Kabanata 8

0 0 0
                                    

Kabanata 8 

Italy

I am doubting if I go in or stay outside. Ayoko pang bumukaka noh. 19 years kong pinakaingatan tong virginity ko. Pero worth it kaya kung bibigay ko sa kaniya?

Fakenshet! No! Huwag kang marupok, Yeona. Pwede wag tanga? Maygad! 

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto. Naroon siya at nakahiga. Is this real na ba? Eto na ba?

"Matulog ka na. Binibiro lang kita kanina." sabi niya at para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Bakit naman.. Uh I mean" shit why it sound so disappointed. 

Napakunot ang noo niya at tumayo. Tinakpan na niya ako ng kumot at hinalikan sa pisngi. 

Nagising akong wala na naman siya. Nag note lang siya na kailangan niyang icheck ang planta at kumain na raw ako. 

Ako: 

Okay. Kumain ka narin :) 

Lagi lang siyang abala sa planta at minsan ay uuwi kapag malapit na ang hapon at gabi. Doon na niya ako sinusundo sa kubo parati. Kung minsan nga ay nakakapaglibot libot pa kami gamit ang kabayo.

"Tara na," tawag niya ulit ng ayaw kong sumakay doon sa kabayo. Pababa na siya kaya ako na ang umakyat. Inalalayan niya pa ako at muntik pa akong mabuwal dahil sa paggalaw ng nakakainis na kabayo na ito. 

Habang umaandar ay nakaganoon na naman ang posisyon namin. Ako ang nasa harapan, tumatama ang dibdib nito sa akin at nakatabon ang mukha sa aking leeg. 

"Saan tayo?" tanong ko at pinagalaw ang balikat para matitigan niya ako.

"Kahit saan mo gusto." tinuruan narin naman niya ako kaya ako na ang nagpapaandar dito pag gusto niyang huminga sa balikat ko. Pero madalas ay siya. 

Palabas kami ngayon ng bahay. Hindi pamilyar ang daan dahil nga sa likod kami dumaan. Maputik at malubak kaya hirap ang takbo ng kabayo. 

"Ang ganda naman. Nasa bayan parin ba tayo ng Baslin?" mangha parin ako sa maberdeng paligid. Walang masyadong sasakyan at hindi masyadong maayos ang daan pero sulit paring puntahan. 

Tumango siya at hininto ito sa may bukana ng bangin. Pinagmasdan ko ulit ang paligid. Kita mo ang kabuuan ng Baslin. Ang matubig at mapunong parte nito. Ang mga nakatagong bahay sa tabi ng daan. 

"Did you like it?" tumango ako s tanong niya at binuhat na ako pababa. Umupo siya doon sa punongkahoy at ganoon rin ang ginawa ko. 

"Nag aral ka ba dito. O sa Manila?" 

"Dito ako nag highschool. Sa New York ako nag kolehiyo." mangha akong tumingin sa kaniya at tinawanan lang niya ako saka isinarado ang nakaawang kong bibig. Hinawakan ko ang baba ko at medyo nahiya.

May mga dumadaang babae. Lagi lang nilang kinakawayan si Achi at kumakaway naman ito pabalik. Ako naman ay tititigan ng mangha o di kaya ay nagtataka. 

Hinintay namin ang paglubog ng araw. Ang malaking liwanag ay tinatabunan ng madilim na ulap. Unti unti ng nagkukulay dilim ang paligid kaya nagyaya narin akong umuwi. 

Nakaabang sa mansyon si Senyorita Sally. Kasama niya ang isang matangkad ding babae, morena, makapal ang kilay, matangos ang ilong, maninipis ang mga labi. One word to describe her, Goddess. 

Napakagat ako ng labi at iniiwasang makagawa ng ingay sa hapag. Napansin siguro ni Achi ang pagkabalisa ko kaya pinagsiklop niya ang kamay namin sa baba. 

The girl looking at me intensely. Lumipat ang tingin niya kay Achi at lumabas ang dimple nito sa kaliwang banda ng mukha dahil sa pagngiti. 

"Tylon. How are you?" panimulang sbai ng magandang babae saka inilagay ang lumipad na buhok sa likod ng tainga. Tsss, I smell kaharutan. 

Whisper Of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon