Walang ingay na huminto sa paghakbang si Fellie sa lugar kung saan siya naaksidente pitong taon na ang nakakalipas. Pitong taon na rin na tinuring siyang patay ng mga nakakakilala sa kanya..ng mga tagahanga niya at ng pamilya niya.
Mapait siyang napangiti. Sa isang iglap nagbago ang lahat dahil sa kinasangkutan niyang trahedya.
Tila agos ng dagat na dumaloy sa alaala niya ang mga nangyari bago siya naging isang mortal na tao. Isang bampira.
Hindi niya alam kung bakit siya pinarurusahan ng ganito. Wala siyang ibang ginawa kundi maging isang mabuting kaibigan,anak at mamayan. Nagtrabaho siya bilang isang modelo at nakilala siya sa loob at labas ng bansa dahil sa mabubuting gawain niya. Tumutulong siya sa mga mahihirap na tao. Ang mga kinikita niya doon niya nilalaan dahiL ayaw niyang may naghihirap dahil siya pinanganak siyang maalwan ang buhay pero bakit? Bakit kailangan may kapalit ang lahat?!
Nanlabo ang mga mata niya sa pamumuo ng mga luha niya habang nagmamaneho sa gitna ng daan na hindi niya alam kung saan patungo.
"You have a colon cancer,Miss Armster.." pagdeklara ng doktora ng magpacheck up niya dahil sa dalas ng pagkaramdam niya ng sakit.
Ang pilit na pinipigilan niyang pagluha ay hindi na niya napigilan pa. Tuluyan na siyang napahagulhol.
Hindi niya matanggap na may malalang sakit siya. Na maaaring ikamatay niya sa huli!
Ayaw niya pang mamatay! Natatakot siyang mamatay!
Sa patuloy niyang pag-iyak bigla na lamang siya nawalan ng kontrol sa manobela. Huli na para maagapan niya ang pagbangga niya sa isang malaking puno.
Dama niya ang sagad hanggang butong sakit at hapdi sa buo niyang katawan sa lakas ng pagkakabangga niya.
Pero pinilit niyang makalabas ng sasakyan dahil nagsisimula na iyun magliyab. Manhid man ang mga binti niya pinilit niyang makaalis mula sa pagkakaipit niya roon. Bawat kilos niya napapaigik siya. Nahihirapan tuloy siyang makaalis sa pagkakaipit niya sa pagitan ng manobela at ng kinauupuan niya hanggang sa may bigla na lamang may humila sa kanya palabas doon.
Nanlalabo man sa dugo ang mga mata niya nakita niya ang isang babae na may mahabang buhok na kulay puti. Isa ba itong anghel na susundo sa kanya.
Pero ayaw pa niyang mamatay!
"T-tulong..." nanghihina niyang saad.
Ngumisi ang babae na may magandang mukha.
"A-ayaw k-ko pang m-mamatay.."
Hinaplos nito ang duguan niyang mukha. Natuon ang mga mata niya sa biglang pagbabago ng kulay ng mga mata nito. Naging pula iyun!
"Huwag kang mag-aalala,nilalang..mabubuhay ka pa rin gaya ng nais mo pero sa ngayon hayaan mo muna akong matikman ang mabango mong dugo.."
Huli na para matanto niya ang ibig nitong sabihin. Napaigik na lang siya ng maramdaman ang pagbaon ng kung ano sa leegan niya.
Napamulat ng mga mata si Fellie ng maalala ang trahedya iyun. Ang babaeng bampira na bumuhay sa kanya ngunit hindi na isang ordinaryong tao. Kundi isang bampira.
Naikuyom niya ang mga palad. Gusto niyang mabuhay at nangyari nga iyun pero hindi sa ganitong paraan. Mabubuhay nga siya ng matagal o ng walang hanggan pero..isang halimaw na katatakutan ng lahat!
Marahas siyang bumuga ng hangin at nagpasya ng lisanin ang lugar na iyun kung saan tinuring na siyang patay ng lahat!
Namumuhay siya na walang nakakakilala!
Natatakot siya sa sarili niya. Iyun ang totoo pero wala na siyang magagawa dahil kung hindi sa Roisa iyun patay na sana siya ngayon.
Mabilis na nawala siya sa kalagitnaan ng dilim. Kailangan na niyang manghunting ng hayop para sa gabing iyun.
BINABASA MO ANG
HALPERT TRILOGY : Aquer Halpert byCallmeAngge(INCompleted)
VampireAquer Halpert,the man of dangerous. Man,no,half Vampire! Nang madiskubre niya ang tunay na katauhan na isa pala siyang bampira iba sa mga nilalang na kumopkop sa kanya ay itinuring na niya ang sarili na isang halimaw. He's become a dangerous. Pumaso...