"Sir, kakain na po."
Unti-unting nagising ang lalaki mula sa pagkakatulog. Na tila ba kahit mahina lang iyon ay awtomatikong ginising ang diwa niya upang imulat ang mga mata at bumangon na mula sa kama.
Hindi sumagot ang lalaking ang suot ay puting kamiseta at purontong, at katulad ng naghahabang buhok at balbas ay ang buhay niyang magulo at miserable. Walang sayang makikita sa mga mata at walang siglang nasisilayan sa mga labi. Miserable nga kung ilarawan, pero para sa kanya ay ayun naman talaga.
Hindi siya nagsalita, at parang alagang hayop na sumama sa nagtawag sa kanya patungo sa hapag-kainan na hindi lang siya ang tao, may mga kasama siya. Pero kahit ilan pa ang mga kasama niya ay hinding-hindi maaalis ang pangungulilang nararamdaman niya sa panahong hindi niya alam kung gaano katagal na pero gusto niya nang makamtan ang katapusan.
Habang kumakain siya, kumpara sa kanya, ang mga kasama niya ay tulad niyang tahimik sa una subalit nagwawala pagkatapos ng ilang sandali. Nagsasalita at nagwawala bigla na para bang may kaaway. Pero wala naman, wala maliban sa mga sarili nila.
Natapos siya sa pagkain nang wala ni isang salitang lumalabas sa kanyang bibig kundi pagbuka at pagsarado, ni kahit kaisipan ay walang lumulutang sa kanyang isipan. Tulala lamang siya at blangko ang isipan, kaunti na lang ay mapagkamalan siyang bulag dahil sa walang pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid na pinipigilan sa kanyang harapan ang isang lalaking nagwawala ng mga armadong lalaki.
Tumayo na siya at umalis, at nagpunta sa paborito niyang pwesto sa kinaroroonan niya, na kung saan ay tanaw niya ang labas, ang mga kasama niyang nasa ibaba, at ang pinakapaborito niyang tignan sa tuwing gabi, ang kalawakan.
Napapikit siya nang humaplos sa kanyang katawan ang hangin mula sa labas, na tila pa pagyakap ang sumalubong sa kanya. Na para bang isang tao ang gumagawa 'yon sa kanya, ang hagkan siya at bumubulong ng mga salitang mahal kita. Pero wala dahil pagmulat niya, wala naman ang inaasahan niya, wala kundi ang sarili niyang matagal nang nag-iisa..
At heto na naman siya, muling itutuon ang buong araw at gabi sa kapapanood sa mga kasama niyang tanaw niya mula dito na kasama ang mga kani-kanilang pamilya at masayang nagsasalo-salo sa pagkain. Kailan ba nangyari ito sa kanya? At kung mangyari naman ay wala siyang pakialam dahil hindi niya gusto ang mga taong kinukumusta siya at nagkakaroon ng malasakit sa kanya.
"Anak.."
Isa na namang boses na mula sa taong hindi na siya magtatakang naririto muli ngayon sa harapan niya. Hindi na siya lumingon, tulad ginagawa niya, hindi niya na ito inalintana hanggang sa magsawa itong kausapin siya, kumustahin siya, at kung ano-ano pa ang sabihin sa kanya. Nanatili lamang ang buong atensyon niya sa labas at doon ibinaling ang sarili para hindi maintindihan ang kahit anong salita na sasabihin ng kasama niya ngayon.
"Kumusta ka na, anak? Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw, ha?" Katagang hindi siya nagkamaling tatanungin ito sa kanya.
Hindi pa rin siya nagsalita. Sa totoo lang, nawawala siya ng pakialam para sagutin ito on kahit lingunin man lang.
Rinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang kaharap at muling nagsalita.
"Alam mo ba, silver medallist si Jasper sa taekwondo? Nakipag-contest lang siya this month.. Noon, laging duda sa sarili 'yong kapatid mong 'yon.. Ang pang-asar pa nga ni Evan, duwag." Natawa ito. "Pero tignan mo, nakaka-proud 'yong kapatid mo.. Naiyak nga ako noong in-announce na siya 'yong panalo.. At what makes us more exciting is lalaban siya sa Singapore next year, anak.."
Saad ng kanyang ina na ramdam sa boses ang galak na nararamdaman pero siya, wala.
"At si Evan naman, ayun, makulit pa rin. Pero marunong na siyang lumangoy ngayon, nag-aral siya and now, part na ng sport sa swimming ang kapatid mong 'yon sa school nila. Plano yatang maging gold medallist sa swimming competition na sasamahan niya next month, inaasar si Jasper."
YOU ARE READING
A Night To Fall
General FictionIt is kind of romantic, but a little bit funny that Natalia thought she could experience love through books and novels, not until someone made her feel the love she's always been dreaming of. He made her feel that love, and she fell. But, is it wort...