2

3 0 0
                                    

Bakasyon na kaya nasa bahay lang ako. Gusto ko lang ngayon ay humilata at mag facebook. Nag chachat kami ngayon ng mga barkada ko sa gc namin. Nag uusap kami kung san magandang pumunta para ma enjoy naman namin ang bakasyon. Andaming suggestions pero mas madami ang kaabnormalan. Knowing them.

In the end napag desisyunan namin na lumabas bukas agad agad. Pupunta kami sa isang resort malapit samin na hindi kamahalan pero maganda.

**

Kinabukasan nagkita na kaming magbabarkada. Bale 9 kami sa barkada. Kasama na dito si Dhits at Poy² sila lang ang lalaking kasama namin ngayon.

KAASULAN INLAND RESORT

Basa ko sa pangalang nakaukit sa parang bato sa taas ng daanan papasok sa resort.

May dagat at may pool dito kaya eto ang pinili namin para hindi na kailangan mamili kung pool or beach ba.

Naglalakad ako sa buhanginan para damhin ang preskang hangin. Yung iba nasa cottage pa at inaayos ang dala namin. Gusto kong busugin muna ang akibg mga mata kaya ginala ko muna ang aking mata. Ang ganda ng view dito, mas maganda siguro kung sunset na. Sa ngayon kita ang asul na langit at tubig sng dagat. Yung mga cottages din ay kulay asul kaya siguro ito tinawag na kaasulan. May mga puno din ng niyog at may play ground akong nakita sa gilid.

Pwde kayang manghingi ng niyog dito? Kung ayaw nila bibili nalang ako. Andami kasing bunga. Na miss ko yung tubig nun saka laman. Lagi kami nun kumakain sa probinsya kung saan sila Ate ngayon.

**
DHITS' POV

Nung matapos naming ayusin ang mga dala namin sa cottage hinanap agad ng mga mata ko si Jessie. San kaya pumunta yung baboy na yun. Pero di naman sya actually baboy. Medyo malaman lang haha. Sexy nya nga eh especially sa suot nya ngayon. Naka shorts shorts syang black at naka sleeveless na white.

Nakita ko syang naglalakad sa dalampasigan at tila ninanamnam ang simoy ng hangin. Ang ganda nya talaga.

Naalala ko nung una ko syang nakita. Nasa dalampasigan din sya nun. Nagbakasyon kami nun sa probinsya. Bata pa ko, about 10 years old.  Same position. Ganyan ko sya unang nakita. Nakangiti habang ninanamnam ang bawat ihip ng hangin. Habit nya na siguro gawin yan kasi hanggang ngayonwala parin syang pinag bago.

Ngayon naman nakita ko syang naka titig sa puno ng niyog. Pffft. Ang cute nya. Halatang natatakam eh. Hindi talaga sya nagkulang na pamanghain ako sa bawat emosyong lumilitaw sa mukha nya. Madalas man syang magmaldita sakin, alam ko mabait sya. Napakainosente nya lagi, kaya pag may nakikita syang kakaiba natatawa talaga ako sa bawat reaksyon nya.

Nakita ko yung lalaking isa rin sa nangangalaga din ng resort kaya tinanong ko sya kung pwede kami humingi o bumili ng niyog. Tumango naman sya at nag sabing pwde naman. Basta daw may aakyat lang, pwde kaming kumuha. Bumalik ako sa cottage at nag patulong kay Poy². May lahing unggoy kasi sya kaya sya ang papaakyatin ko. Haha . Pero joke lang, di kasi ako marunong umakyat nun kaya sya nalang.

"Poy!" Tawag ko.

"Oh? Ano yun?"

"Tulungan mo ko." Sabi ko. Tapos ayon sinabi ko na sa kanya. Di nga ako nagkamali may lahing unggoy nga sya. Marunong daw syang umakyat eh ahahha.

Hayss. For sure mababatukan nanaman nila ako pag nalaman nila ang iniisip kong to. Haha

**

Nung maka kuha na si poy², tinawag ko na yung iba. Nagbihis na pala sila ng pang ligo. Kaya pala nawala kanina. Andito na ang 5 girls pero wala pa sila Jessie at Edna. Kaya tinanong ko ang iba at sabi ngayon palang nag bihis. Hinintay namin sila at kumain na. Ginawa naming panulak ang tubig ng niyog. At nilagay din ang coconut meat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENDLESS SORROWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon