Kabanata 9

2 0 0
                                    

Kabanata 9

Goodbye

Nagising ako sa mga haplos ng maiinit niyang palad. He caressing my hair down to my face until to my dried lips. Bihis na siya at pormal na pormal ang dating. Hindi pa nalalagay ang tie. 

Aangkinin na naman niya ang labi ko hinarang ko ang palad ko saka tumayo. Nagtataka niya akong tiningnan, nakakunot ang noo. 

"Hindi pa maayos ang mukha ko. May mga tuyo pa ata akong laway tas gusto mo halikan ako?" masungit kong sabi at itinuntong na ang mga paa sa malamig na sahig. 

"Ano naman. Mabango ka parin naman kahit bagong gising" suss bolero talaga! Kumindat pa siya bago niya tinuloy ang mga halik niya. 

"Anong oras ang flight mo papuntang Rome?" nabanggit niya kasi kagabi na apat na araw siya sa Rome. Kasama niya ang isang Viejo, partner nila sa business. 

"11:30 AM" tiningnan ko ang orasan. Alas nuwebe na at lilipad pa siya ng manila. Kailangan na niyang umalis. 

Nalungkot na naman ako, iisipin ko na namang magkakahiwalay kami. Kahit na apat na araw lang naman iyon.

"Kumain na tayo. May chopper naman akong gagamitin papuntang Manila." itinuro niya ang pagkain sa balkonahe at hinitak na ako palabas.

Binilisan ko nalang kumain at ng matapos ay nakita kong gulo gulo ang ayos ng polo longsleeve niya. Kinuha ko ang tie at ako na ang nagsabit sa leeg.

"Bakit kasi hindi mo pa nilalagay to. Kapag talaga ikaw nahuli sa flight mo. Paliliparin kita!" pinapagalitan ko siya habang nilalagyan ng tie. Alam kong ngiting ngiti to kahit na nakabusangot ang mukha. 

Ngumiti ako at pumalakpak ng makitang ayos na ang suot niya. Ang gwapo talaga, letse! 

"Im gonna miss you." mami-miss ko rin tong mokong nato. Tumango ako at pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. 

"Stop being clingy Achi. Baka hindi kita paalisin diyan" pagalit kong sabi sa kaniya habang hinampas ang braso niya.

"Pabor naman sa akin iyon. Sige mas gagalingan ko pa ang pagyakap" 

Sinuntok ko na ang tiyan niya ng ayaw pang magpaawat. Humahalakhak lamang siya habang pinipigilan ang pagsuntok sa mga kamay ko. 

"Magtext ka sa akin. Baka mag uwi mo dalawa na kaming mahal mo." 

"Yes, Maam" pang iinis niya pa at nag nakaw ng mabilis na halik. 

Nakabusangot ang mukha niya ng hinatid ko siya sa labas. Bago pumasok ng kotse niya ay pinasadahan ako ng matagal na halik. Hiyang hiya nga ako sa mga kasambahay na nanonood sa amin. 

Hindi pa ako nakakabalik sa bahay ng tumunog ang phone ko. 

Achi:

Parang gusto ko atang bumalik. I miss you

Wala pa naman ay ganoon na ang nararamdaman ng mokong na ito. Miss ko rin naman siya. 

Ako:

I miss you, too. Mag ingat ka. 

Mabilis siyang nagreply at biglang tumawag. Hinayaan ko munang lumipas ang dalawang segundo at saka na sinagot ang tawag. 

"Hello?" nanginig ang boses ko kaya kinagat ko ang labi. 

"I Miss You" iyon agad ang bungad niya. Tulad kanina ay sinagot ko iyon "I miss you too" 

Nakaupo ako sa isang bench malapit lang sa mansyon. Pinanonood ko ang mga hardinerong nagdidilig ng iba't ibang uri ng bulaklak. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whisper Of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon