28. WAR I

1.5K 37 0
                                    

Aquina's POV

Ipinaliwanag na samin ni Andrea kung ano ang mga nangyare after the war at kung bakit hindi siya nawala noon. We're still digesting the words she just said. Hirap pa rin kaming paniwalaan at intindihin lahat ng mga sinasabi niya.

"Wala na talagang makakapagpabago ng isip mo?" Nagaalalang tanong ko. Napahinga naman ako ng malalim ng umiling siya.

"Kung gano'n wala na talaga kaming magagawa."

"Wala na. Gawin niyo na lamang ang iniuutos ko sa inyo." Malamig na ani Andrea at saka naglaho na.

"Tara na. Kailangan na na'ting gawin ang mga sinabi sa atin ni Andrea." Maingat na sabi ni Eartha kaya naman isa isa na kaming tumayo atsaka lumabas ng silid ni Flerra.

Tinipon namin ang mga estudyante at saka sila sinabihan na kailangan na nilang maghanda sapagkat hindi biro ang kahaharapin naming kalaban. Alam ko, tiyak ko ng malakas ang aming mga kalaban sapagkat sa babalang ibinigay pa lamang nila sa amin ay napakarami ng namatay!

Nilibot na'min ang bawat sulok ng academya at inilagay na'min ang mga pinapalagay ni Andrea. Maingat na'min itong inilalagay at siniguradong walang makakaalam no'n. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nilalagay ko ang mga iyon.

"Ngayon, ano pa ang kailangan na'ting gawin?" Dinig kong tanong no Airon ngunit umiling na lamang ako.

"Kung wala na, let's go." Malamig na ani Lance. Sumunod na lamang kami sakanya at hindi na nagsalita pa.

Papasok na sana kami sa aming silid ng may malakas na pagsabog na gumambala sa mga studyanteng tahimik na nagsasanay.

Huminga na lamang ako ng malalim at saka hinanda ang armas na aking gagamitin.

Pagkababa na'min ay narinig ko ang isang malakas na pagtawa. Ito na ba? Siya na ba? Siya na ba ang namumuno sa mga Greyzian?

"Hindi niyo ako makakaya! Mga paslit lamang kayo!" Malakas na sigaw nito sinabayan pa ng kanyang nakakabinging halakhak.

"Shut up. Wag puro daldal." Mahinahon na sabi ni Andrew at sinugod ang mga Greyzian.

Tumakbo na ako malayo sakanila atsaka nilabas ang pamaypay na aking gagamitin. Inikot ko ang aking pamaypay kasabay nito ay ang paglabas ng mga bala na siyang pumatay sa mga Greyzian na nakapalibot sa akin.

Nakita kong maging si Flerra ay pinapaikotan din. Hindi pa siya masyadong malakas dahil halos kalalabas lamang niya ng hospital, kaya tinulungan ko siyang mapatay ang mga kalaban niya at tinanguan siya.

Tiyak kong pupunta siya sa mga bombang nakapalibot sa buong unibersidad upang mapasbog ang mga ito ng isa isa.

Pinasabog na ni Flerra ang apat na bomba at maraming kalaban ang namatay. Halos kalahati na lamang sila.

Nababawasan nga sila ngunit madami pa din ang dumadating. Halos wala ng natitira pa sa amin. Bukod sa hindi namin ito lubos na napaghandaan ay hindi rin kinakaya ng aming stamina ang dami ng kalaban.

"Pasensya na at nahuli kami." Dinig ko ang malalim na boses ni Headmaster kasama ang mga hari at reyna. May dala dala din sila mga kawal na tiyak kong kahit madami ay hindi pa rin sasapat sapaglat lada may  mamamatay ay may madadagdag. Gaano ba karami ang mga Greyzians. Fvck!

"Headmaster, narito na rin kayo aalis muna po kami at magpapagamot lamang." Dinig kong sabi mi Andrew atsaka kami tinipon. Nang sama sama na kami ay kaagad niya kaming na- teleport papunta sa mga medics.

"Stamina lamang po ang aming kailangan, doc." Mahinahong ani Andrew atsaka umupo. Dahil sa sobrang kapaguran at sakit na aking nararamdaman ay hindi ko namalayang napaidlip ako at nagising na lamang ako noong tapos na kaming bigyan ng stamina.

Ramdam ko na ang lakas ko at wala na rin ang mga sugat ko na kanina lamang ay iniinda ko.

"Tara na. Kailangan pa nila ang ating tulong." Mabilis na sabi ni Earthy atsaka tumayo at patakbong lumabas.

Nang makarating kami do'n ay paubos na aming kalaban kaya naman ginamitan ko na ng aking kapangyarihan ang natitira.

Gumawa ako ng isang malaking alon at tinangay nito ang mga kalaban. Si Earthy at Eartha naman ay gumawa ng malaking tipak ng bato at dinaganan nito ang nawat madaanan. Habang ang magkapatid na sina Andre at Andrew ay tinipon ang mga sugatan at pinagaling ang mga ito. Ang magkapatid na may kapangyarihang appy ay  sinunog ang mga kalaban sa pamamagitan ng fireballs. Si Walter naman at si Airon ay nagtulungan. Gumawa ang kapatid ko ng waterballs at kinulong doon ang mga kalaban habang si Airon ay tinatanggalan ng hangin ang mga nakakulong sa waterballs.

Nang maubos na namin ang mga kalaban atsaka ako nanghihinang umupo. Ito ang dahilan kaya hindi namin dapat gamitin ng gamitin ang aming mga kapangyarihan. Bukod sa maari kaming maging pabigat kapag nanghina kami ay maari ring masipsip ng mga Power Eater na Greyzian ang mga kapangyarihang aming tinatapon sa kanila.

Chezza Academy: The PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon