Chapter 13

33 6 6
                                    

Jane's POV

Naiinis ako masyado kasi akong nag-assume. Ang akala ko ikikiss niya ako! Yun pala bubulungan niya lang ako? Kaasar! Disaster!! Hmmp ! Badtrip!

Tapos umalis at yung binulong niya! Mag handa raw ako bukas! Ano nanamang plano niya?

Natapos na ang party at may pag-uusapan daw kami ngayon.At umalis na lahat ng bisita. Dahil hindi raw kami naka abot sa party. Si Daddy nagagalit, kasi hindi raw kami naka abot. Pero kalma lang kami ni Kuya dahil sa ibabalita namin sa kanya. Tempyo lang ang kailangan namin para sabihin to kay Daddy.

"Ano bang ginawa niyong magkapatid ang hindi kayo nakahabol?!"Daddy

Nakakatakot si Daddy. Ay oo nga pala ni hindi ko pa naisip kung tungkol saan yung party. Ang alam ko lang tungkol sa mga kapatid ko ang party. Buti nalang at si Mom ang nagpapakalma sa kanya. Paano ba naman kasi, walang pakialam yung mga kuya ko. Halatang nagtatampo.

"Dad,may importante lang silang ginawa. Kumalma ka. Masama yan sayo,"Mom

Ngunit walang pakialam si Dad.

"Ano? Importante?! Anong importanteng bagay yan?! Para umalis kayo!?"Dad

"Dad,Sorry"Kuya Joshua

3rd Person's POV

3 lalakeng magkakapatid ay naaawa sa dalawang kapatid na sinisigawan ng kanilang Daddy. Labis na kalungkutan ang mababakas sa mukha ni Jane. At parang naiiyak na ito sa sobrang takot sa Daddy nila

"Sorry? Joshua?! Alam mo naman siguro ang mangyayari ngayon at umalis kayo?!"Daddy

Hindi nila alam ay nagising ang anak ni Joshua. Dahil sa sigaw ng kanilang Daddy.Bumaba ang mga ito at nagulat ang 3 lalake dahil sa anak ni Joshua

"Dad, hindi ko naman talaga sinasadya"Josh

Nagulat nalamang sila dahil kinuwelyuhan ng Daddy nila si Joshua.

Habang sa garden nila may nakaupo na nag-iisip na kung ano ang nangyayari sa loob.

Jane's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Daddy kay Kuya at ang ikinagulat niya ang pagtakbok ng pamangkin nila sa kanila

"Daddy Joshua!!!"Triplets

Nagulat ang Daddy dahil sa sigaw nila. At binitawan niya ito at tinitigan ni Daddy ang mga ito.

"Jane, gumawa ka ng paraan"Mommy

Kinakabahan ako sa mga mangyayari at magiging reaksyon nila Daddy.

"Mommy, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Natatakot ako."Ako

Nilapitan ni Daddy sila Clark,Crey,at Catherine. At pinagmamasdan niya ang mga ito.Oh my gosh. Lumapit ako kay Dad.

"Dad. Please sila yung sinasabi namin"Ako

Tinignan lang ako ni Dad

"Kaninong mga anak sila Jane?"Dad

Tinignan ko si Kuya Joshua . Para magsimulang mag kwento kay Dad.

"Dad, please kumalma muna kayo"Ako

Tinignan ako ni Dad at umupo na lamang para makapa relax.Sinabi ko ang tungkol sa mga bata at masyadong na disappoint si Dad sa kanya lalo na't matagal niya na pala itong tinatago at pinoproblema. At buti nalang nakapag tapos na raw si Kuya.

"Joshua, sana naman naisip mo to. Pero wala na andito na . May mga apo na ako, at andaming surpresa ang sinasabi niyo sa akin"Dad

Kailangan ko na rin mag salita tungkol sa pag galit ni Dad. Kung bakit hindi kami nakaabot sa party.

My One And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon