Chapter 1 : Underneath
*.*.*
Hickson's Point of View
DALA-DALA ko ang isang malaking bagpack sa aking likuran kasama ang mga gamit sa pagmimina katulad nalang ng flashlight, hoe, pick mattock, helmet at iba pa. Naghiwahiwalay kami ng mga kaibigan ko para mas madaling makahukay ng gold bar at sa kasamaang palad, ako lang mag-isa sa kuwebang ito.
Ayos lang naman sa'kin kasi sanay naman ako sa ganitong sitwasyon.
Matindi ang init sa labas ng kuweba dahil sa tirik ng araw. Dahil nga summer ngayon, napagpasyahan namin ng mga barkada ko na magmimina kami. Dahil medyo matitigas ang ulo namin hindi kami nagpaalam DENR na gagawin namin 'to. Ayos lang din naman ang lugar na 'to. Pero hindi ko mapigilang kabahan dahil baka maligaw ako. Hindi rin ako kampante kahit may compass akong dala.
Lingid ito sa kaalaman ng aming mga magulang. Trip lang naman namin eh. Pero isa o dalawang gold bar lang ang aming kukunin kung sakaling may makita kami.
Walang tigil ang pagtulo ng aking pawis habang papasok ng papasok ako sa loob. Mas lalo na ring dumidilim ang paligid kaya pinaandar ko na ang aking flashlight.
Sa isang banda ay napatigil ako at inilagay ang aking bag sa lupa para uminom ng tubig. Uhaw na kasi ako at parang tuyo na rin masyado ang lalamunan ko. Ilang saglit pa ay nag-umpisa na akong magbungkal ng lupa. Hingal na hingal na ako sa kakabungkal pero tila hindi parin malalim ang aking nahukay. Ilang ulit kong tinamaan ang lupa ng aking asarol nang biglang may narinig akong kakaibang tinig na tinamaan nito. Hindi na ako nag-atubiling tingnan kung ano 'yon.
Nang makita ko kung ano ang aking nahukay labis akong namangha, isang gold bar.
Lumaki ang ngiti ng aking labi dahil sa naramdaman kong saya.
Ginamit ko ang dulos para maingat sa pag-hukay dahil ayaw kong masugatan ang ginto. Ilang sandali pa ay nakuha ko na nga ang ito. Bago ko pa man ito inilagay sa aking lalagyan, binasa ko muna ang nakasulat na pangalan nito na labis kong ikinataka.
Inferno University
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko matapos basahin pangalan na 'yon.
Baka pagmamay-ari ng isang school 'to noon kaya may tatak na ganito. Pero bakit ang weird naman ata ng name ng school. Kahit sa history hindi ko nga 'to nakita eh.
Nagulat na lamang ako nang may kung ano akong na pindot sa isang parte ng kuweba at bigla lamang lumitaw ang isang maalikabok na hagdan mula sa aking kinatatayuan.
Tiningnan ko muna ang cellphone ko kung anong oras na. 9:00 AM pa lamang ang nakalagay doon. Tatawag sana ako sa mga kaibigan ko pero wala palang signal sa loob ng kuweba kaya kahit nag-aalinlangan ay umapak ako sa hagdang 'yon. Bawat apak ko pailalim ng hagdan ay lumalakas ang pintig ng aking puso. Lutang ang isipan ko sa mga sandaling 'yon habang ang dala ko na lamang ay ang ginto, helmet, at ang flashlight ko papunta sa kung ano mang lugar ang pupuntahan ko.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang isang kalabog mula sa taas at nakita ko na unti-unting nawawala ang hagdan. Napasigaw ako at nataranta nang matauhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas dito at makabalik sa kuweba.
Humalukipkip ako sa isang bahagi ng hagdan at napa-iyak dahil sa sobrang pagsisisi. Kung hindi ko nalang sana pinasok ang hagdan na ito at kinuha na lang ang ginto at umuwi, hindi na sana ako nakulong dito ngayon. Hindi ko pa naman alam kung ano ang mangyayari sa'kin dahil pinasok ko ang lugar na 'to!
BINABASA MO ANG
Inferno University
Mystery / ThrillerHighest Rank No. 65 In Mystery/Thriller ~ Must shut your mouth, 'cause you might not like the consequences. Live while you can to survive on this cruel world. Entering this place means no going out! Violating rules can be risky and perilous, everyth...