Battle 2

1.8K 73 16
                                    

BATTLE 2:Day 1

SNOW

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahalik sa leeg ko. Mabilis akong nagmulat at laking gulat ko ng may masilayan akong isang lalaki sa ibabaw ko at walang sawang hinahalikan ang aking leeg.

Mabilis ko syang tinulak. Eto na ba yun? Nag-uumpisa na ba ang laro ni Kamatayan?

"Walanghiya ka!" sigaw ko pa tsaka ko sya sinampal. Halatang nagulat naman sya sa ginawa ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng magdilim ang mukha nya tsaka bigla nya akong sinakal. Dahil nasa ibabaw ko sya wala akong magawa kundi ang magwala at pilit itulak sya.

Sya si Axel Jackson ng University of Might. Nalaman ko yun dahil sa name tag na nakadikit sa damit niya, maging ako ay meron din.

Ang malas ko nga talaga! Kakaumpisa lang ng laro nasa bingit na agad ng kamatayan ang buhay ko.

Biglang pumasok sa alaala ko ang mga payo ni Ma'am Liza, ang mga ngiti ng kaibigan ko, ang pagmamahal sakin ng magulang ko, si nanay Ella, at syempre si Grey.

Bigla nalang akong nagkaroon ng pag-asang lumaban ngayon sa lalaking sumasakal sakin.

Mabilis ko syang tinulak gamit ang buong lakas ko dahilan para mapasubsob sya sa damo. Pinagyelo ko ang buong katawan nya para hindi nya ako mahabol sa oras na tumakbo ako. 

Sorry Ma'am Liza alam kong pinapanood mo ako ngayon pero hindi ko pa kayang pumatay.

Nang masiguro kong hindi na sya makakatayo mabilis akong nagtago sa may likod ng isang malaking puno.

Narinig ko kasing may palapit na yabag patungo sa direksyon namin dahil sa mga tunog ng napuputol na sanga.

Nakasilip lang ako sa pwesto ng lalaking pinagyelo ko ng may babaeng lumapit sa pwesto nya. T-teka! Sya yung babaeng myembro ng Black Magic Academy!

Si Purple Llanes.

Hinawakan nya si Axel sa mukha tsaka sya ngumiti. Nagulat ako ng humaba ang kamay ng babae at pumaikot ito sa buong katawan ni Axel. T-teka! Elastic Body ba ang powers nya?

"Mukhang hindi ka pa tinuluyan ng huling nakalaban mo ah? Well? Wala akong mapapala sa powers mo. It's so baduy! Elastic body? Tch!" maarteng pahayag ni Purple habang nakapulupot ang mahaba nyang kamay sa leeg ni Axel.

Mabilis nya itong hinagis paitaas dahil sa bilis ng pressure mabilis na bumulusok si Axel paibaba. Nagkalat sa paligid ang dugo at lamang loob nya.

Kahit naman may balak si Axel na pagsamantalahan ako may karapatan parin syang magtagal sa larong ito. Siguro hindi lang pabor ang swerte sa kanya ngayon kaya nangyari sa kanya ito.

Pagsulyap ko kay Purple nakatingin na sya sa puno na pinagtataguan ko. Oh Shit! Baka makita nya ako! Ayoko pang mamatay ngayon!

Hinubad ko ang suot kong sapatos tsaka ako mabilis na umakyat ng puno ng walang tunog.

Pagdating nya sa may ibaba ng puno naapakan nya ang sapatos ko kaya dinampot nya ito. Damn! Wag kang titingin sa itaas!

Tumingin-tingin sya sa paligid tsaka humakbang papunta sa ibang direksyon. Phew! Muntik na ako don! Buti mataas-taas tong punong naakyat ko hindi agad ako makikita mula sa ibaba.

Tinanaw ko ang dulo ng arena pero puro puno ang nakikita ko. May nakikita ako sa hindi kalayuan na mga estudyanteng nagpapatayan para mabuhay.

Paano ko mahahanap ang mga kagrupo ko kung nandito lang ako sa puno?Paano kung napahamak na sila?

White Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon