PART 20

53 4 0
                                    

Samantha's POV

     Kanina pa lang kami naglalakad ni Maureen at medyo magga-gabi narin.layo kaya ng bahay namin.hahaha!

"Oh Sam,nandun na yung bahay niyo oh!"sabi ni Maureen.

"Aay oo nga.Tara ipahatid na kita sa driver namin"

"Wag na Sam.sige mauna na ako ah?"sabi niya at kumaway.

"Sige.bye ingat ka"sabi ko at pumasok na sa loob.

Maureen's POV

   Habang naglalakad ako pauwi,may nararamdaman akong tila may sumusunod sa'kin.isinawalang bahala ko na lang yun at pinagpatuloy ang paglalakad. May nakita akong babae na nasa gitna nang daan.sino toh?

"Hi Maureen"sabi niya.hindi ko makita ang mukha niya dahil nakamaskara siya ng itim.

"Sino ka?"

"Ako si C.ang itinakdang papatay sayo."sabi niya at may inilabas na kutsilyo.

"Hoy C!ako ang itinakdang papatay sa kanya"sabi naman nung lalake mula sa likod ko na may hawak na malaking kahoy.nanginginig na ako sa kaba at takot.

"Tumahimik kayo!"sabi nung lalaking kakadating lang."Hi Maureen.handa ka na bang makita si kamatayan?"

"A-anong kailangan niyo sa'kin?"tanong ko.

"Wala naman.pero si kamatayan may kailangan...at ikaw yun.C at CB.kunin niyo na yan"sabi niya.lumapit sa'kin yung dalawa kaya napapaatras ako.

"Ano ba kasing kailangan niyo?TULONG!!!TULONG!!!"

Samantha's POV

     Pagkapasok ko sa kwarto ko,agad kong nilagay ang bag ko sa maliit kong mesa.
T-teka.nakalimutan ni Maureen yung libro niya sa'kin,kailangan pa naman niya ito para bukas.

   Agad akong lumabas ng bahay,sigurado akong di pa nakakalayo yun. Tumakbo na ako para mas madali nang may marinig ako sumigaw.

"Aahh!!!tama na!!!tulong" t-teka!boses ni Maureen yun ah.

   Sinundan ko yung pinanggagalingan ng sigaw at napahinto ako dito sa maliit na abandonadong bahay.Nasa gitna ito ng gubat.nakakatakot naman.

"T-tama na parang awa niyo na!Tama na!!!" Kinakabahan akong sumilip sa maliit na butas at nakita ko si Maureen na nakatali sa upuan at pinapalo siya ng malaking kahoy.Sh*t!

Dahan dahan akong pumasok sa loob.nagtago muna ako dito sa madilim na parte para hindi nila ako makita.

"Ano ba kasing kailangan niyo sa'kin?!?!"

"Wala!ang gusto lang namin mamatay ka!!!"sabi nung lalake tiyaka hinampas sa balikat si Maureen.Alam kong nanghihina na si Maureen,duguan narin yung uniporme niya.

"Tama na muna yan Ruffian,inuman muna tayo sa labas"sabi nung lalaking matangkad.pumayag naman sila tiyaka sila lumabas.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago lumapit kay Maureen.

"Maureen!Don't worry nandito na ako"mahinang bulong ko sa kanya.

"Sam?ba't ka nandito?umalis ka na.masyadong mapanganib dito"nanghihinang sabi niya,habang ako naman tinatanggal ang pagkakatali niya.

"No.hindi kita iiwan dito.ililigtas kita"Sabi ko at mas binilisan pa ang pagtanggal nang tali

"Sam!parehas tayong mamamatay dito!umalis ka na please"

"Mau naman.kaibigan mo'ko at kaibigan kita,kaya kahit anong mangyari,hindi kita iiwan dito"sabi ko at tinulungan siyang tumayo.

"Salamat Sam."sabi niya,nginitian ko lang siya tiyaka kami  dahan dahang naglakad.

"Kaya mo pa maglakad?"tanong ko sa kanya.

"Oo.medyo masakit lang itong isang paa ko"

"Dahan dahan lang huh?"sabi ko tiyaka kami naglakad ulit.

Nakalabas na kami dito sa bahay na ito,at naglakad ng mabilis habang inaalalayan ko si Maureen.

"Sam!mukang nasusundan na nila tayo!"

"Ano?!"tanong ko at napatingin sa likod,nakita ko yung isang babae at isang lalake na tumatakbo papunta sa'min.

"Bilisan natin Sam!dun oh,sa maliking puno.dun muna tayo magtago habang malayo pa sila"sabi niya kaya dali dali kaming pumunta dun at nagtago.

"Sam.habang  may oras pa.umalis kana dito!iwan mo na ako!"bulong niya sa'kin

"Hindi.hindi kita iiwan dito.makakaligtas tayo dito.pangako"

"Kung makakaligtas pa kayo!"nagulat kami ng biglang may magsalita sa gilid namin,at nakita namin ang lalaking Ruffian ata ang pangalan.nakamaskara siya ng itim tulad ng dalawang kasama niya kaya hindi kita ang mukha.

"Hayaan mo na kaming makaalis dito!"sigaw ko sa kanya.sakto naman ang pagdating ng dalawa pa niyang kasama.pero tumawa lang siya.

"Hindi ako tanga!umalis kana dito Sam!"sabi niya.

"Kilala mo ako?"takang tanong ko.

"Oo.umalis ka na dito!"

"Ayoko!hindi ako aalis dito,gusto ko pag umalis ako kasama ko si Maureen"sabi ko.

"Mukang gusto na nilang mamatay Ruffian"sabi nung isang lalake...

"Kung ganun.handa na ba kayong mamatay.....





















Maureen Flores at Samantha Guevarra?"


**************************

Enjoy^__^

The Killer (Gabru) 'Continue'Where stories live. Discover now