"Gising na.. Gising na."
Nagising ako sa bulong na 'yan at sa paghaplos sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at pagkamulat ko pa lang ay si mukha ni Lennon ang nakita ko. Ngumiti siya at ngumiti rin ako. Nang mapansin kong nagsisibabaan na ang mga kasama namin dito sa bus, umayos ako ng upo at dumungaw sa bintana.
Pasikat na ang araw. Nasaan na kami? Nasa Pangasinan na kami? Nakarating na kami?
Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Nasa Pangasinan na tayo?"
"Tarlac pa lang, pero malapit na." Sagot niya at ni-zip ang jacket ko. "Let's go outside, 20 minute-stopover 'to, Beb. Breakfast muna tayo." Sabi niya kaya tumango na ako.
Bumaba na rin kami para magpunta sa kung saan man mayroong pwedeng pagkainan ang place na 'to. We end up eating here sa cafe. Coffee and cakes lang ang breakfast naming dalawa, hindi naman kami parehong gutom. At okay 'to, hindi masyadong mabigat sa tiyan. Baka kasi magkaproblema pa kami sa byahe, 'di ba?
"Ahm, Lennon, can I ask you?" Tanong ko kaya napatigil siya sa pag-inom ng kape at napatingin sa'kin.
"Don't ask me like that. Parang hindi mo 'ko boyfriend. Kung magtatanong ka, tanong na agad." Sabi niya.
Napakamot ako sa ulo ko. "Eh, baka kasi magalit ka. Ayaw kong nagagalit ka eh." Sabi ko naman at natawa siya.
'Di ba? Kaya naisip ko, kailangan ko muna ng intro na ganito. Tatanungin kung pwede siyang tanungin. 'Yung para bang curious lang ako. Baka kasi magalit siya kung diniretso ko agad 'yong tanong o 'yong gusto kong sabihin.
Kinuha niya 'yong kamay ko. "Too cute. Pero sorry, sorry kung nagagalit na pala ako nang hindi ko alam. Madali lang talaga uminit 'yong ulo ko, lalo na kapag hindi nasusunod 'yong gusto ko. Kaya, Love, sorry kung nasigawan kita at may nasabi akong hindi maganda sa'yo kanina. I'm very sorry.." Sabi niya at tumango ako.
Naiintindihan ko naman siya eh. At aminado naman ako na madali talaga siyang magalit at mainis. Napaka-bipolar.
Pero wait lang! Tinawag niya akong Love! First time niyang itawag sa akin. Kinikilig ako!
"Ano na 'yong itatanong mo?" Pagtanong niya na. Pinakiramdaman ko naman 'yong tono niya at 'yong mukha niya, mukhang good mood na. At hindi naman siya maiinis or magagalit siguro sa itatanong ko dahil curious lang talaga ako.
"Saan pala tayo titira? May kakilala ka.. roon?" Dahan-dahan kong tanong pero mukhang wala namang mali sa tanong ko.
"Wala akong kakilala roon. Wala, safe dahil wala.. Maghahanap na lang tayo ng apartment na rerentahan at doon tayo magsisimula." Sagot niya.
Ah, okay. Akala ko kasi, may kakilala siya. Pero tama naman siya, mas safe dahil wala. Dahil kung mayroon man, baka isumbong pa kami at.. husgahan kami.
"Ahm, Bebecoh, paano naman 'yong pamumuhay natin doon?" Tanong ko pa at tumaas na 'yong kilay niya. "Opp, huwag kang magagalit! Nagtatanong lang ako ah." Inunahan ko na siya.
Natawa siya. "Bakit? Magagalit ba ako?"
"Ewan, eh, pagalit ka na eh." Nguso ko
"Alam mo, sa totoo lang, hindi naman ako magagalit na nagtatanong ka nang ganyan. Alam ko naman na mako-curious ka. And the answer is maghahanap ako ng trabaho para may pangbuhay tayo, okay? Para may pang-kain, pambili ng kung ano-ano at pang-anak kung sakaling mabuntis ka na."
YOU ARE READING
A Night To Fall
General FictionIt is kind of romantic, but a little bit funny that Natalia thought she could experience love through books and novels, not until someone made her feel the love she's always been dreaming of. He made her feel that love, and she fell. But, is it wort...