Samantha's POV
Kinuha ni Ruffian ang patalim niya sa gilid ng kanyang pantalon.sakto naman ng may makita akong kahoy sa gilid ko.lumapit siya sa'min kaya dali dali kong kinuha yung kahoy tiyaka ipinalo sa kanya. Lalapit sana sa'min yung dalawa pero pinalo ko rin sila.
Inalalayan kong tumakbo si Maureen,tumakbo kami ng mabilis at pagkalipas ng ilang minuto,may napansin ako......
"Nas'an na tayo?"tanong ko habang tumitingin sa paligid.
"Ahm...nasa gubat?"
"Ano ba Maureen,hindi yun!...mukang hindi ito yung daan.naliligaw tayo Mau"
"Wala na tayong panahon para hanapin yung daan!Tara na Sam!baka malapit na sila!"sabi niya.tumakbo kami ulit.
*BANG*
"Aray!"sigaw ko at natumba kami ni Maureen.
"Bakit?okay ka lang Sam?"nagaalalang tanong ni Mau.
"Mau!natamaan yung hita ko ng baril!"sabi ko habang hawak hawak ang natamaan.
"Ano?!halika Sam,kailangan na talaga nating umalis"sabi niya at inalalayan akong tumayo.
"Hindi kayo makakatakas!!!"
Rinig naming sabi nila.pero hindi namin pinansin iyun at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
Habang nasa kalagitnaan kami sa pagtakbo,nakaramdam ako ng panghihina.
"Mau saglit.h-hindi ko na kaya"sabi ko at dahan dahan umupo.
"Ano?!p-pero kailangan na nating makaalis dito"natatarantang sabi niya.
"Mau,iwan mo na ako dito"sabi ko at napasandal sa malaking bato.
"Hindi kita iiwan dito!Sam naman eh!"sabi niya at lumuhod para magkasingpantay na kami. Hinawakan niya ako sa balikat tiyaka ngumiti.
"Makakaalis tayo dito Sam.tiwala lang!"sabi niya at dahan dahan akong itinayo.
"Punta tayo dun sa malaking puno na yun.alam kong nanghihina ka dahil sa sugat mo"sabi ni Mau at dinala ako sa malaking puno at dun pinaupo."God!Ang sakit!"daing ko dahil sobrang sakit na talaga yung hita ko.
"Meron ka bang panyo diyan Sam?"tanong sakin ni Mau,tumango na lang ako,tiyaka kinuha yung panyo sa bulsa ng palda ko.
Kinuha rin ni Mau yung panyo niya,ipinagtali ni Mau yung panyo ko tiyaka panyo niya.Dahan dahan niya inilagay ito sa hita kong kanina pa dumadaloy ang dugo,tiyaka tinali."Ayan.para hindi na masyadong du-dugo"sabi niya at nginitian ako.
"Wow,ang sweet niyo naman!"nagulat kami ni Mau nang may magsalita,nakita namin yung isang lalake na nakatingin sa'min.
"Sam!tara na!"
"No!umalis ka na Mau!pabayaan mo na'ko dito!"
"Hindi kita iiwan!sasama ka sa'kin"sabi niya at pilit akong hinihila pero pilit ko parin siyang tinutulak.
"Mau,parang awa mo na,iwan mo na ako dito!"sabi ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko...
"Sam-----"
"Maureen sige na!malapit na siya Mau.Umalis ka na!"
Dahan dahan siyang tumakbo,pero nakatingin parin siya sa'kin habang umiiyak.nginitian ko na lang siya."Mahal na mahal kita Mau!hinding hindi ko makakalimutan ang mga pinagsamahan nating dalawa!"
"Mahal na mahal din kita Sam!pangako,tatawag ako ng tulong at ililigtas kita"sabi niya at tumakbo na nang mabilis.wala na akong nagawa kundi ang umiyak.
**************************
Hala!ano na kayang mangyayari kay Samantha?makakaligtas pa ba siya?
Abangan!
YOU ARE READING
The Killer (Gabru) 'Continue'
ActionSamantha Guevarra,isang bagohang estudyante sa sikat na eskwelahan na siyang tutuklas sa lahat ng sikreto na nababalot sa kanilang eskwelahan.