Chapter 3 : Depths of Helly
***
Icy's Point of View
NANG makaabot kami sa canteen may narinig akong sitsit ng isang tao. Hindi ko alam kung bakit ko naman ito sinundan. Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil naglakad agad ang paa ko papalayo at sinundan kung saan nagmumula ang sitsit na 'yon.
Ilang sandali pa nang makaliko ako at mapadpad sa likod ng aking classroom building may nakita akong babae sa isang sulok. Napansin ko rin ang aking bawat nadadaanang benches ay may mga tuyong dugo. Hindi ko nalang 'yon inintindi at agarang pumunta sa babae.
Nang malapitan ko ito naaalala ko naman agad ang babaeng nasa room kanina. Pula ang buhok nito at pula ang kaniyang labi. May nakabaong nakakakilabot na ngisi sa kaniyang pulang labi.
"Newbies right?" Aniya.
"Oo." Sagot ko. "Ako ba ang tinatawag mo?"
"Unfortunately, lahat kayo pero mukhang ikaw lang ang nakarinig eh so pwede na rin." Anito at nagcross arms sa aking harapan.
"Anong kailangan mo sa'min?"
"Wala lang. Gusto ko lang kayong balaan. Syempe newbie maraming curiosity. Kailangan matuldokan agad!"
"Ano 'bang ibig mong sabihin na babalaan mo kami?"
"Well, siguro hindi niyo pa nababasa ang one rule." Tinaasan niya ako ng kilay at bumalik ulit sa dati niyang awra. Nakakatakot siyang tingnan dahil sa tindig niya palang ay nakakakilabot na. "Mag-ingat kayo, baka hindi kayo magtatagal dito dahil simula pa lamang nang dumating kayo rito, ang kalahati ng katawan niyo ay nakabaon na sa lupa!" Sabi ng babae.
"Sino ka ba? At anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na medyo naguhuluhan na dahil parang close kami sa sitwasyong 'to. Eh hindi ko nga alam ang pangalan niya eh.
"Ako si Velvet Costello. Ang reigning queen ng Inferno University. At kung tinatanong mo kung anong ibig kong sabihin, you will only know when you read the only rule on the bulletin board." Aniya at naglakad papalayo.
BINABASA MO ANG
Inferno University
Mystère / ThrillerHighest Rank No. 65 In Mystery/Thriller ~ Must shut your mouth, 'cause you might not like the consequences. Live while you can to survive on this cruel world. Entering this place means no going out! Violating rules can be risky and perilous, everyth...