(COMPLETED ON DREAME)
A/N : CallmeAnggeBigong bumalik ng Womanland si Prinsesa Roisa na hindi na nakita si Stella at ang tatlong kambal. Kaya naman puno ng galit ang prinsesa na bumalik siya sa kinaroroonan ng kapatid na si Prinsesa Rebeka.
Matalim ang mga mata na tinitigan niya ang kapatid na walang imik na tila wala na sa sarili nito habang nakasalampak sa maruming lupa nasa kandungan pa rin nito ang wala ng buhay na si Hermes.
Ni hindi man lang kumurap si Prinsesa Rebeka ng hablutin niya ito.
"Sige lang,mahal kong kapatid. Mawala ka sa katinuan ngayon dahil pabor sakin yun!" angil niya rito.
Nanatiling walang reaksyon ang Prinsesa. Napangisi siya. Kahit papaano nabawasan ang galit niya sa pagkabigo niya na mahuli si Stella.
"Nalulungkot ako para sayo,mahal kong kapatid,"mapakla niyang saad.
" Mahal na Prinsesa,ang Reyna!"
Agad na nagpakita ng awa ang anyo ni Prinsesa Roisa nang humahangos na lumapit ang kanilang ina sa kanila.
"Anong nangyari?!" gilalas ng Reyna ng makita nito si Hermes na walang buhay.
Malungkot na umiling si Prinsesa Roisa sa ina at kasabay ng pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.
"Ipagpatawad mo,mahal kong ina..h-hindi ko naabutan ang nangyari huli na ang lahat para mailigtas ko si Hermes at..at a-ang mga bata,si Stella,"garagal na tugon ni Prinsesa Roisa sa ina na ngayon ay umiiyak na rin habang yakap-yakap si Prinsesa Rebeka.
BINABASA MO ANG
HALPERT TRILOGY : Aquer Halpert byCallmeAngge(INCompleted)
VampireAquer Halpert,the man of dangerous. Man,no,half Vampire! Nang madiskubre niya ang tunay na katauhan na isa pala siyang bampira iba sa mga nilalang na kumopkop sa kanya ay itinuring na niya ang sarili na isang halimaw. He's become a dangerous. Pumaso...