Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang ng pagbukas niya ng shower, agad na akong bumangon para makagawa na ulit ng paraan para makatakas. And this time, sinisigurado ko nang makakaalis na ako. Makakatakas na ako, makakalayo na ako sa kanya.
Kanina pa ako gising sa totoo lang, at pati rin siya. Hinahalik-halikan niya pa nga ako sa ilong at ramdam kong pinapanood akong natutulog habang nagpapanggap akong malalim pa ang tulog. At ngayon, ito na ang pagkakataon kong bumangon dahil nasa banyo siya ngayon. Hinintay ko lang ang tyempo na 'to para tumakas na.
Hindi ko na hahayaan pang ikulong niya ako rito kasama siya. Hindi ko na hahayaan na gawin niya 'to sa'kin. At hindi ko hahayaan na ilayo niya ako, na lumayo kaming dalawa! Hindi, hindi ako papayag. Hindi ko na kakayanin na makasama pa siya!
Sorry pero hindi ko na magagawa ang plano ko na kumbinsihin siyang sumuko na lang at pumayag sa gustong mangyari nina Mommy. Hindi ko kaya dahil kilala ko si Lennon, matigas siyang tao, hindi siya pumapayag kapag hindi niya gusto ang ipinipilit sa kanya. Dahil bukod sa ugali niya iyon, mali na ang nangyayari sa kanya..
Good thing na 'di ako nakaposas ngayon, pero ang problema ko pa rin ay 'yong main door. Napatayo na ako at nagpunta sa maliit na drawer na katabi ng kama at binuksan. Nagbabakasakaling nandito ang phone ko, ang susi or anything na magamit ko, pero wala, it's empty! Nagpunta ulit ako sa kama at tinaas-taas ang mga unan at kumot sa pagbabakasakaling nandito 'yong susi ng pinto pero wala pa rin.
Kinagat ko ang mga daliri ko, thinking what to do. Pabalik-balik na ako sa paglalakad, at pabalik-balik ang tingin ko sa gawi ng banyo para i-check kung tapos na ba siya. Shit, I have to get out of here! Bago pa siya matapos sa pagligo at makalabas! Dahil kapag nakita niya akong nagbabalak tumakas, baka mas higpitan niya ako. Baka iposas niya ako ulit!
Napunta ang tingin ko sa sofa nang makita ko kung nasaan ang mga suot ko kahapon na hinubad ko. Agad akong lumapit para kunin ang mga ito, pero napatigil ako nang makita ko naman ang isa pang pants na nakatabi. At tsaka ko napansin na pants ni Lennon. Agad kong kinuha at bago ko pa halungkatin ang mga bulsa, nagdasal muna ako na sana.. sana nandito 'yong susi. Nakapikit ako habang hinahalungkat ang bawat bulsa niya at halos sumigaw ako sa tuwa dahil hawak ko na ang susi! Ang susi ng main door.
Napangiti ako at tutungo na sana sa pinto nang mapansin ko ang suot ko. Agad kong hinubad ang suot kong boxers para isuot ulit ang pants ko. Huhubarin ko na rin sana ang polo ni Lennon na suot ko nang halos manigas ako nang marinig kong tumigil na ang pagdaloy ng shower. Napalunok ako kaya hindi ko na itinuloy. Agad kong kinuha ang sandals ko, Hindi ko na inabalang suotin pa at binitbit ko na lang.
Agad na akong tumakbo papunta sa pinto palabas dahil mukhang tapos na nga siya sa pagligo. Kailangan ko na talagang makalabas bago niya ako madatnan pero napasigaw ako nang matabig ko ang vase, buti hindi nabasag dahil carpeted ang floor pero 'yong sigaw ko, walang enhancement dahil mukhang narinig niya.
"Natalia?" Tawag niya kaya agad na akong tumakbo sa pinto at binuksan, at paglingon ko ulit sa gawi ng kwarto ay saktong lumabas siya at nang makita niya ako, nagmamadali siyang lumapit sa'kin pero hinagis ko ang susi sa kanya at lumabas na.
Hindi niya naman ako hahabulin nang tuwalya lang ang nakabalot sa kanya, 'no? Now, I'm free. Pero kailangan kong bilisan ang takbo ko para hindi niya ako maabutan kung sa sakali. Nagpunta na ako sa elevator at sumakay at nanigas ako nang marinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko. Nanginginig akong minamadali ang pagsarado ng elevator at halos takasan ako ng kaluluwa nang sumulpot siya sa harapan ko pero mabuti dahil hindi na siya nakapasok.
Nakadamit na siya, puting shirt at cargo shorts. Ang bilis niya naman!
Nanginginig na ako.. Kinakabahan na ako. Dahil I'm sure, downstairs na ang gamit niya para maabutan ako. Nagdadalawang-isip ako na bumaba dahil posibleng maunahan niya ako, parang iniisip ko pa na paglaruan siya, sa ibang floor ako magpunta at hindi sa ground floor para magtago muna. Pero hindi, kailangan ko nang makauwi!
YOU ARE READING
A Night To Fall
General FictionIt is kind of romantic, but a little bit funny that Natalia thought she could experience love through books and novels, not until someone made her feel the love she's always been dreaming of. He made her feel that love, and she fell. But, is it wort...