PART 18

51 5 0
                                    

Samantha's POV

"Patay na si Albert"

"Oo nga eh.natagpuan siya sa stock room na naliligo na sa sariling dugo"

"Wala talagang puso yang killer na yan!"

   Yan agad ang mga salitang bumungad sa'kin pagkapasok ko ng classroom.

"Sam!naiwan mo tong I.D mo nung nagre-review tayo dun sa library.buti at bumalik ako kagabi dito sa school,at mabuti rin at pinapasok ka ng guard kahit walang I.D"sabi Maureen tiyaka lumapit sa'kin.

"Bumalik ka dito kagabi?alam mo naman na delikado diba?"

"Eh naiwan ko yung libro ko eh.tiyaka wala naman akong naramdaman na mali kagabi."sagot niya at umupo na sa upuan niya.

"Basta sa susunod wag ka nang pumunta dito sa school pag gabi na,lalo pa't wala kang kasama"sabi ko sa kanya.ngumiti siya sa'kin.

"Takot kang mamatay ako noh?"

"Hindi naman sa ganun pero...paano pa natin malalaman kung sino yung killer kung wala ka na diba? Wala na akong kasama"

"Hay naku Sam.hindi naman ako mamamatay eh."sabi niya at nginitian ako.

"Good morning Sam!"sabi ni Frances tiyaka umupo sa tabi ko.

"Good morning"sabi ko rin sa kanya.

"Good morning Sam"sabi ni Grayson ng nakangiti,inirapan ko lang siya.hindi ko siya bati ngayon,kinuha niya first and second kiss ko eh.

"Ouy!LQ?"Sabi naman ni Jacob,pinalo ko naman siya sa balikat.

"Anong LQ LQ yang sinasabi mo diyan?bakit kami ba?"tanong ko sa kanya

"Uhm...hindi pa pero malapit na.hahaha"

"Heh!sige tumawa ka pa"sabi ko at tumayo

"Sa'n ka pupunta Sam?"tanong sa'kin ni Frances

"Sa labas mgac-cr lang"sagot ko

"Samahan na kita"sabi naman ni Maureen

"Wag na.babalik din ako kaagad"sabi ko at umalis na.

    Pagkapasok ko sa banyo,agad akong pumasok sa cubicle na walang tao. Pagkatapos kong umihi binuksan ko na yung pintuan at aakmang lalabas na nang may marinig akong nagsalita.napatingin ako sa gilid at may nakita akong lalaki na nakaupo at black lahat ng suot.hindi ko makita yung mukha niya dahil nakamaskara siya nang kulay pula.

"S-sino ka?anong ginagawa mo dito?"kinakabahang tanong ko"Isa ka ba sa mga killer?"

"Hindi.nandito lang ako para warningan ka"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mag-ingat ka sa kanya"sabi niya

"Huh?sino?!"

"Hindi mo pa lang siya lubos na kakilala nagtiwala kana agad sa kanya"

"Sino ba kasi yung tinutukoy mo?!"sigaw ko sa kanya.

"Kilala mo kung sino yung tinutukoy ko"

"Isa ba siya sa mga kaibigan ko?"

"Tama.lagi mo siyang kasama sa classroom niyo"

"Sino ba kasi?!si Jacob?"

"Hindi"

"Si Frances?"

"Hindi"

"Sino?!si Grayson?"

"Hindi rin"

"Sino ba kasi?!si Maureen?"tumawa siya ng mahina.

"Hindi rin.hindi ko pwedeng sabihin.ikaw na mismo ang tumuklas......Samantha"tinanggal niya yung takip ng bintana at aakmang tatalon dun ng pigilan ko siya.

"Sandali!anong pangalan mo?"tanong ko

"Tawagin mo na lang akong Blood"sagot niya.

Teka....may naaalala ako. Blood...yan yung nakasulat sa leeg ni Grayson.Imposible kayang.......

"T-teka------"Tatanungin ko sana siya ng makita kong wala na siya.nasan na yun?






************************
Enjoy guys ^__^

Si Blood at si Grayson kaya ay iisa?

The Killer (Gabru) 'Continue'Where stories live. Discover now