Kabanata 7
Midnight Snacks
Nahiya na ako sa mga pinagsasabi ko kaya pagkagising ko ay hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Siya naman ay mas idinidiin pa ang sarili sa akin. Inaasar talaga ako nakakainis.
"Good morning," nakangisi niyang sabi. Napakagat nalang ako ng labi at saka na siya binato paglabas ko ng banyo.
"Morning," di ako makatingin sa kaniya at nasa harapan pa siya ng upuan ko. Sa balkonahe na naman kami nito kakain sigurado lang.
"Do you want to kiss my lips right?" tanong niyang muli sa kalagitnaan ng pagkain. Hindi ko siya sinagot at pinaglaruan ko lang ang bacon sa harap ko. Nilagay niya ang daliri sa aking baba at unti unti itong inaalis sa pagkakayuko.
"Right?" mapang inis niyang tanong. Tumango nalang ako para matapos ang usapan.
"Then fall in love with me." utos ba iyon? Tss di pa niya nahahalata.
"As if I don't" pabulong kong sabi na ako lang ang nakarinig. Ngumisi siya at tinaas ang isang kilay.
"What's that my baby?"
Fukenshet! Gusto kong tumili pero hindi ko gustong maging tanga sa harap niya.
"Haha! Pa Fall ka. Umalis ka nga rito" tinapangan ko ang sarili ko para maitulak na siya. Kanina pa siya tapos kumain samantalang ako ay may tira pang kanin.
"Na fall ka naman?" arghh! hindi parin humihinto sa pang iinis. Gosh!
"Kumakain ako eh Achi. Anuba" maarte kong sabi at mabilis na nginuya ang pagkain ko. Binigyan niya ako ng tubig ng makitang nasisinok na ako. Bwisit kasi kasalanan mo yan.
Ganon lagi ang nangyayari araw araw. Ako naman ay narito lang sa kubo sa dulo ng dalampasigan. Kapag wala ako sa bahay ay doon niya ako pupuntahan. Nag sketch lang ako ng mga designs at nag isip ng mga projects na maaring gawin.
Naririnig ko na ang yabag ng mga kabayong lagi niyang dinadala. Lumabas agad ako para matanaw siya. Hinahangin ang magulo niyang buhok habang papunta sa bahay. Nakangisi siyang papunta sa akin.
Sinalubong ko siya at bumaba siya roon para sumalubong rin ng yakap. Nasanay naman na ako. Parang normal nalang na magyakapan kami.
"Kamusta rito. Hindi ka ba nababagot?" umiling ako sa kaniya. Pinasadahan niya ng tingin ang sketch pad ko. Gusto ko mang agawin ay tinaas na niyo iyon.
"I see the potential. Mag apply ka nalang sa akin. W.O.C."
Ano? Talaga namang makakapagtrabaho ako sa kompanya niya lalo na pag kinasal kami.
"What? W.O.C?" tanong ko, ngumisi siya at humiga na sa inuupuan ko kanina. Unan pa ang dalawang palad at nakangising nakatingin sa akin.
"Wife of CEO."
Owww Fakshet! Bakit ganiyan ka ba. Nakakainis naman to.
Nagkunwari akong naiinis kahit na kanina pa mapunit punit ang labi ko sa ngiti.
Tinabihan niya ako at pinahilig sa kaniyang dibdib. "Ayaw mo non. Wala tayong gagawin kung hindi." binitin niya ang mga salita at malisyoso akong tiningnan.
"Umuwi na tayo. Baka saan pa mapunta ang usapan na ito" natatawa siyang tumango at pinagmamasdan akong nagliligpit.
Pagkaalis ay itinuro niya ang kabayo. Naglalaro parin ang ngisi sa kaniyang mukha.
"Maglalakad nalang ako. Kaysa sumakay diyan sa kabayo mo. Hindi ka naman ata magaling mangabayo" natawa siya sa sinabi ko at nahiya naman ako. Bakit parang may malisya! Arghhh nakakahiya, nakakainis.
BINABASA MO ANG
Whisper Of Hearts
RomanceBASLIN SERIES 1: Meet Yeona Camilla Esquilera. From her name, she is expensive as diamond. Never been touch and unreachable. Prim and proper, respectable and wise. In one swift motion, their life is going downfall because of sinking company. Becaus...