Chapter I (part 1)

4 0 0
                                    

Intro:
(Porque song playing.....)

As usual ano ba ang ginagawa kapag fresh ka pa from break up. Umiiyak ako natural. Gusto kong sirain ang mga bagay2x na nakikita ko sa paligid ko. Kaso naisip ko hindi to akin kasi nagrerent lang ako. Ano bang bago? Yung hindi pa nagagawa nung mga babae sa mga movie? Kasi pag uminom ako malalasing ako. Delikado yun. Hindi naman ako boba para magpakamatay. Kung makikipagkita ako sa friends ko magpaparty kami tatawanan lang ako ng mga gagang yun. Aalis? Magbabakasyon para makalimot. Eh wala nga akong pambayad ng renta. Ayoko ko na 😭😭😭😭😭😭😭!!!!(pasigaw)

"Hoy Maxine! Buksan mo nga pinto. Gusto kita makausap., " The land lady.

Speaking of renta. Alam kong sisingilin na niya ako. Mag aapat na buwan na akong hindi nakakabayad. So alam na this.

I opened the door. Nakayuko at tsaka sinuot ko yung sun glasses ko to hide my bursting eyes.

Fast forward...
Alam niyo na pinalayas na ako . Nandito ako ngayon sa gilid ng tindahan , hindi ko alam kung kanino to. Basta ang name ay "Sorry sorry store PS. Bawal utang kaya sorry"

My savior/brother/tropa/my father my only best friend is coming to pick me up . Natatakot na ako kasi maraming tambay ang nakangiti at pinapanood ako.

Pinapawisan na ako. Nanginginig at mas lalo akong natakot kasi dumidilim na. Hanggang sa may lumapit sa akin na bruskong lalaki. Bago siya lumapit tinapik niya ang likod ng mga kainuman niya.

Alam ko nasa isip nila. Tiningnan ko phone ko kunwariy may ka text ako.
At papalapit na siya. Lord maawa kayo. Wag po kuya 😥😭😭!!!!!! Biglang may bumulong sa tenga ko. Ang init ng hangin na lumalabas sa bibig niya at amoy na amoy ko ang baho ng iniinom nila.

"Miss butas ang pwetan mo. Kita panty mo.", Bulong ni kuya.

Hiyang hiyang hiyang na talaga ako. Lord kunin niyo na ako.

"Ssssalamat po kuya., " Sabay takip sa may pwetan ko gamit ang sling bag na dala2x ko. Waaaaah!!! Ayaw ko na.
Umalis na si kuya at bumalik sa kainuman niya. At that point. Hindi na nila ako tinitingnan. Salamat at dumating na si Lee.

Fast forward......

Nandito na ako sa bahay ni Lee. Siya pala ang best friend na tinutukoy ko. Alam niya lahat ng drama ko sa buhay. Malaki ang ambag niya sa buhay ko. Nagkaletse2x nga lang nung ipinakilala niya ako sa second cousin niyang si Creg. Ex ko pero not officially ex kasi hindi ko pa siya pormal na hiniwalayan.

Binato niya ako ng tuwalya.

"Ano ba Lee? , Aray ha?",binato ko pabalik sa kanya ang tuwalya.

"Masakit? Masakit pa kesa sa ginawa ni Creg?, Sabay taas niya ng kilay.

"Ano ba? Never mentioned that monkey! Wala akong kilalang Creg! Hmmmp. "

"Maligo ka na! Nangangamoy ka na ! Haha, "tinatakpan niya ilong niya.

"Ah ganun ha? , Nilapitan ko siya at niyakap. Kiniliti ko siya at tawa siya ng tawa. Ayaw niya ang kinikiliti siya. Parang ikamamatay niya yun.

"Max! Ano ba! Wahahahh! Stop. Max tama na haha. Wahahahh max! Puta haha haha haha!,sabay hawak niya sa dalawang kamay ko at kinaladkad niya ako papuntang banyo.

"Haah! Kala mo ha! Naligo ako agad pagkatapos ay kumain kami ng dinner.

"Pwede na ba nating pag usapan si CCC..", sabi ni Lee.

"Kasalanan mo eh, bakit mo ako ipinakilala sa kanya".

"Wow ha? Sinabi kong sagutin mo? Makipagdate ka? , Ginusto mo yun!"

"Joke lang . Wag Kang strong. Siguro this is my fate 😥. Ang masaktan . Alam mo mabait ako sa kanya. Never ako naging possessive. Lahat ng gusto niya sisuportahan ko. Never ako naging selfish. Lahat binigay ko na. Hindi ko talaga akalain na may mga taong kahit anung kabutihan ang ibigay mo susuklian ka ng hindi maganda. Eh ganito pala ang show. Dapat nung una eh naging brutal nalang ako sa kanya. Siguro hindi niya ako lolokohin."

"Max, siguro hindi talaga kayo ang para sa isat Isa. Yun lang. Si God kasi ang pumipili ng para sa atin. Malay mo nasa harap mo na pala."

"Gago ka no? "

"Kung sinagot mo ko dati eh di sana dalawa na anak natin. Haha!

"Engot ka talaga no? Pero Lee salamat talaga ha? Mula nung college pa tayo ikaw na sumalba sa akin. Ang bait ni God at binigyan niya ako ng katulad mo. Wag ka mag alala makukuha ko na back pay ko. Iliibre kita ng bonggang bongga. At pagkakuha ko ng pera aalis na ako dito.

Niyakap ko si Lee at ayun umiyak na naman ako.

Habang nanonood kami ng movie biglang lumabas si Lee sa apartment na tinutuluyan namin para bumili ng mga kutkutin. Pagdating niya may dala siyang alak na pang isang dosenang tao.

"Ano to...??? May bisita ka? "

" Oo ikaw. At ngayon lang may dumating na good news sa akin. Hulaan mo?

"Sabihin mo na!"

"Branch manager na ako ng pinagtatrabuan ko!!

"Talaga? "

"Oo! Hindi ka naniniwala? "Pag minamalas ka sinuswerte ako. Wahahahh!!

"Grabe ka talaga Lee napaka unfair mo. !

"Makakalimutan mo problema mo kaya magwalwal na tayo.!! Whoahhh.!!

Pinatunog ni Lee ang sound system niya ng sobrang lakas. Isipin niyong nasa bar kami. Kami lang dalawa. Nagsasayaw at naghaharutan. Hindi pa kami nangangalahati sa drinks hilong hilo na ako.

Shhh! Stop the music.

"Hoy Creg if you are listening Pak you gago ka. Mag dadalawang linggo na hindi ka nagsosorry sa akin. Ni text wala. Creg ang sakit kasi akala ko Mahal mo ako. Napaka sinunggaling mo. Yung ginawa mong pambababae wala lang sayo no? Napaka insensitive mo. Sising sisi ako alam mo yun! Creg kausapin mo naman ako. Ako ba dapat mag reach out sa yo? Kahit mag sorry ka lang!!!

Alam kong humagulgol ako kahit lasing ako alam ko ginagawa ko. Nilapitan ako ni Lee. Niyakap niya ako at kinuha niya ang alak na daladala ko.

"Tama na . Sege na tama na. Sinabi mong hindi ka na iiyak. Nandito ako. Mahal na Mahal kita Max. Alam mo yun simula pa lang. Pero mas pinili kong maging best kaysa boy friend mo kasi alam ko iba ang nasa puso mo. Wala ng mananakit sa yo."

Wala ng music at tuloy pa rin ako ng inom. Si Lee nasa sahig na nakahiga.

"10 am na ng gumising ako. Hilong hilo ako at napatakbo agad ako sa banyo kasi feel ko susuka ako. Naghilamos nalang ako ng mukha. Bumalik ako ng kwarto , at ng hihiga na ako ay may matigas na bagay na nakatago sa ilalim ng kumot. Gulat ! Sobrang gulat ako na tao pala ang nasa ilalim ng kumot. Hubot hubad. Nanginig ako at ng nakita ko ang sarili ko sa salamin na wala ring damit . Doon ako napasigaw at sa sigaw ko ay sumigaw din si Lee habang nakatingin sa hubad kong kawatan.

No! This is wrong. No 😢

HIDE AND SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon