang gagalaw isasaksak ko sayo to."Hahaha Cellphone ko ang ginamit ko na parang kutsilyo.Hindi siya nagsasalita at parang nanigas dahil sa kagagawan ko.

"Kuya, Please wag. Wala akong dalang pera."

Nakakatawa tong babaeng to.Bigla siyang tumingin sa akin. Halatang nagulat siya at sinuntok ako sa mukha? Sa gwapo kong to? siya lang ang babaeng nakagawa nito sa akin. At may gusto pa siya sa akin. Wow! Assuming na talaga tong kagwapuhan ko, noon pala.

"Alam mo Drew! kung wala kang magawa, pwede bang magpakamatay ka nalang? "

Nagulat ako sa inasta niya. Bigla siyang tumakbo ng mabilis. Hahahahahaha. Kabayo pala siya?

Jane's POV

Tinawagan ko si Kelly at hindi ako matutuloy sa pagpunta ko sa kanya.Dumiretso nalang ako sa bahay at nakita ko si Kuya Justine na nakasimangot. Pumunta ako sa kanya at niyakap siya, Kapatid ko naman eeh.

"Jane, Hindi mo ako madadaan dyan sa pagyakap mo."

"Kuya Sorry!"

"Pumasok ka na sa loob at kakain na"

Alam kong papagalitan nila akong apat ngayon kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko protective kasi sila eeh. Kaysa naman yung nagpapanggap na Holdapper? Sampal gusto niya? Badtrip!.

Pumunta muna ako sa kwarto. At nag ritual ng bonggang bongga. As if naman gusto kong kumain ng mabaho ang aking body!. Yuck! para sa akin pambabastos na yun sa pagkain.Parang ayaw ko tuloy bumaba, dahil sa mga kuya ko.Alam kong sesermonan nanaman ako ng mga gagong yun!.Alam kong nagagalit sila sa akin sa kagagahan ko.Bumaba na ako at ng tignan ko sila sa hapag-kainan,Aba! kumpleto sila!.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil lahat sila ay tahimik lamang,At halatang ako nalang ang hinihintay nila.Makikita mo sa mukha nila ang pinaka naiinis yun ay si Kuya Justine,Wala eeh panganay!. Tatalikod na sana ako ngunit..

"JANE! Pumunta kana dito at kumain, kanina ka pa namin hinihintay dito." Kuya James.

Oh My! Si Kuya James na ang nagsalita! Tatakot ako sa aura na nakapalibot sa kanilang apat.Dumiretso na ako sa kanila at umupo sa upuan ko.Walang kumikibo kaya ako nalang ang nagsalita.

"Ehem,Mga kuya kain na po."

Kaysa naman hayaan kong lamigin tong pagkain? ang sarap pa naman.Nagsimula na akong kumuha ng ulam at kanin.Sumunod sila,nabibingi ako sa katahimikan,Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor lamang ang naririnig ko.

"Jane,Maghugas ka ng mga pinggan mamaya! Walang aarte, madami ka pang kasalanan sa amin,Tandaan mo yan" Kuya Joshua

Naiinis na talaga ako inaasta nila!.Pero kailangan ko talaga silang sundin,Kasi kuya ko sila.Pagkatapos kumain,inayos ko na ang pinag kainan namin at dumiretso sa kusina. Naghuhugas ako ng piggan ng biglang nagsalita si Aling Fe.Si Aling Fe na ang nag alaga sa amin simula noong sanggol palang ang mga kuya ko at ako.Mayroon siyang pamilya,ngunit asa probinsya ang mga ito.Hindi naman siya nagkukulang sa kanyang pamilya dahil every month pwede siyang magbakasyon.

"Iha,Ako na dyan."

"Aling Fe, ako nalang po,magpahinga na po kayo."

"Oh sige,Pero pagkatapos mo dyan, dumiretso ka sa Study Room niyong magkakapatid"

Sa study room,doon kami pumupunta tuwing may pag-uusapan,tuturuan ako ng mga kuya ko sa mga subjects ko na hindi ko naiintindihan.Tapos na ako sa paghuhugas,Dumiretso na ako sa study room.Una, natatakot ako, pero kailangan kong magtungo roon dahil baka madadagdagan nanaman ang kasalanan ko.Kumatok muna ako.

"Tok!Tok!"

Nilakasan ko,baka hindi nila marinig.

"Pasok!"Sigaw ni Kuya Jed.

Pansin ko lang,nakakatakot talaga sila!Hindi to maganda!.Umupo na ako at tinignan sila.

"Jane,simula bukas kami na ang maghahatid sayo sa school niyo!"Kuya Justine

"Tutal, malapit rin naman ang opisina namin sa iyo" Kuya Jed

Wala pang tigil ang pagsasalita,Hindi manlang ako pinagsalita.Aba!Demanding tong mga to!Diyos ko po! anu ng mangyayari sa buhay ko?

"At walang tatakas,dahil hindi mo magugustuhan ang parusa mo"Kuya James

"At kami rin ang susundo sayo."Kuya Joshua

Anu pa bang magagawa ko? alangan naman kokontra ako?.Malapit lang naman ang company namin sa school ko!.Maiinis talaga ako!.

"Opo,Hindi ako aangal!"

"Magaling!"

Aba't sabay silang nagsalita?

"Wala na po ba kayong ibibilin?"

"Wala na,Makakaalis ka na.Maaga pa tayo bukas"Kuya Jed

Ay Naku!.Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga.Napagod ako sa paghugas ng pinggan. Kinuha ko ng ang phone ko, para i-set ang alarm ko.Pero napansin kong may messages si Kelly

From Bff Kelly <3:Best absent ako bukas,Im not feeling well.Oh yung mga bilin ko sayo :-).

No! It Can't Be!. Nakakaasar sinong kasabay ko?. Hindi pa naman ako sanay na wala si Best!.

Kinabukasan..........

"Tik Tok! Tik Tok! Tik Tok!"

Ang aga! Tinignan ko ang phone ko at pinatay na ang alarm ko.Naghilamos at nag sipilyo muna ako.Pagkatapos,dumiretso na ako sa baba.Nakita ko sila Kuya na nagluluto,naglilinis at iba pang gawaing bahay.Sila kuya,hindi na nila gaanong pinapatrabaho sa mga gawaing bahay,dahil may edad na ito.Dumiretso ako sa salas at nanood ng SpongeBob.Umupo si Kuya James sa tabi ko.

"Ano?Natuto ka na? Pag sinabi kasing may paguusapan, wag kang aalis okay?"

Nginitian ko lang si Kuya at niyakap ito.Hay! buti nalang at may mga kapatid akong tulad nila.Gumaan na rin sa ang pakiramdam ko.5:00 AM na, naghanda na sila kuya ng makakain.Umupo na ako at sinimulan ang paglamon.Ang sarap! nagugutom na rin kasi ako!.Pero masarap talaga magluto sila kuya.Pagkatapos kong kumain,Sinabi nila na maligo na raw ako .Dahil matagal akong maligo at magbihis.Tumakbo ako sa kwarto at ng Morning Rituals!.

After 40 mins.

Ang sarap talagang maligo,Fresh na ako. Im so Beautiful! Taas ng Self-Confidence ko!.Pumili na ako ng Damit ko, at napili ko ang white dress ko. Hihi! Mahilig po ako sa Dress.Bun ang hairtsyle ko ang mga white wedge ko .Mukha akong anghel sa kulay ng Damit ko.6:00 AM ako natapos :-). Baba na nga ako.

----------

Sensya po kung Lame :-(.

Bawi ako next time. :-)

My One And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon