Chapter II: Compound
•Chase
Ala una natapos ang aming salu-salo. Mas marami na din akong nakilala, karamihan sa kanila ay makukulit at makwela. Hindi mo rin maitatanggi na mga Casanova sila.
Malaki ang pinagdausan ng salu-salo. It's an open area na tanging bubong lang at mga haligi. Katulad ng mga pinagdadausan ng mga event o venue ng mga wedding. Kasama din namin ang mga nagtatrabaho sa lugar na ito. Puro sila babae, most of them are pretty and young, ang pinagtataka ko lang ay parang normal na sa mga kasamahan ko ang mga babaeng nakapalibot sa amin. Di man lang sila nati-triggered na gawin yung mga gawain nila dati.
Pinapasabay ako ni Caleb sa kanila para bumalik sa lugar namin pero sabi ko na may kailangan pa akong puntahan, tinanong ko sa kanila kung saan yung admin building, pagtapos ay pinauna ko na sila sa unit namin.
Naglakad ako patungo sa may admin building, Frank said that it was a two storey building painted in blue.
Nakita ko agad ang building, salamat kay Frank.
Bago ako makapasok ay may bunati sa akin, isang babaeng security guard.
Nang tuluyan akong makapasok ay nagulat ako sa magandang tanawin.
This building is a paradise. A utopia filled with an ideal perfection.
Puro babae ang mga nakikita ko. Kahit saang sulok ako tumingin.
It feels like my guardian angel lifting me up while singing "hallelujah"
I'm drowning on my own thoughtsss—
"Aray naman!" Somebody strike my nape.
Humarap ako sa likod. Nakita ko si Seline na nakapamewang.
"Amaze na amaze yang mukha mo ahh?" Sabi ni Seline. "Feeling mo heaven noh? Halika na, sumunod ka sakin."
Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. Magtataka ako kapag may lalaking makapagtiis at magtagal sa kanya.
"Ano sabi mo?" Tanong ko.
"Halika na, bilisan mo?" Pag-uulit niya.
"Halikan na? Aba, game na game ako dyan." Biro ko, sarap niya kasing asarin, She's one of the most violent person na nakilala ko.
"Magtigil ka, nakikita mo yang mga babaeng nagtatrabaho dito?" Sabay turo sa mga employees sa loob ng admin.
"What about them?"
"They are more likely defined as a psycho, 'pag may nakita silang lalaking tulad mo." She's grinning. Ang creepy ng ngiti niya.
Napalunok na lamang ako.
"Ang galing nga ni Mama, pinagbuklod niya sa iisang lugar yung mga tulad naming babae na maiinit ang dugo sa lalaki. Ingat ka pala sa mga katrabaho ko. They are all wild, literally."
Natandaan ko yung sinasabi niya sakin na si Mama, She's referring her boss, yung weirdong nagpagawa ng lugar na 'to. What a feministic act.
sumunod ako agad sa kanya. Tuluy-tuloy na siyang naglakad patungo sa isang kwarto.
"Umupo ka muna, may kukunin lang ako sa steel cabinet."
Umupo ako sa isang monobloc chair na nasa gilid.
The room is quite good and beautiful. It has a theme of spectrum. Mas okay pa 'to kumpara sa unit namin na patay ang kulay.
Bumalik na si Seline na may dala-dalang mga papel. Humarap siya sakin habang nakaharang ang papel sa mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/173247068-288-k448905.jpg)
BINABASA MO ANG
Casanova's Rehabilitation Center
Tiểu Thuyết ChungWelcome! To Casanova's Rehabilitation Center. Where you can start a new damn life. Chase is a well-known living gravity pulling every woman's attention. He had what most men dreams, good-looking body, beautiful face, fortune, and fame. Can he fini...