Battle 3

1.7K 68 4
                                    

BATTLE 3:Day 2

SNOW

Umaga na ngayon pero hindi parin mawala sa isip ko ang pangyayaring nakatatak na ata sa puso't isip ko. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Nhiro.

Nawalan kami ng isang myembro, at ng isang totoong kaibigan. Hanggang sa huling hininga ni Nhiro, si Blue parin ang nasa isip niya. Tinatawag siyang taksil ng iba pero para samin, isa siyang tunay na kaibigan.

Nakaupo ako ngayon dito sa kweba, sa likod ng falls, kung saan ako iniwan ni Kaizer. Hanggang ngayon umaasa parin akong babalikan niya ako dito, kaya mas pinili kong maghintay dito.

Napapikit ako at inalala lahat ng nangyari nitong nakaraang araw. Pangalawang araw na namin ngayon dito sa impyernong lugar na'to, at dalawang buhay narin ang kinuha ko.

Nakakalimutan ko na kung sino ba talaga ko, nakakalimutan ko na rin ang ngumiti ng bukal sa loob ko. Kapag pala nandito ka sa arena na'to ni hindi mo na makikilala ang sarili mong pagkatao. Ang hirap lalo pa't wala kang kakamping nasa tabi mo para damayan ka.

Naalala ko nanaman sina Max, Kaizer, at Lex. Kamusta na kaya sila? Sana ayos lang sila, hindi ko hahayaang mawalan nanaman ako ng isa pang kagrupo at kaibigan.

Tumayo ako ng diretso at nagsimulang maglakad palabas ng falls. May naapakan akong isang bag, ito yung iniwan ni Kaizer dito kahapon. Lumuhod ako para tingnan kung ano ang laman nito.

May mga prutas, dahon na sigurado akong panggamot, bote ng tubig, at isang bracelet na gawa sa pinagsama-samang bulaklak ng santan. Agad ko itong sinuot, at tuluyang lumabas ng kweba.

Bumungad sa'kin ang liwanag na dulot ng sinag ng araw. Magta-tanghali na siguro. Nagsimula akong maglakad sa kung saang direksyon, mabuti nalang at akong nakakasalubong na kalaban.

Nililibot ko lang ang paningin ko baka sakaling makita ko sa kung saan sila Max. Medyo masakit pa ang katawan ko sa mga naging laban ko sa nagdaang oras. Buti nalang buhay pa'ko hanggang ngayon, ilang araw na paghihirap pa ang kailangan kong pagdaan bago makaalis sa impyernong lugar na'to.

Nagulat ako nang biglang may bumagsak sa harap ko, isang babae, galing siya sa taas ng puno. Si Brienna Line, mula sa Alpha University of Magic.

Itinutok niya sa'kin ang kamay niya, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng matinding hilo, parang umiikot ang paningin ko. Ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay ay ngumisi sa'kin si Brienna at agad akong bumagsak sa lupa. 

---

"Snow?"

"Snow."

"Snow, gumising ka na."

"Nandito na'ko, anak."

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, ang unang tumambad sa'kin ay liwanag. Kinusot ko ang mata ko. Sinong tumatawag sa'kin? Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa isa akong bundok. Anong ginagawa ko dito?

Ang pagkakaalala ko nasa laban ako na tinatawag na Fight of the Century pero bakit ako nandito? Tapos na ba ang laban? Patay na ba ko?

"Snow."

"Sino ka?!" sigaw ko.

"Anak ko."

"Nanay Ella?" Maluha-luha kong tanong habang pilit na hinahanap ng mga mata ko si nanay. Naririnig ko ang boses niya, pero nasan siya?

"Ako nga, Snow," aniya.

"Nasaan ka po nanay? Magpakita kayo sa'kin pakiusap!" Hindi ako tumigil sa paghahanap. Tumakbo ako ng tumakbo pero parang walang katapusan itong tinatakbuhan ko. "Nanay Ella, nasaan ka po?!"

White Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon